FOOL 3

9 2 0
                                    

PLAY: MIDNIGHT SKY BY  UNIQUE WHILE READING THIS CHAPTER.

SALAMAT!❤





Isang malakas na buhos ng ulan ang unang bumungad saakin pagkalabas ko ng bahay. A rainy day for me huh?

Kakainis. Wala pa man din akong payong.

Bumalik na lang ulit ako sa bahay. Next time, bibili na ko ng payong. Tumingin ako sa relo ko sa kamay. 5:23 pm. I sighed. Sa kagustuhan kong makasakay sa tinted na van, inagahan ko. Ang kaso, malas talaga ko. Eto at naulan pa.

Ayoko ng malate. Ayoko na. Ayoko.

Hindi alintana ang ulan, patakbo akong lumabas ng bahay habang patigil-tigil sa pwedeng masilungan. Hanggang sa nakarating din ako sa sakayan ng van.

At tama nga ang nasa isip ko, maraming pasahero na nagkukumahog sumakay. Naulan kase. Nakipagsiksikan ako sa pila. Pero sinigurado ko munang sa tinted na van ako sasakay.

5:30 ng matanaw ko na ang sasakyang van. Pero kanina pa ko balisa. Kanina pa hindi kumportable. Para bang may kanina pa nakatingin sakin at nagmamasid sa mga galaw ko. Kaya naman nagpalinga-linga ako. Pero wala naman akong nakitang kakaiba. Bukod sa maingay na lugar at madaming tao.

SA likod ng van napili kong sumakay. At dahil tinted na ito, safe na ko. Na magtingin-tingin sa labas.

Inilabas ko kaagad ang earphones ko. Pinlay ang kantang Midnight Sky ni Unique. Isinandal ang ulo at ipinikit ang mga mata. Tamang-tama sa malamlam na kalangitan sa labas.

🎵Everytime In my mind
I'm telling myself.
Should I be, Who will be
The man who will hold your hand.

Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile🎵

Tila isang gamot sa sakit na nararamdaman ang kantang ito. Dahil nagawa nitong alisin ang bigat ng problema na nararamdaman ko. Sa totoo lang, ang problemang iyon ay nang hindi ko sinasadyang----- sinasadya na masigawan si Pao. (si bakla)

Masama ako. Oo, inaamin ko. Pero kaya kong pigilan iyon hangga't kaya ko. Pero, hindi ko sinasadyang sabihan si Pao ng masasamang salita. Sumobra ako doon. Alam ko.

Gusto lang naman niyang kausapin ako. Makipagkaibigan. Pero anong ginawa ko? Tinaboy ko ang kaisa-isang tao na umiintindi sa ugali ko.

Napadilat ako at lumingon muli sa mga nagtataasang building sa labas. Hindi ko alam. Pero nakakagaan sa loob ko ang makakita ng nagtataasang building.

Because it motivates me. Whenever I'm seeing them, I'm always saying to myself that in the future. In the future, ako naman 'yung taong nasa loob ng building na 'yan. Nagtatrabaho. Ng trabahong gusto ko. Kung saan ako masaya.

Well, nasa building din naman ako. Remember, Call Center ako. But... I dont like what I'm doing. I just. Dont like it. It's not my passion. It's not my dream.

Pero matutupad pa ba 'yon?

🎵Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I give my love that can't explain
We will be running in the rain

And I will hold your hand...
Hold my hand....🎵

Salungat ng pagtuloy ng kanta, ay ang pakiramdam na hindi na bago saakin. Pakiramdam na naramdaman ko na noon. Pakiramdam na bumabagal na naman ang lahat. May slow motion na naman.

Pero hindi gaya noon, hindi ako pumikit. Inantay ko. Inantay ko kung tama ba ang nararamdaman ko. Kung makikita ko siya ulit.

Napaigtad ako sa naisip. Ano?! Teka! Hindi ko siya inaabangan ah. I just want to check if my feeling's right. Yeah. That's all.

FOOL STRANGERSWhere stories live. Discover now