#Last5Chapters
ANNOUNCEMENT:
So guys, Last 5 chaps na tayo ng FOOL STRANGERS! Salamat sa mga magbabasa,nagbasa, at babasa palang! Hindi ko naman inexpect na dadami kayo ng ganito. Syempre, para sakin marami na 'yung almost 40+ reads❤ Nakaka-overwhelmed na sinusuportahan ninyo ang istorya ko.After ng FOOL STRANGERS, Sana patuloy niyo pa rin akong suportahan sa bago kong ilalabas na istorya. Paabutin muna natin ng isang buwan bago ako makapagsulat ulit. Sana suportahan din ninyo iyon dahil gagawin ko na siyang buong story. Siguro mga 50+ chapters kung ganahan ako hehe😅 Dahil pasukan na, pasensya kung minsan nalang ako mag-updated.
Anyways, FOOL 6 IS UP! ENJOY READING❤
"Y-Yes, Mama. I will, I will. Ok, I love you. Take care." nagising ako ng mabigat ang katawan, dahil sa lapag lang ako natulog at dahil na rin gising na pala 'tong may sakit na 'to.
"Goodmorning." he said while smiling. Hindi ba nawawalan ng ngiti ang isang 'to? Kagabi pa 'to ah. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa banyo para makapaglinis na ng katawan.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakapagbihis na siya at aalis na ata. Magaling na siguro. Ligpit na din ang hinigaan ko kagabi.
"Magaling ka na ba?" Tumango lang siya at inayos ang kama ko. Tinulungan ko siya kase baka mahilo siya kapag pinilit niya ang sarili niya.
"Thanks for taking care of me." he said in a very sincere way. I just nod. Buti naman maayos na siya, sagabal siya dito. Dahil sa kanya sumakit likod ko.
"'Pag labas mo, pakisara nalang ng gate." Paalala ko sakanya ng makitang lalabas na siya ng kwarto. Pero hindi pala dahil kinuha niya lang ang isang balot ng plastic na naglalaman ng mga pinagbibili ko kahapon.
"Ito na 'yung mga pagkain mo. Salamat ulit sa pag-alaga sakin. May gagawin ka ba mamaya?" Kinuha ko ang plastic at inilagay sa side table ng kama ko. Pagkatapos ay humarap sakanya ng nakakunot ang noo.
'Wag niyang sabihin na trip na naman niyang gumala? Aba, kagagaling niya lang. 'Pag siya nilagnat ulit bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na siya aalagaan. Sumosobra na.
"Uuwi na kase sila Mama mamaya from Madrid. They want me to take you sa house. Gusto ka nilang makita." napatigil ako. Uuwi na pala sila Tita. nakakalungkot lang dahil hindi na nila makikita si Mama.
"I'll try. May pasok ako bukas. Kailangan kong magpahinga." Sabi ko. Totoo naman, 'pag ganitong araw lagi lang akong natutulog para mabawi ko yung mga oras na wala akong tulog sa trabaho. Pero dahil nangyari ito, na umuwi siya, na nagkasakit siya, ang dalawang araw na pahinga ko ay nasayang dahil lang sakanya. Great.
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
Fiksi UmumHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...