"Love me back, and that's an order!"-Dion.
Namumula ang mga mata, at nanginginig din ang kaniyang mga panga habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bakit? Ganoon ko ba talaga siya nasaktan?
------------------
Isa lang naman akong simpleng manlalako ng buko-salad. Ang trabaho ko ay magbenta- s'yempre ng buko-salad sa mga taong init na init na sa bansang Philippines.Nung panahon na napadaan ako sa tapat ng building na 'yon at tinawag ako ng isang lalaki na nakasakay sa isang Van.
Ang plano ko lang naman ay kumita at magbenta-hindi ang pumayag at hayaang halikan ng isang lalaki. Para saan? Alam n'yo kung para saan?
Grrr! Para lang naman patunayan sa mga katropa niya na lalaki siya, ang gago 'di ba?Expect mo na ginawa ko, sorry na lang siya lumaki akong maton e! Sinapak ko ng pagkalakas-lakas ang makapal na pagmumukha niya sabay sibat.
Hindi ko naman alam na maraming kapit ang lalaking 'yon, pinaghahanap ang lola niyo para ipakulong. Paking shet! Mga boy, ako naharassed tapos ako ipakukulong?! Ang unfair 'di ba? E wala e, mahirap lang kaya walang laban, so ayon pumayag na lang akong maging tagabantay ng halimaw.
"Better na rin-laki ng sahod e."
"Pirmahan mo."
Kunot-noong tinignan ko ang papel na hawak niya. Para saan naman kaya 'yan?
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Basta."
Nag-angat ako ng kilay. Basta? E pa'no kung ayoko.
"Ayoko."
Biglang tumiim ang bagang niya, at hindi ko alam kung bakit. Seryoso lang siyang tumingin sa mukha ko.
"Gusto kitang pakasalan, kaya pirmahan no 'yan," ma-awtoridad ang tono ng boses niya na sinabi 'yon. Halos malaglag naman ang panga ko sa gulat.
"Ano? Hayop ka! Bakit mo ako papakasalan, wala nga tayong relasyon -"
"Basta."
"Ayoko-"
"Hindi puwede."
"Gago-"
"Mahal kita..."
"Huh?"
Natigilan ako at wala sa huwisyong sinalubong ang mga mata niya. Nanloloko ba ang halimaw na 'to? Bakit naman magkakagusto ang ganiyan kagwapong boss sa isang marungis na anak-pawis, tulad ko?
"Pakyu!" itinaas ko ang gitna ng daliri ko sa mukha niya saka nagwalk-out. Litse! Ako pa napagtripan. kabanas!
-----------------------------
[WARNING! IT CONTAINS VULGAR WORDS. PARA KASI MAGMUKHANG TOTOO ANG BAWAT EKSENA.]
BINABASA MO ANG
When He Fall (Dion Murray)
Acak"Love me back, and that's an order!"-Dion ------------------ Isa lang naman akong simpleng manlalako ng buko-salad. Ang trabaho ko at magbenta- s'yempre ng buko-salad sa mga taong init na init na sa bansang Philippines. Nung panahon na napadaan ako...