I tried talking to Pao but unlike before, hindi na niya ko pinapansin.
I sighed. Ano pa nga ba? I'm expecting this. Grabe ang mga nasabi ko sakanya. I know that. But I'm not the type of person na hahabulin ka. Kung ayaw mo ko pansinin, edi wag. After all, ayoko rin naman ng atensyon.
Hindi ako gaano maka-focus sa trabaho dahil sa dalawang rason: Una, si Pao. Yes, naguguilty pa rin ako. I'm not that bad. Or am I? Pangalawa, 'yung weirdong lalaki na 'yon na pangatlong beses ko ng nakita. Hindi ko alam kung may sapak ba siya sa ulo, or multo.
Kinilabutan ako sa sariling naisip. Multo na nasa van? Kalokohan.
Pero bakit kaya ganon? I'm so sure na 'yung van na sinakyan ko ay tinted. Pati si ate kanina sinabi niyang tinted yung van. So tell me, how the hell is he looking at me?!
Dont tell me, kabisado niya yung van na sinakyan ko. So, I have a Secret Admirer? Eww. Sino namang magkakagusto sakin. Palaisipan sakin kung papaano akong nakikita ng weirdo na 'yun.
Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayan na nilagay na pala ni Pao ang palibreng kape ng opisina. Kaya naman ng makita ko ito ay dali-dali ko 'tong kinuha at hinanap si Pao na kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa isa naming katrabaho.
"A-Ahhh...." Ok. Wala kong masabi. Anong sasabihin ko? Nakakahiya!
Imbis na magpatuloy pa sa pagpunta sakanya ay dahan-dahan nalang ako umatras. Pabalik sa'king upuan. Wala pakong lakas.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Ok, I've changed my mind. Hindi na. Hahayaan ko na lang siya. In fact, this is not the first time na nasabihan ko siya ng ganoon. And this is not also the first time that I reacted like this.
Dahil sa pagod, hindi ko na alam kung anong cause ng pagkapagod ko. Trabaho ba, o mga problema na naglalayag sa isip ko. I check my phone. It's already 4:30 in the morning. And I'm starting to feel sleepy.
Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko. Nagtimpla ng kape at umupo ulit sa upuan. Sakto naman, na wala masyadong kliyente 'pag ka ganitong oras.
Hindi ko na rin namalayan na andito nga pala sa tabi ko si Pao. Na kanina ko pa gusto makausap. Pero parang naurong yata tapang ko. Seryoso siyang nagtitipa sa harap ng computer niya habang may kausap. May kliyente pa pala siya.
Maya-maya ay bigla na lang siyang napabuntong hininga. Umayos naman ako ng upo. Baka mamaya sabihin niya, tinitingnan ko siya. Hindi naman.
Pagkatapos niyang mag-unat ay balik siya sa pagtitipa. Nabaling naman ang atensyon ko sa computer ko ng tumunog ito. Hudyat na mayroon ulit akong dapat trabahuhin. Ibinaba ko ang hawak na kape at bago ko pa sagutin ang tawag sa computer ko, laking gulat ko ng kunin ni Pao ang kape ko at higupin ito.
He looked at me. With a cold face. "Penge, ah?" I just nod. sabay balik sa trabaho.
It's already 5:15 in the morning when all of us get some 15 minutes break. Some took advantaged of it to eat. While me, I'm gonna grab this chance to sleep.
I.WANT.A.SLEEP.RIGHT.NOW.
I was about to arranged the things on my table--- like I always do before sleeping, when an unknown number registered on my phone. 'Di ko sana papansinin. Baka kase wrong number lang. Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko.
YOU ARE READING
FOOL STRANGERS
General FictionHe left. And came back. Tatanggapin ko pa ba siya kung wala ng kasiguraduhan ang pag-stay niya? O haharapin ko mag-isa ang isa sa pinakamalaking problema na darating sa buhay ko? At first, I thought he's a stranger. But he fooled me. He said he'll s...