Pumasok ako ng office na buraot ang mukha. Walang pinapansin. Ay, sabagay. Wala nga pala talaga kong pinapansin. Bukod dito sa baklang 'to na lagi akong kinukulit. 'Di naman kami close.
"Hi beshie for life! Kamusta naman ang umaga este gabi! Naku talaga, 'yang mukha parang pinaglihi sa problema. Nakakunot na naman oh!" Bungad ng bakla.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa lamesa ko. At dahil late ako, malamang may mga client na ko na hindi nasasagot. Yari talaga.
"Uy beshie naman! Gabing-gabi at nakabusangot 'yang mukha mo. Parang isang minutong late lang eh dinidibdib mo kahit wala ka namang dibdib!"
Binagsak ko nalang ang isang folder ko para naman makaramdam siya. Na ayoko siyang kausap. Ayokong makarinig ng kahit ano sa kanya.
Kaya naman inirapan nalang niya ako. Umupo na ko sa upuan ko. Binigay naman niya ang palibreng coffee ng office. Dahil nga pang-gabi kami, bawal makatulog.
"Thanks."
"Thanks. Taray mo talaga. Diyan ka na nga! Palibhasa walang jowa! Hmmp!" hindi ko nalang siya pinansin at humarap na sa monitor ko. At magaling, dahil may dalawang client na 'kong hindi nasagot ang tawag.
Patay na naman kay big boss.
●●●●●●●●●●●●●●●●●
Andito ako sa may emergency exit. Break time. 15 minutes. Kumuha ako ng kape at baon kong sandwich. Pagkatapos dumiretso dito sa likod ng office namin. 'Yung ibang tao na nakakakita sakin na napunta dito, naweweirduhan sakin. Ano pa nga ba? Sanay na ko. Weird talaga tingin nila sakin.
Wala daw kase kong kinakausap. Laging mag-isa. Tahimik. At pag breaktime imbis daw na sa ibang lugar ako pumunta, Sa emergency exit ako napapadpad. Bakit ba? Masama na bang tumambay sa Emergency Exit? Eh dito ako nakakahanap ng peace. Kung ang iba, tingin nila dito nakakatakot dahil walang masyadong nadaan. Medyo madilim pa lalo na sa may taas at may baba. Ibahin nila ko.
Sobrang toxic ng trabahong 'to. Kailangan ko ng peace in life.
Sinimulan ko ng inumin ang kape ko at kainin ang sandwich na gawa ko. Pagkatapos kinuha ang cellphone ko. Naalala ko kase, dito din sa may emergency exit. May nabasa ko sa wattpad. 'Yung tipong nakatulog dito 'yung babae. Tapos nanaginip siya na para bang totoo lahat na nagkatuluyan daw sila ng ultimate crush niya.
Ang ganda ng story na 'yun. Kase hindi mo ineexpect na yung ending ay panaginip lang pala lahat ng nangyari sakanya.
Gawan ko kaya ng bonggang storya 'ton g Emergency exit? Kumbaga, mas gawin pa nating clìche at twisted ang storya.
Ready na kong mag-type ng biglang may kumalabog sa likuran ko. Tiningnan ko ang phone. 10:56 pm palang. May 12 minutes pa 'ko. Nambubulabog na naman sila.
Hindi ko nalang pinansin ang sunod-sunod na kalabog sa likuran ko. At nagsimulang mag-type ng Mystery/Thriller na storya pero with a touch of romance.
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
General FictionHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...