Imbis na umuwi, sa tahimik na park kami napadpad. Nakaupo ako sa dulo ng bench sa park habang siya ay nasa dulo din. Walang gustong magsalita.
"Niko..." Siya ang kababata ko. Simula limang taong gulang ay magkasama na kami. Laging magkaklase. Hindi mapaghiwalay. Siya lagi 'yung naresbak sakin pag may nagtatangkang umaway. Siya yung tinuring ko ng kapatid. Kaibigan.
Akala ko 'di na kami magkakahiwalay. Pero dumating yung isang araw na hindi ko na lang sila nakita. Sabi ng mama ko, umalis na daw sila at pumuntang ibang bansa. Hindi ako naniwala. Grade 6 ako noon. Nadalaw parin ako sa tapat ng bahay nila. Pero, wala parin siya.
Sabi ko sa sarili ko, Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Akala ko ba magkaibigan kami? Akala ko ba kapatid ko siya? Akala ko ba partner kami? Bakit niya ko iniwan?
Nagbago ko. Naging mapag-isa. Hindi na ko nagkaroon ng kaibigan pagkatapos 'non. Para san pa? Iiwan ka rin naman nila sa dulo.
And now, babalik siya ng biglaan out of nowhere. Ng hindi ko alam hanggang ngayon kung bakit niya ko iniwan. 'Bat siya umalis.
"Kamusta?" nawala lahat ng isipin ko ng magsalita siya. He's not looking at me. nakatingin siya sa may malayo. Ganoon din ako.
"Fine." I answered. I saw in my peripheral vision na lumingon siya sakin.
"I'm sorry. For leaving you." ramdam ko na ang pagbigat ng paghinga ko at di malaman kung bakit parang nangangatog na 'yung nga tuhod ko.
Isang marahas na paghinga ang binitawan ko. At saka tumayo. I'm done. I need to rest. Wala pa 'kong tulog.
"I need to go. I need to rest. Wala pa kase 'kong pahinga." I said. He just smiled. Nauna nakong maglakad at sumunod naman siya.
'San ba nakatira ang isang 'to at balak pa yata akong sundan?
Hanggang sa nasa harapan na ko ng bahay ko ay andun pa din siya. Kaya naman humarap ako sa kanya.
"Are you following me?" Sabi ko ng may halong iritasyon. At sa ikatlong pagkakataon, He just smiled. tf? He pointed the house in front of ours. 'Yung bahay nila.
"Dito na ulit kami mags-stay. Bukas, 4:00 pm. Sa park. Sana pumunta ka. Usap tayo." and after that, pumasok na siya sa bahay nila. Ganoon din ako.
Pagkasara ko ng pintuan ay siyang pagsandal ko din dito. Kasabay ng malalakas na paghinga. Anong trip niya at bumalik pa siya?
Inilock ko ang pinto at diretsong umakyat sa kwarto. Pagkatapos ay naghubad ng damit para makaligo na at makatulog.
~kringgggggg, kringggggg~
Isang malapad na ngiti ang sinalubong ko para sa umaga. Hays, parang ngayon lang ako nakatulog ng maayos!
Dahil nakalock ang bintana, hindi ko makita kung gabi na ba oh umaga pa kaya naman kinuha ko ang cellphone sa side table at laking gulat ng makitang...
7:00 am na?! Ng Sabado?!
Isang araw akong tulog?!!!
Kaya naman pala masakit sakot ang likod ko. Ikaw ba naman ang matulog ng isang araw. Tss.
Nakita ko ding hindi alarm ang gumising sakin kundi maraming texts sa hindi kilalang number.
From: 09*********
Ria, Si Niko 'to. Pinagluto kita ng ulam. Pero pagtingin ko nakalock na bahay niyo. Tapos pati bintana mo nakasara na rin. Sayang, favorite mo pa naman 'to.
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
General FictionHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...