Isang higop ng mainit na kape at kagat ng tinapay ay handa na ako. Chineck ko pa ng isang beses ang bag na dadalhin ko kung may nakalimutan ba ako o wala. Sinukbit ko na ang bag ko at sinimulang isuot ang flat shoes ko. Pagkatapos, kinuha ang baon kong sandwich at pilit ipinagsiksikan sa maliit ko pang bag.
6:03 pm. Hindi pa naman ako late. Isahang sakay lang naman ang ginagawa ko. At hindi naman gaano ma-traffic.
Naglakad nalang ako papunta sa may sakayan ng terminal dito samin. Malapit lang naman. Naghintay ako ng limang minuto bago nakasakay. Hindi na masama.
Pagkasakay ng van sinalpak ko kaagad ang earphones at hinanap ang paboritong kanta. Pampatulog. Ng mahanap ko na ang Can't take my eyes off you ni Joseph Vincent ay naisandal ko na ang ulo sa sandalan. At pinikit ang mata.
Nagsimula ng umandar ang van. At kagaya ng nakagawian, sumilip na naman ako sa bintana. Tinititigan ang mga nagtataasang building sa di kalayuan. Pati mga tao na nahahagip ng aking mata. Gumana na naman ang aking imahinasyon ng makita ang isang lalaki at babae na nakasakay sa bike
Ang kulit. Pati sa bike ay may makikita kang mag-jowa na nagkukulitan. Hindi alintana ang mga taong makakakita sakanila at sasabihin ng iba. Akala ko kase sa wattpad lang ako makakakita ng ganyan.
Ibinaling ko na ang aking mga mata sa mga umaandar na sasakyan. At tila ba iniisip kung ano ang ginagawa ng mga tao sa loob nito. Kagaya ko rin ba sila? Na kuntento na sa pagtingin sa mga nagtataasang building sa labas? O katulad ba sila ng mga tao dito na kasama ko? Na yung iba natutulog, yung iba naman nagcecellphone.
Napapikit nalang ako sa isipin. Siguro 'pag frustrated writer ka talaga ang dami dami mong naiisip. Ang dami-daming bagay na gumagala sa utak mo. Kaya pati concentration ko sa trabaho nagugulo.
Pagdilat ko ay saktong pagdaan din ng isang van. Pero hindi dito napako ang tingin ko. Kundi sa lalaking------ nakatitig sakin?
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Na para bang sa limang minuto na kami ay nagkatitigan ay tila ba nag slow motion ang lahat.
WHAT? Ano ba 'tong mga naiisip ko! Dala lang ng kape 'to eh! Oo tama. Lumayo ako sa bintana at hindi na muling nilingon pa ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin. Ano bang problema ng isang 'to?!
Pumikit nalang ako at sinandal ang ulo. Relax, relax, relax.
🎵 You're just too good to be true
Can't take my eyes off you🎵Nag-repeat na naman pala ang kanta. Pero hindi kagaya dati, nilipat ko na 'to. Ano daw? Can't take my eyes off you? Argh! Bakit ko ba naiisip ang lalaking 'yon.
At eto na naman ako, lumalawak na naman ang imagination. Na kung may makakapasok lang sa utak ko, siguro hindi na makalabas dahil sa dami ng iniisip ko.
6:33 pm. Dapat 7:00 pm ay nasa office na 'ko. Kundi, yari na naman kay bossing. Hindi sinasadyang napalingon ulit ako sa may bintana. Pero gumaan ang pakiramdam ko ng makitang jeep nalang ang kaharap. Buti naman.
Ewan ko, pero ang weird sa pakiramdam. Tinted ba 'tong van na nasakyan ko? Mukhang kailangan ko ng siguraduhin muna na tinted ang van na sasakyan ko. Para naman hindi ako magmukhang ewan sa mga taong makakakita sakin sa labas. Mamaya isipin pa nila na broken-hearted ako kaya nag ssight seeing ako.
Duh! Ako? Never. Never pang nabroken-hearted.
Matalino kase ako.
Inilayo ko na ang mukha ko sa bintana. Sabi na nga ba't hindi tinted 'tong nasakyan ko. May sumisilip na bata sa jeep eh. Hays. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at dinama ang kanta.
Maya-maya tumigil ang van. Traffic siguro. Nako talaga 'pag ako nalate, ipapasisante ko 'tong driver ng van na 'to!
Charot lang. Nandamay pa 'ko sa katamaran ko.
Damang-dama ko ang kanta. Kaso di naman ako makaconcentrate ng maayos dahil sa tagal na naming hindi pa nagalaw!
Dumilat ako at kinuha ang cellphone sa bag. Bwisit talaga! 6:45 pm na! 15 minutes na lang at late na 'ko! Kainis! Bukas, 5:30 palang aalis na ko ng bahay.
Pero mas dumagdag pa sa inis ko ng makita sa pagitan ng mga bintana, Isang binata na nakapangalumbaba. Na sa akin ay pawang humahanga.
Nice one, rhyming. Clap clap.
Pero seryoso, naweweirduhan na ko. Ewan ko. Ang weird sa pakiramdam. Bwisit naman kasi! Bakit ba hindi tinted 'tong nasakyan ko para naman kahit magmake-face ako sa harap niya 'di niya makikita!
Pero hindi ko na yata kailangan ng tinted na van, dahil sa inis kaya natarayan ko siya ng bonggang-bongga. Pasensya na kuya, grabe kase makatingin 'yang mga mata mo. Sarap dukutin. Tas gawing jam. Hehehe jam? Ew. Ano ba 'tong mga naiisip ko?!
Pero bago pa man ako sumandal ulit at ilayo ang mukha sa bintana, naramdaman ko na naman na bumagal ang lahat. Para na namang may slow motion. 'Yung kagaya sa mga nababasa kong storya.
Ng makita kong ngumiti siya pagkatapos ay mahinang natawa. Na para bang narinig ko ang mahinang pagbungisngis niya. Pero imbis na kiligin o kung ano pa man na nababasa ko na ginagawa ng mga bidang babae sa palabas man o sa aklat, isang malutong na make face ang ginawa ko sakanya.
Nakakainis! Next time talaga, sa tinted na! Ria, Tinted na ah?!
At, anong kaartehan ang pinagsasabi mong slowmo slowmo na 'yan? Nakakadiri ka. Buti pa sana kung gwapo---- edi gwapo siya. Buti pa sana kung tapos sa pag-aaral 'yang lalaki na yan at mayaman. Edi titigil talaga ang oras mo! Eh kaso mukhang hindi. Kaya walang slowmo na naganap. Wala.
Ay hindi. Siguro traffic lang. Kaya slow motion talaga. Oo tama.
Isang malaking thank you ang nasabi ko sa utak at malaking relief ang naramdaman ko ng gumalaw na ang van hanggang sa bumilis ito. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa office.
Ang kaso.......
6:59 pm.
Shet.
Never pa kong na-late in my two years here in the office!
Kaya naman dali-dali akong tumakbo papunta sa log-in room. Nagkanda laglag pa ang bag ko at muntikan ng madapa kahit pa naka flat shoes naman ako. Nakakabanas! Nakalimutan ko pang isuot ang ID ko! Argh! Tumakbo pa ulit ako ng matapos ang lahat. Kaso shet na malagkit lang. Nanlumo ako ng makita ang oras.
7:01 pm.
R.I.P
Maria Esperanza Lastimoza
October 7, 1998-February 10, 2019
CAUSE OF DEATH:
L A T E
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
General FictionHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...