Chapter seven

16 1 0
                                    

“Maiwan ka na. H'wag ng  pasaway.” Binigyan ko siya nang nagbabantang tingin. Aba't tinaasan lang ako ng kilay. Kita mo 'tong tomboy na 'to!

“Kuya, papasukin mo ako.” Pagpupumilit niya ulit. Muntikan na akong mapatampal sa noo ko. And kulit talaga! Iyong totoo? Wala sa bukabolaryo niya ang salitang give up.

“Bakit hindi mo siya papasukin,guard?”

Kunot-noong napatingin ako sa paepal na nagsalitang 'yon. Malamya lang akong tinignan nitong baklang si Gehov. Anong ginagawa ng isang 'to rito? Akala ko lumipat na siya sa Paris?

“Guard, let her in. Ako ng bahala.”

Ha! Ang bait, bait naman ng isang 'to. Tsk. Kilalang-kilala ko ang halang na bituka nito. For sure type niya ang tomboy na 'to. It's a yuck for me— magsama sila ng taong-grasang 'yan.

“S-salamat,” sabi naman ni tomboy. At nakangiti pa! Akala mo naman si Superman ang dumating. Baka Superyabang 'ka mo!

“O, sasama ako. At ikaw h'wag kang maarte!” pangaasar niya sa akin. Nauna na lang akong naglakad papasok sa loob. Tutal hindi ko naman mapipigilan ang babaeng 'yon.

“Salamat ha.” Narinig kong sabi niya.

Narinig ko ang paghabol niya hanggang sa magkasabay kami sa paglalakad. Kaagad akong pumasok sa loob ng isang bakanteng elevator. Sumunod siya. Bit irritated with this girl. Para siyang gum na dumikit sa sapatos ko at hindi matanggal-tanggal.

“Hoy ikaw! P'wede ba, umusog-usog ka ro'n.” Umatras naman siga pagilid. Tahimik lang kaming nakatayo ro'n habang hinihintay na marating ang floor na pupuntahan namin—I mean pupuntahan ko.

Napasulyap ako saglit sa kanya. Napakibot nang bahagya ang kilay ko nang makita siyang nakapikit. Anong gjnagawa nito? Meditating?
Napansin ko ang kaunting dumi sa may ilong, pisngi at noo niya. Napakapa ako sa aking bulsa. Hinugot ko mula rito ang isang puting panyo.

Lumapit ako sa kanya at saka idinampi sa kanya ng mukha ang panyong hawak ko. Napadilat siya sa gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kamay kong may panyo at sa akin. Napakurap-kurap ako saglit saka itinampal sa pagmumukha niya ang panyo.

“Punasana mo nga 'yang mukha mo!” Bumalik ako sa puwesto ko kanina, habang siya naman at busy sa pagpupunas ng mukha.

“Dion, tignan mo nga kung may'ron pa?” tanong niya.

*ting!*

Eksakto namang bumukas ang pinto. “Bahala ka na d'yan.” Tinahak ko ang kahabahan ng hallway hanggang sa makarating sa office na gaganapan ng meeting.

As usual, they greet me like a king—almost praise me. Ganiyan naman ang lahat ng kasosyo ni Dad sa business, akala mo kung sinong mabait.

“Good morning.”

Napatingin ang lahat sa pinto. Pati na rin ako.

“Who's that girl?”

“Who's she?”

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Feeling din ang tomboy na 'to, e 'no! Kung makadikit kay Gehov akala mo matagal na silang nagkakilala.

“Hahaha! She's my son's bodyguard. ”

“Really, Mr. Murray?”

“Yeah. Alam mo na maraming mga death threats na dumarating sa 'min.”

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Dad. Bakit biglang naging bodyguard ko naman ang babaeng 'to?

“ By the way.” Tumayo si Dad. Bumaling naman ang lahat sa kanya. Umupo  ako sa upuang nakalaan para sa  akin.

◻◻◻

NAKAKABAGOT pa lang makinig sa usapang mayayaman. Hays, pakiramdam ko isang taon na kami rito sa loob. Nagugutom na ako. Hindi ba nagugutom ang mga 'to?Usap sila ng usap.

