"sigurado kang kaya mong umuwi? may mga gamot naman dito sa sakit ng t'yan." offer ng school nurse namin.
kasalukuyan akong nasa school clinic matapos kong magdahilan na masakit ang t'yan ko sa teacher namin.
"opo. uuwi na po ako. sorry po sa abala." hindi ko na hinintay na sumagot ang nurse at tumakbo na papunta sa exit ng gate. pinakita ko sa guard ang signatured letter ng nurse at pinalabas na ako.
nas'an kaya si jisung? sa bahay nila? sa park? sa--
sa tree house.
agad akong pumara ng taxi at umuwi sa'min. katabi ng bahay ang tree house. ang tree house kung saan tumatambay siya pag may problema.
sana nand'on siya. sana maabutan ko siya d'on.
nang makarating na ako, agad akong umakyat gamit ang hagdanan at wala akong nandatnang jisung doon.
baka nagbago na talaga 'yon. hindi na siya pumupunta dito.
: (
bumaba ako sa tree house at pumasok sa gate namin. sasabihin ko nalang kay mama na baka pag nakita niya si jisung, ipaalam niya sa'kin.
nang pumasok ako sa bahay, agad kong naamoy ang noodles na niluluto ni mama.
at nakita ko din ang jisung na pulang-pula ang mata at ilong sa sala.
yakap-yakap niya ang unan ng sofa habang nanonood ng tv.
cutie.
"h-haerim?"
"jISUNG!"
tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"okay ka lang? akala ko nasa tree house ka. dito ka muna ha? samahan ki--"
"sorry."
yung yakap namin? mukha akong ate na nakita na yung nawala niyang kapatid.
"ba't ka nagsosorry? wala ka namang kasalanan." mahinahon na sinabi ko.
"sorry dahil nandito ako."
napatawa naman ako ng kaunti, "joker ka. mas nakahinga nga ako ng maluwag kasi nalaman kong nandito ka."
"haerim? umabsent ka?" sabi ni mama habang dala-dala ang noodles na inilagay niya sa center table.
hindi naman ata halata na absent ako.
"h-hinanap ko po kasi si jisung. sorry ma." sabi ko at tumayo para kunin ang noodles.
"dapat lang. kung alam mo lang ang pinagdadaanan ni jisung ngayon, dapat nandito ka talaga para sa kanya."
wow. mas mahal pa ata si jisung kaysa sa'kin.
at kung alam din ni jisung ang pinagdaanan ko noong wala siya, dapat umabsent din siya 'no.
susubo na sana ako nang sumigaw si mama ng, "hoy! kay jisung 'yan. kumuha ka d'on sa kusina ng sa'yo."
favorite inaanak award goes to park jisung himself.
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Kısa Hikayein which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019