FOOL 9

12 1 0
                                    

It's been a month simula ng malaman namin ang sakit ni Niko. Ilang linggo narin ang nakalipas ng mapagalaman naming lahat na bukod sa leukemia, nagkaroon siya ng brain cancer.

Each day is like a living hell for us. Araw araw naming nakikitang nahihirapan si Niko sa mga session na ginagawa sakanya. Araw araw din naming pinapatatag ang sarili namin sa lahat. Kapag tinitigan mo si Niko, parang hindi na siya 'yung dating Niko na kilala namin. Sobrang laki ng pinagbago niya physically.

Namayat ng sobra, lumubog ang mukha, at unti-unti naring nalalagas ang buhok hanggang sa magkaroon siya ng panot sa may bandang bunbunan. But still, we all know that he's Niko that we knew.

Laking pasasalamat namin nila Tita na hanggang ngayon ay lumalaban parin si Niko. The doctors already warned us na kapag hindi na daw kinaya ni Niko ang mga tests at sessions na ginagawa sa kanya, baka hindi narin nila ituloy ang operasyon na gagawin para sa Brain Cancer niya. Baka daw kase ito pa ang maging dahilan ng pagkamatay niya...

Mahirap para samin na makita siyang hinang-hina na. May mga araw na gustong-gusto ng sumuko nila Tita at Tito, pero kapag nakikita nila si Niko na patuloy paring lumalaban sa buhay, wala silang ibang magawa kundi ang tatagan ang loob.

We're also thankful dahil kasama namin sa pagbabantay ang mga kaibigan ni Niko from US. Minsan nga, tinatanong nila ko kung gusto ko na bang umuwi muna sa bahay at magpahinga dahil halos ibuhos ko na daw lahat para kay Niko. But I always ended up staying here. Wala naman akong gagawin. Wala naman na 'king trabaho. Dito, makakatulong ako sa pagbabantay sakanya.

Nalaman din nila ang tungkol sa brain cancer ni Niko. All of them were shock, kagaya ko ay kung sila ang tatanungin, gusto pa nilang lumaban si Niko. Gusto pa nilang makasama ng matagal siya. Ang kaso, hindi na ata kaya pa ng katawan niya.


2 months of chemoteraphy at ibang sessions na ginagawa kay Niko para sa paghahanda para sa operasyon niyang muli, lahat kami nagulat ng isang araw ay may narinig kaming humu-huni... na para bang kinakantahan kami... na kahit sobrang hina noon at halos hindi na marinig, pinipilit niya parin.





'panalangin... ko sa habang buhay...
makapiling ka... makasama ka... 'yan ang... panalangin ko....'


Hindi ko na ata alam ang irereact ng mga panahon na 'yan. Nakatayo lang ako at tulala habang pinapakinggan si Niko na i-hum ang kantang 'yan kahit paulit-ulit.

Pagkatapos ng pag-hum ni Niko ay hindi ko na kinaya pa at lumabas na 'ko ng room niya para maglakad-lakad muna. I'm starting to hate that song, seriously. Hindi ko alam. 3 tao ang narinig kong kumanta niyan. Una, yung bwisit na caller na hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung 'yung Sebastian na ba talaga 'yon at 'yung caller ay iisa. Sunod, si Sebastian naman dito sa may ospital. At ang huli ay si Niko. Coincidence lang ba talaga 'to o iba na? Hindi ko alam.



Sa paglalakad-lakad ko ay may naabutan akong dalawang nurse na babae (isang may katamtaman ang laki at mga nasa 50+ na ata ang edad, at ang isa naman ay parang kaedad ko lang) na tumatakbo dala dala ang kung ano man papasok sa isang room.

Lalagpasan ko na sana sila ng may marinig akong hindi inaasahan na nakapaglingon sa ulo ko. At gayon na lamang ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita kung sino 'yon.



"Breathe, Sebastian. Breathe."

"Inhale, Exhale. Inhale, Exhale. Isa pa, Seb. Kaya mo 'yan. 'Wag mong madaliin ang paghinga. 'Wag mong habulin. Relax, relax. Breathe, Sebastian. Breathe."


I couldn't take everything anymore and I just found myself staring into Sebastian's room. This explains why he's always here right? When I saw him in the chapel wearing a hospital gown. That's why. Is he sick? Where? At heart? Ha. Little did I know that Sebastian saw me, so he hurriedly grabbed the inhaler held by the nurse and walked closer to me. He maintains a certain distance.



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FOOL STRANGERSWhere stories live. Discover now