Nang tapusin ni Mr. Murray ang usapan ay halos manalangin ako sa tuwa. Sa wakas!

Nagsitayuan ang lahat. Ang iba ay nakangiti at ang iba naman akala mo binagsakan ng mundo. Nang matapos ang ilan sa kanila sa pakikipagkamay at umalis na rin. Lumapit kami ni Dion sa daddy niya.

“Congrats, son. You're 5 minutes earlier, though you're still late at least hindi umabot ng half hour. Good job,  Ms Perfectua.”

Napakamot ako ng ulo. “Nasiraan po kasi ng sasakyan kanina, kaya nahuli 'tong si Sir,” ani ko.

“Ah, Dad I have something important to do, puwede bang h'wag na siyang sumama.”

Napatingin kami pareho ni Mr. Murray sa kanya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagaalinlangan kung sasabihin niya ba o hindi.

“I'll meet Cassy at Gregory Park. Alam niyo namang busy siya 'cause she's an actress kaya ayoko namang magulo ang date namin nang dahil lang sa kanya.” Inginuso niya ako. Napatango-tango naman ako. Biruin mo, may girlfriend pala ang isang 'to? Paano kaya siya natitiis nong babae? Tsk. Tsk. Kawawa naman.

“If that's the case then go with your self. At itong si Ms Perfectua ay magpapahinga naman. I'm very sure na nahihirapan siya sa pagdi-disiplina sa 'yo.”

Pasimple akong tumingin sa kung saan dahil pakiramdam ko ay grabe na naman siya kung makatingin sa akin.

“No! I-Im good to her, right?”

Hindi ko agad siya nasagot dahil medyo natulala na rin ako. Gutom e!

“Hey! Answer me! I'm good to you, right?”

Napatingin ako sa kanya nang may nababanas na mukha. “Puwede ba h'wag lang sigaw ng sigaw. Naririndi na ako say...sorry s-sir.” Halos mamula ako sa hiya nang maalalang nasa harapan naming ang Daddy niya. Napaka kasi ng isang 'to e! Kasalanan niya.

“Hahaha!! You looked  close than before.”

Napamaang kaming pareho ni Dion sa sinabi ng Daddy niya. Kami. Close? Aba, kailan pa?! Hindi manlang nakarating sa akin ang balita.

“Would you two mind, joining me this lunch?” tanong ni Mr. Murray. Napatingin naman ako kay Dion na tumingin ng kaniyang relos. Chi-ni-check niya siguro kung ilang oras na lang ang meron siya.

“S-sure, I still have one hour,” sagot nito. Bumaling sa akin si Sir Murray.

“A-ako rin ho.”

Hindi pa man kami nakakarating ay alam ko na ang lugar na pupuntahan namin. Hindi ito karinderya na matatagpuan mo lang sa kanto. Hindi rin ito pansitan sa kung saan. Mas lalong hindi ito fastfood chain na dagsa ang maraming tao. Isa itong magara, tahimik, malamig, at naghuhumiyaw sa kamahalang restaurant. Mas nagmumukha akong basahin dito a. Mabuti pa itong dalawang kasama ko bagay na bagay sa mga ganitong lugar. Samantalang ako. Mukhang kundoktor na naligaw sa resto para mananghalian.

Naupo kaming tatlo sa isang mesa. Katabi ko si  Dion samantalang kaharap namin si Mr Murray. Lumapit ang isang lalaki sa amin.

“This is our menu, Sir and ma'am.”

“Uy, tignan mo ang guwapo nung kuya o! Pati si ate—kaya lang ang cheap ng suot. And look at their father, mala Gabby Concepcion. Gosh! This family was indeed gorgeous. ”

Napatingin ako kay Dion nang lumingon ito sa mga nagsasalita. Nagtatakang napatingin ako sa tinignan niya. May mga babae sa kabilang mesa na pasimpleng tumitingin sa amin.

Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Dion.    Salubong ang mga kilay niya.

“Magkamuha ba tayo?” tanong niya.

Ano raw?



When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon