(april 14, 2020)
nakapagbihis na ako't lahat, pero hindi pa din gumigising si jisung na nasa guest room.
"jisungie! susunduin tayo ni chenle ngayong alas nueve. 8:43 na!" sigaw ko habang inaalog-alog siya.
no signs of waking up.
"mochi! gising na!"
"mamaya na cupcake ko-" sagot niya habang natatawa.
mochi and cupcake.
ang gaga ko pa naman para tawagin siyang mochi. tawagan namin 'yun dati eh.
"baliw! baka magtampo si lele. gising na!"
sa wakas, bumangon na siya at dumiretso na sa paliguan.
-
"jisung hayaan mo akong magshoot!" reklamo ko sa kanya. ayaw niya kasi akong bigyan ng bola at magshoot dito sa basketball thingy ng arcade.
chenle vs jisung × me
:)
kay chenle sana ako kakampi, pero sabi niya na mas kailangan ako ni jisung. pinagpasapasahan pa nila ako pero ang nangyari, naging one vs one ang laro.
nang matapos na ang nakakaenjoy na laro, lumabas kami sa arcade at sa food court naman kami nagtungo.
panalo si chenle. sinisi pa ako ni jisung dahil kinulit ko daw siya kanina. kaya siya ang manglilibre ngayon.
nasa bilihan si jisung at kami naman ni chenle ang naiwan sa table.
"so ano? mahal mo pa siya?" panimula ni chenle.
"oo. hindi nawala eh." sagot ko nang hindi man lang nagdalawang-isip.
ngumiti lang siya at saktong dumating na si jisung na may dalang pagkain.
this is probably the cheapest lunch na matitikman ni chenle habang nasa galaan. sana maging memorable sa kanya 'to.
-
ilang oras ang lumipas, umuwi na kami.
binilhan ako ni chenle ng unan. sana daw maalala ko siya habang yakap ko 'yon sa pagtulog. binigyan naman niya si jisung ng relo, para daw maalala siya ni jisung kada oras.
tinanggap nalang namin ang mga 'yon dahil farewell gift daw kasi niya ang mga ito.
pinauna niya na si jisung sa loob ng bahay at pinigilan ang pagpasok ko.
"haerim. may ibibigay ako sa'yo." sabi niya habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay.
"pero ayos lang sa'kin yung unan. hindi ko yan matatanggap." pagtanggi ko.
"iba 'to. maghintay ka dyan." tumakbo siya papunta sa kotse nila at parang may kinuha doon.
nakita ko sa kamay niya ang isang notebook na sobrang familiar. parehas na parehas ito sa notebook kung saan ko sinusulat ang mga nararamdaman ko kay jisung.
napalunok ako ng laway.
ano ibig sabihin n'yan?
"a-alam kong wala akong pag-asa sa'yo," mapait na pagtawa niya, "pero gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko.".
"basahin mo lahat 'to. sana wag kang malungkot o kung ano pa man. promise babalik ako. pag gr-um-aduate na ako o baka pag semester break. mami-miss kita haerim. salamat dahil w-in-elcome mo ako dito. salamat dahil napasaya mo ako."
niyakap ko siya.
tumulo ang luha sa mga mata ko at mukhang napansin niya 'yon. bumitaw siya sa yakap at nakita ko din na umiiyak siya.
"mahal kita."
ngumiti ako.
"salamat, kaibigan. sana hindi mo ako makalimutan." tugon ko.
"hinding hindi." hinalikan niya ang noo ko kaya mas dumami ang mga luha na nahulog galing sa mata ko.
"sige na. flight pa namin ngayong hatinggabi. salamat sa lahat." ngiti niya at tumalikod na.
"MAHAL DIN KITA KAIBIGAN KONG CHENLE!" Sigaw ko n'ong sumakay na siya sa sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Short Storyin which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019