Chapter One

32 3 0
                                    

Alas Kuwatro palang ng madaling araw, pero heto ako, gising na at nagaalmusal ng nilagang saging at kape. kailangan kong bumangon at magbanat ng buto simula umaga hanggang umaga. Magulo ba? A basta.

Naginat-inat muna ako bago binuhat sa balikat ko ang dalawang lalagyan ng taho na nakabitin sa kahoy. Mabigat pero nasanay naman na ako.

“Tahooo!!!”

Sa umaga isa akong magtataho, sa tanghali naman isang manlalako at sa hapon at gabi hanggang madaling-araw ay isa akong deliverer ng mga gulay sa palengke. Ganiyan karami ang trabaho ko, pero kulang na kulang sa aming magpapamilya ang kitang natatanggap ko. Sampu kaming magkakapatid, may sakit ang  tatay ko at nag-aaral naman ang mga sumunod sa akin. Panganay ako at nasa bente-seis na pero ha-highschool lang ang natapos ko. Marunong naman raw akong magbilang at magbasa kaya puwede na akong magtrabaho. Minsan iniisip ko ang daya-daya nila, 'yong mga kapatid ko pwede mag-aral pero akong panganay ang kailangang magsakripisyo at maiwan sa ibaba.

Saktong alas dose na ng tanghali nang ibalik ko ang lalagyan sa may-ari.

“Salamat po.” Binilang ko ang dalawang papel na pera at apat na barya, lagpas isang daan pero hindi aabot sa dalawang daan ang kinita ko. Malaki-laki rin ito kumpara kahapon.

Dumiretso na ako sa susunod kong trabaho. Sa bahay nila aleng koreng, naroroon ang styro box kung saan nakalagay ang mga buko-salad na ibinebenta ko ng lako-lako sa daan.

Tanghaling tapat kaya tirik na tirik ang araw, sobrang init. Maputi ang kutis ko pero dahil nga madalas akong babad sa ilalim ng initan, naging mamula-mulang kayumanggi na ito.

“Ice candy nga miss.”

Nilapitan ko ang isang babae na nakasuot ng puti, estudyante 'ata ng medical. Halatang init na init na siya, bukod kasi sa walang payong e punuan ang mga sasakayan kaya hirap tuloy siyang makasakay.

“Isa lang po ba?” tanong ko. Tumango naman siya 'tsaka nagabot ng limang piso sa akin. Inabot ko na sa kanya ang buko-salad at kinuha ang bayad.

Kanina pa ako naglalakad pero aapat palang ang napagbentahan ko—bente pesos lang 'yon. Kailangan kong kumita ng masmalaki, kahit dalawang daan lang.

Napatingin ako sa relos ko, at nakitang alas dose na.

“Paano na 'to?” napakamot-kamot nalang ako sa literal na mainit kong ulo. Wala akong kahit na anong panangga sa sikat ng araw kaya ganito.

Sa may bandang dulo pa ng daang tinatahak ko nakakita ako ng maraming taong nagdaraan at sasakyang bumibiyahe. Ayos! Kaagad akong nanakbo at pumunta banda ro'n. Pagdating ko ay nakapagbenta agad ako ng halagang singkuwenta. Todo ang ngiti ko sa labi habang naghahanap ng mapagbebentahan.

“Ayos bunso ang gara nung lalaki kanina, tignan mo may wan tawsand tayo o.” Itinapat ng batang mas malaki ang isang libong sa mismong mukha ng kapatid niya, halos magkandaduling naman ang kapatid niya sa kakatingin.

“Wow kuya, ang bait niya.” Pumalakpak pa ito.

Kapag ganitong may nasasagap at naamoy akong pera, nawawala ang hiya ko. Lumapit ako sa dalawang bata at kinalabit ang malaki.

“Bata, saan ba makikita 'yung lalaking sinasabi niyo?” tanong ko. Nagkatinginan naman sila at kunot-noong tumingin sa akin.

“Bakit po?” tanong nung batang mas matanda.

Nginitian ko siya, “magbibinta lang sana ako.”

Napatango-tango naman ito.  “Doon po,” sambit nito saka itinuro ang paradahan ng nga kotse sa tapat ng isang malaking building.

“A gano'n ba, salamat ha.” Pumunta ako sa mismong lugar na itinuro nong bata.

Maraming mga sasakyan  at halatang mayayaman ang mga may-ari nito, dahil sa itsura palang ng mga kotse ay malalaman mo ng mahal.

Isang matinis at mahabang peeeeep ang narinig ko. Napaigtad ako sa gulat.

“Get out on my way, stupid!” sigaw ng isang babae sa akin. Bigla namang sumama ang hilatsa ng mukha ko. Kahit hindi ako nakapagtapos at hindi marunong magsalita ng ingles ay nakakaintindi naman ako.

Dahil nga mahirap lang ako't walang laban, pinilit kong yumuko at humingi ng tawad—pero isang pag-irap lang ang isinukli niya. Okay lang, basta ba hindi ako masangkot sa gulo, okay lang lunukin ang pride. Pagkaalis ng sasakyan ay nagpatuloy na naman ako sa paghahanap. Sana makita ko 'yung magarang lalaking 'yon.

“Damn! Ayoko.”

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng isang van. Napatingin ako sa loob nito, at sumalubong sa akin ang dalawang pares ng magagandang mata. Halos mawala ako sa katinuan nang maproseso ng utak ko kung gaano kagandang nilalang ang nasisilayan ng mga mata ko ngayon.

“Buko-salad po,” tanging nasambit ko. Napangisi naman ito at itinuro ako. Iginalaw niya ang hintuturong daliri na para bang pinalalapit ako. Humakbang ako ng mga  tatlo papalapit. Nasa may bandang pinto na ako.

“Ilan po ba?”tanong ko. Humarap siya sa akin at umusog palalapit.

“Bibilhin ko na lahat.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo? Bibilhin niya ba talaga?

“S-sige po.” Ibinaba ko ang ice box at kumuha ng plastic at isa-isang ipinasok sa loob ang mga buko-salad.

“Ito na po lahat. One fifty lang po.” Inabot ko na sa kanya ang plastic na dala-dala ko. Inabot naman niya ito.

“Sir! Teka lan—” Nagulat ako nang bigla niyang isinama ang kamay ko sa paghila, kaya ayun pati ako nakapasok sa loob. Napapikit ako nang sumubsob ang mukha ko sa katawan niya.

“Sir...” Napaupo ako ng maayos at akmang aalis na pero pinigilan niya ako. Hinigpitan niya ang kapit sa braso ko at pinalapit sa kanya. Isinangga ko ang mga braso ko sa dibdib niya.

“B-bitawan mo ho ako.” Tiningala ko siya at sinalubong naman niya ang mga mata ko.

“Payagan mo lang ako, bibigyan kita ng sampung libo.” Nabigla ako sa sinabi niya. Anong papayagan? Ano bang akala niya sa akin pokpok, na kailangan bayaran para makatalik. Nangunot noo ako at pinilit na itinulak siya palayo.

“Ano ba—Hmmmmp!!!” Huli na ang lahat nang masakop na niya ang mga labi ko. Nararamdaman ko ang dila niya sa loob, ginagalugad ang akin. Hindi na ako makahinga!

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang halik na iyon, basta ang alam ko lang kailangan ko ng lumayo dahil hindi na ako makahinga. Dahil kapos na kapos na talaga ako sa hangin kaya pinuwersa ko ang pagtulak sa kanya.

“Gago!” Kinuyom ko ang kamao ko at wala sa katinuang sinapak ang mukha ng gagong kaharap ko. Duguan ang labi niya dahil do'n. Bago pa siya tumingin sa gawi ako ay dali-dali akong tumayo at lumabas ng sasakyan. Dinampot ko na lang ang walang laman na ice box sa sahig at tumakbo palayo.

“Putangina, iyong bayad niya nakalimutan ko,” pagmumura ko habanag tumatakbo palayo. Paano na ito? Napaupo na lang ako sa isang hagdan ng overpass at napasabunot sa sarili. Maka-ilang beses kong ipinahid ang kamay, damit at braso ko sa labi para tanggalin ang pagkakahalik nong lalaki sa akin kanina. Gusto kong magwala at balikan ang walang hiyang 'yon para gulpihin. Pride lang ang nilulunok ko hindi ang reputasyon.

-------------------------------
When He Fall by Perfecta_8

When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon