(march 11, 2020)
kasalukuyan akong nasa bahay. suspended ako ngayong araw. pero katumbas din n'on ang mga activities na pinapagawa sa'kin ng mga teachers dahil sa kasalanan ko.
kaya ko 'to.
nagalit si mama sa nangyari, pero kalaunan, pinagsabihan niya nalang ako na wag na uulitin yon. kahit naman daw siya, mananapak talaga 'pag sinabi din ang mga 'yon sa kapamilya niya.
nananahimik ako sa paggawa ng special project nang may kumatok sa pintuan at binuksan ito.
"hehe. tutulungan sana kita sa project mo, kung okay lang?"
"sige. pero ba't ka umabsent?! baka mapa-trouble ka. tapos dahil pa sakin." sabi ko dahilan para magulat siya.
"baliw. march 11 ngayon. founder's day ng school namin kaya walang pasok."
oo nga pala.
"s'an kita pwedeng tulungan?" tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko habang tinitignan ang dini-design-nan kong papel.
"iresearch mo 'to sa pc. tapos kopyahin mo." utos ko at ibinigay sa kanya ang notebook puno ng instructions.
"hindi pwede print?!" reklamo niya.
"hand written dapat, chenle."
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Short Storyin which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019