“Isasama ka ngayon ng daddy mo sa isa sa mga meeting niya, kaya Sir Dion tumayo ka na riyan.”
Dang it! Ayan na naman siya. Napadapa ako sa kama at niyakap ang isa ko pang unan.
“Sir, tanghali na, baka naman balak niyong bumangon di ba?” Patuloy lang siya sa pagsasalita. Ang ingay niya!
“Bossing, gising na. Baka naman ho gusto niyo pang buhatin ko kayo r'yan,” she won't stop talking. Wala ba siyang balak na tumigil man lang?
“Aba! Sir, kung hindi kayo tatayo riyan. Tatawagan ko ang daddy niyo.”Pagbabanta niya. Oh, shit!
Wala na akong nagawa kun’di ang tumayo sa kama. Tinignan ko siya ng masama bago ko inangat ang puting sandong suot ko.
“T-TEKA! ANONG GINAGAWA MO?!” Nanlalaki ang mga matang bulalas niya sa akin. Nakaturo pa ang sandok na hawak niya sa puwesto ko. Nagtatakang tinignan ko siya.
“Maliligo.” Simpleng sagot ko at saka binaklas ang belt na suot ko. Napapiksi naman siya at agad na dinampot ang unan.
“Tang*na! Bakit sa harap ko pa ikaw naghuhubad!” Nakatagilid ang ulo niyang sambit. Na akala mo'y isang mandirigma noong unang panahon dahil sa panangga niyang unan at hawak na sandok.
“Lumabas ka kaya! ” Inis kong itinuro ang pinto ng kuwarto. Napatingin naman siya sa akin at namula saka nagiwas ulit.
Akala ko tomboy, tinatablan naman pala!
Napailing na lang ako nang mapagtantong napapangisi na pala ako. Tss.
MATAPOS kong magbihis ay agad akong dumiretso sa baba, sa may kusina. Doon, nakita ko ang nababagot niyang mukha. Bakit parang nalugi ang isang 'to?
Lumapit ako sa dining table at naupo sa kabisera kung saan nakahanda ang pagkakainan. Tinignan ko pa siya saglit bago ko inabot ang mangkok. Para kasing wala siya sa sarili at nagmumuni-muni. Baka nga hindi pa aware itong nandito na ako at kumakain sa hapag kasama niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, habang siya ay lumilipad sa kung saan ang utak.
Don't tell me, ‘di pa rin maka-get-over ang babaeng 'to sa paghuhubad ko kanina? Napaka-arte naman nito! Maganda naman katawan ko a—laman kaya ako ng gym!
“O—K-kanina ka pa ba diyan?”Nagulat niyang tanong. Napairap na lang ako sa hangin at ipinagpatuloy ang pagkain ko sa masarap na ulam na 'to. Masarap?—teka! Napahinto ako sa pagsandok ng ulam saka napatingin sa babaeng nasa harap ko, hawak ang isang sandok. Nilunok ko muna ang pagkain sa loob ng bibig ko bago nagsalita.
“I-ikaw nagluto?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi.
“Masarap, ano? Espesyalti ko 'yan. Tinolang manok ala TJ.”
“TJ?”
Tumango-tango siya. “Palayaw ko ang TJ sa amin.”
TJ? That's a weird nickname. Hindi ba panglalaki 'yon? Sabi na nga ba lesbian ang isang 'to e!
Napailing-iling ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Infairness may talent siya sa pagluluto, sayang lang at tibo siya. Siya ang tipo ng mga lalaki kapag mag-aasawa. Pero kawawa 'yung lalaki, mabubugbog lang sa kanya. Tsk! Tsk! Tsk!
“Ano tapos ka na ba diyan?” tanong ko sa kanya. Nasiraan kasi kami ng sasakyan sa kalagitnaan ng biyahe namin. Itatawag sana ni manong Rudy ito, kaya lang ay nag insist ang babaeng 'to na siya na lang ang mag-aayos. Kaya ito isang oras na lang at maguupisa na ang meeting ni dad pero nandirito pa rin kami.
“Malapit na ito.” Pag-anunsiyo niya. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa pinto ng sasakyan habang nakatingin sa kalahti ng katawan niya na nakalabas mula sa pagkakahiga niya sa ilalim ng sasakyan.
“O, ayan tapos na.” Lumabas na siya sa ilalim at napakamot nang bahagya sa pisngi, dahilan para mas madungisan ang marungis niyang mukha. Pigil-tawa kong pinagmasdan ang itsura niya habang tumatayo. Mukha siyang taong grasa.
Tumingin siya sa akin. “Tinatawa-tawa mo diyan?”
Napahinto ako sa pagtawa at umiling-iling.
“Aba! Ang galing mo naman iha. Makakaalis na tayo, Sir.” In-start na ni manong Rudy ang engine ng kotse. Pumasok na kami sa loob. Sa likod ako dumiretso.
Habang umaandar ang sinasakyan naming kotse ay hindi ko mapigilang mapatawa kapag napapatingin ako sa rear view mirror at nakikita ang repleksiyon niya roon.
Napahinto ako sa pagtawa nang mahuli niya akong tumatawa sa kaniya. Nagpukol siya ng masamang tingin sa akin. Tinignan ko rin siya ng masama kaya lang ay hindi ko talaga mapigilan ang tawa at ayon na nga...
“Hahahaha!!! Look at your self, you look awful! Wahahahaha!!!” Napapahawak na lang ako sa akin tiyan kapag hindi ko na kinakaya ang pagtawa. Napapunas na lang ako ng namuong luha sa gilid ng aking mata dahil sa sobrang pagtawa.
Napatingin naman siya sa salamin at sinuri ang itsura niya. “Ayos pa naman ang itsura ko a! Para konting grasa lang e,” reklamo niya. Muli siyang bumaling sa akin saka paangil na sinabi ang, “Kung 'di ka lang pupunta sa meeting ipupunas ko sa pagmumukha mo 'to e.”
Napataas na lang ako ng kilay at napahalukipkip.
“Well, may meeting akong pupuntahan ngayon. Sorry ka na lang,” pang-aasar ko. Inirapan niya lang ako.
Pagkarating namin sa mismong location ng meeting ni dad ay bumaba na ako. Napahinto naman ako nang makitang bumukas din ang pinto sa shotgun. Huwag niyang sabihing sasama siya sa akin sa loob ng ganiyan ang itsura niya?
“Hey, hey, saan ka pupunta?” Baling ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti pa.
“Sasamahan ka sa loob, Sir. Bakit?”
Marahas akong napailing. “No! Dito ka lang!”
Napakibot ang mga sulok ng labi niya. “At bakit naman, aber?”
Itinuro ko siya. “Tignan mo nga 'yang sarili mo. Ang dungis-dungis mo. ‘Tapos papasok ka sa loob. Nahihibang ka ba?”
Napakibit-balikat naman siya at saka nagpatiuna sa paglalakad. What? She's crazy. Indeed.
Agad akong sumunod sa kanya. Mabuti na lang hinarang siya nung guard kaya naabutan ko ang pasaway na babaeng 'yon.
“Sinabi na kasing h'wag ka ng sumama e!” sumbat ko. Tinignan niya lang ako saka muling tumingin sa guard.
“Kuya, hindi pwedeng hindi ko sasamahan ang isang ito. Hindi mo lang naitatanong pero kolokoy ang isang 'yan.” Ibinulong niya pa ang huling sinabi niya, pero narinig ko ang mga 'yon. Ako kolokoy? Tsk! —Wait! What's kolokoy?
“Ma'am hindi ka po pwedeng pumasok dito na ganiyan ang suot. May meeting na nagaganap sa loob.”
“Alis na kasi! Chupi!” Pagtataboy ko sa kanya. Pero ‘di ko manlang siya magawang hawakan. Napakarumi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/177946899-288-k43100.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Fall (Dion Murray)
Random"Love me back, and that's an order!"-Dion ------------------ Isa lang naman akong simpleng manlalako ng buko-salad. Ang trabaho ko at magbenta- s'yempre ng buko-salad sa mga taong init na init na sa bansang Philippines. Nung panahon na napadaan ako...