Kabanata 0

2 0 0
                                    

Tumingala ako sa kalangitan para pagmasdan ang walang humpay na pag kislap ng bituin, ang pagpilit ng buwan na bigyang liwanag ang buong paligid.. pinagmasdan kong tangayin ng hangin ang mga ulap kung saan, habang binabalikan ko ang bakas ng kahapon.

Pinukaw ng malakas ng tunog ng aking cellphone ang aking pagmuni-muni..

" hello? O ba't ka napatawag? Kasal mo? Susubukan ko."

Isang malalim na buntunghinga ang aking pinakawalan. Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kung gawin, uuwi ba ako sa aming probinsya paraharapin ang kahapon o mananatili akong tumatakbo palayo sa katotohanan.

Pinagmasdan ko ang mga pilat sa aking palapulsuhan, ang mga pilat na ito ang sumisimbolo kung paano ako nagmahal ng sobra at nasaktan ng sobra. Simbolo ang bawat pilat na ito kung gaano ako naging mahina, kung paano ako nawalan ng pag-asa't tiwala sa sinasabi nilang pag-ibig.

Handa na ba akong harapin muli ang sakit ng bawat alala ng kahapon? Handa na ba akong harapin ang taong sanhi ng pagpatak ng mga luha ko tuwing gabi sa nakalipas na panahon? Handa na ba akong harapin ang katotohanan?


Walking Back To The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon