FOOL 8

8 2 0
                                    

#Last2Chapters








Nagpasa ako ng resignation letter sa pinapasukan ko kinabukasan. May mga nagulat dahil sa biglaan kong desisyon, isa na doon si Pao. Ibang rason nalang ang ibinigay ko sakanila. Ganoon din sa boss ko.







Hindi ko alam, pero sa mga nagyari na biglaan, hindi na ata makapag-isip ng maayos 'yung utak ko.







"Sure ka na ba sa desisyon mo, Ria? Baka pwedeng hindi ka na mag-resign?" Pagmamakaawa ni Pao habang nilalagay ko na sa box ang mga gamit ko.






"Never been this sure, Pao."






Nang malaman ko na may sakit na Leukemia si Niko, hindi ko alam kung anong gagawin. Kung anong dapat i-react. Kung may magagawa ba ko para matulungan siya?






He's suffering from Leukemia for almost 8 years. That was hell. And I am so lucky that Niko fought. Kase kung hindi, baka. baka hindi ko na siya nakita.






"Tita? Ok po. Papunta na po ako. Kagagaling ko lang po kase sa work ko. Yes po, Tita." I ended the call and continued focusing on the road. Pinahiram ni Tita ang sasakyan niya para daw makasiguro na safe ako at bawas na rin sa gastos.






3 days na simula ng magising siya. He cried. He begged. Na bakit daw kailangan sa kalagayang ganoon ko pa siya makikita. Na sana daw sinabi na lang niya. Hindi 'yung makikita ko pa siyang halos mawalan na ng buhay.






Lumalabo na ang kalsada sa paningin ko. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit makita 'yung kaibigan mo na nahihirapan. Ang sakit makita na gusto pa niyang mabuhay ng matagal, pero pinagbabawalan na siya.







Hindi ko na kinaya pa at itinigil ko muna sa tabi ang sasakyan. And there, I cried my self out. I can't hold it anymore. It's okay to cry here so that Niko would not see me. It will break his heart. Knowing that his bestfriend, is tearing apart. Kase, may limitasyon na. May hangganan na.







"Wag ka ng umiyak... Ayokong nakikita kang nasasaktan."






Unang salita na binitiwan ni Niko ng makita niya kong nakasalampak sa sahig, hawak ng mahigpit ang kamay niya at iniiyak ang buong buhay ko.






Napaangat ako ng tingin sakanya. Those eyes. Those beautiful gray eyes, Niko. 'Yang mga mata na kapag tinitingnan ako, para bang ako na yung pinaka sa lahat ng bagay.




Sa pagitan ng pagluha naming dalawa, ay siyang paglandas ng ngiti saaking mga labi habang patuloy na pinag-aaralan ang mukha niya.






Please fight, Niko. Please.





He held my hands tighter. He doesn't want me to let go. He guided my hands to trace his face and while doing that, We're both crying.







"B-Bakit.... N-Niko, b-bakit... I-Ikaw pa?" sobrang sakit na ang nararamdaman ko pero gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mahawakan. Gusto ko siyang madama. Kase baka bukas, hindi ko na 'to magawa. At natatakot ako.






Hindi niya ko sinagot pero patuloy lang siya sa pagtulong sa kamay ko na dumampi sa mukha niya. Ramdam ko na ang mga luha niya. Umiiyak siya. Nasasaktan siya. Alam ko. Kung alam ko lang kung 'pano ka tulungan, kung pwedeng ilipat na lang sakin, gagawin ko Niko.








FOOL STRANGERSWhere stories live. Discover now