#Last3Chapters
Umuulan na naman ng lumabas ako ng bahay. Bakit kaya paborito ako ng ulan? Buti nalang at may payong na 'ko na nabili. Habang naglalakad papalabas sa subdivision, I can't stop myself but to think the dinner that we had last night.
'Yung bilis ng tibok ng puso ko, my reaction when Niko hold my hand trying to stop the tears in my eyes like he always used to, hindi ko maintindihan. Matagal na simula ng makaramdam ulit ako ng ganito. It was like, I'm safe. I'm secured. but most of all, I am so comfortable in his arms that it's so hard to break the hug.
Pinilit kong kalimutan lahat ng 'yon ng magsimula na naman akong pumila sa sakayan ng van, and just like the other days, eto na naman 'yung pakiramdam na para bang laging may nakatingin sakin. Para bang laging nagmamasid.
Isa rin sa mga bumabagabag sa isipan ko ngayon, makikita ko na naman ba 'yung weirdong lalaki na laging nakayuko at nakasuot ng jacket sa van? I mean,hindi naman sa hinahanap ko siya. No way! I didn't even know him!
Its just that, nakakasanay 'yung ganitong presenya. Swear, 'pag umandar na 'tong van at nakasakay na 'ko, makikita ko ulit siya.
Pero uulitin ko ulit, hindi ko siya hinahanap. I just want to check if my feeling's right. That's all. Yes, that's all.
Pagkasakay na pagkasakay ng van ay sumilip agad ako sa bintana. Hoping na makikita ko ulit 'yung weirdong lalaki na 'yon para naman matigil na yung curiousity ko. Pero, wala 'kong nakita.
Hanggang sa umandar ang van, wala na 'yung pakiramdam na lagi kong nararamdaman sa twing makikita ko 'yung weirdo na 'yon. Uulitin ko ulit, hindi ko siya hinahanap. Its just that my curiousity is killing me to the point na feeling ko 'yung tumawag sakin last time at 'yung weirdong lalaki na 'yon ay iisa lang!
I shake my head. Bakit ko ba pinoproblema ang bagay na 'to? Jusko. Simula nung dumating si Niko, at pagkabagabag ko sa weirdong lalaki na 'yon parang hindi ko na alam ang sarili ko. Ang dami kong pinoproblema na hindi ko dapat inaaalala.
So I tried to sleep, yes. For me to sleep is the best medicine. Hindi parin pala ko nakakaget-over sa dinner na 'yon. Also knowing that Tito and Tita will stay here in the philippines for good and the fact that their house is just in front of mine. For sure, lagi silang bibisita sakin. Yes, they'll make sure of that.
I sighed. So maybe this is the end of my freedom eh? Dahil andito na sila Tita, lagi nila 'kong titingnan at aalalahanin. na nakakapanibago dahil nasanay ako na walang nagaalala para sakin.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bag, pero natakpan siguro 'yon ng mga iba ko pang gamit kaya nahihirapan akong gumalaw. Isa pa, nakakahiya na makasanggi na naman ako ng pasahero at sabihing magalaw ako.
Earlier in the morning Niko initiated na ihahatid niya ko. Pero hindi ako pumayag, kase nga ayoko ulit maramdaman na para bang nasa karera na naman 'yung puso ko. Kung pupwede, lalayo na muna ko sakanya. Hanggang sa hindi pako malinaw. Kaya eto, tamang tiis muna na maliit ang galaw sa van.
Habang dinudukot ay hindi ko maiwasang mapatingin sa cellphone ng lalaking katabi ko. Mukhang magkausap sila ng jowa niya. At dahil sa bored ako, hindi ko na kinuha pa ang cellphone ko at nagkunwaring tulog kahit pa ang pakay ko ay ang makibasa sa kanya.
Bakit? wala namang mali diba?
Pero ganon na lamang ang paglaki ng mata ko sa nabasa.
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
General FictionHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...