"merry christmas, haerim." ngumiti si jisung habang binibigay sa'kin ang regalo niya. tinanggap ko naman ito.
"yiiIiIEeEEe!" hiyawan ng mga pinsan ko kasama na din ni kuya jihoon. napangiti naman ang tatlong nanay sa harap namin.
"salamat."
nang binuksan na namin ang mga regalo, hinuli ko yung kay jisung.
ballpens. alam niya talaga na mahilig akong magsulat.
-
dahil may trabaho pa si kuya jihoon bukas, hinatid ko siya sa gate namin.
"okay ka lang?" panimula niya nang makalabas na kami.
"lagi naman akong okay." sagot ko ng walang ekspresyon ang mukha.
"sigurado ka? wag kang mag-alala. ako pa din ang number 1 fan ng haesung. wala akong pake d'on sa yewon na yon." tumawa siya ng kaunti.
"baliw ka kuya. baka nagmana sayo yung kapatid mo kaya nakipaghiwalay 'yon sa'kin." biro ko.
"baliw ka din. alam mo ba na kinekwento ka niya palagi sa'kin? simula d'on sa pagiging mag-isa mo sa school hanggang sa.." bigla siyang huminto sa sinasabi niya kaya naintriga ako.
"saan?" tanong ko.
"sa ano. sa inyo ng seonho ba 'yon?"
oh.
"baka kasi lagi mo kong tinatanong sa kanya." pagdahilan ko.
"hindi. trust me. kusa ka niyang kinekwento. wala nga akong balita d'on kay yewon. ikaw kasi pinag-uusapan namin lagi."
"wow. mga chismoso kayo."
"syempre, para sayo." birong tugon niya.
BINABASA MO ANG
letters for park jisung
Storie breviin which haerim wrote letters for her bestfriend, slash ex-boyfriend, whenever she wants to. but while she was in japan for a three-day vacation, jisung found out about it and read it. sᴛᴏʀʏ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ✔ ᴀᴘʀɪʟ 23, 2019 - ᴀᴘʀɪʟ 26, 2019