Miss Pakipot & Mister Torpe Introduction

391 8 4
                                    

(A/N: MGA VIEWERS!! 'WAG NIYO NA ITONG BASAHIN KUNG GUSTO NIYO NA NG STORY!!! YOU'RE JUST WASTING YOUR TIME :P JOKE!! HAHAHA, GE LNGXSZ! KAYO BAHALA BASTA KUNG AKO SA INYO HINDI KO NA BABASAHIN, HAHAHA)




~JL's P.O.V.~

Ako si Jana Lei "JL" Dela Rosa. I'm 15 years old. January 4, 2000 ang birthday ko. 3rd Year High School sa Halo High School or HHS (imbento). Medyo short ako. Hindi ako mataba, hindi rin payat. Honor student ako nung Grade 6, Top 5 or 3rd Honorable Mention. Maganda, hehe. Mahiyain ako sa ibang tao, pagdating sa friends medyo madaldal, pero kapag nang-iinis ka mataray ako.

Galing ako sa mayaman na family. Si papa, may kumpanya sa Canada, The Elegant Roses Inc. Tungkol sa mommy ko, wala siya, wala sa family namin, sumakabilang bahay, sa American pa. Kaya wala akong middle name. Dapat ang name ko Roanna Leonie DG. Dela Rosa, maganda sana, kaya lang, yun nga, sumakabilang bahay. Huli kong nakita si mama noong 8 years old ako. Mula noon ayaw ko sa mga taong nang-iiwan. Nakita ni ate ang mga nangyari noon. Si ate mas matanda sa akin ng 5 years.

Kung makakahanap man ako ng mamahalin, siguro mahihirapan ako mamili, ayaw ko kasi sa nang-iiwan. Kahit may nanliligaw sa akin, wala niisa akong pinatulan, pakipot kasi ako, hard-to-get, daming standards ang kailangan ko.

Sana ang first kiss ko sa ibang bansa. First boyfriend ko, makikilala ko sa unforgettable place for me, our school, bakit? Mula nursery sa Halo na ako nag-aaral. Kilala na ako sa school ko. Sana ang first date ko, sa pinakamagandang restaurant na may masarap na pagkain. Mahilig nga pala ako sa chocolate.


~SF's P.O.V.~

Hello mga kaibigan! Ako nga pala si Spencer Farrell "SF" Wood. 14 years old. December 16, 2000 ang birthday ko. Studying in HHS. Valedictorian ako noong Grade 6. Matangkad ako. Pasaway ako, hehe, kaya hindi halatang matalino ako. Mabait ako sa kahit kaninong tao, maliban sa masama o nang-aaway sa akin.

Galing ako sa rich family, ang daming problema. Hindi kasal ang mama at papa ko, dahil inagaw niya lang si mama mula sa ibang pamilya dahilan na rin ng pagkabuo sa akin. Masakit malaman na nabuhay ako sa kasalanang kinalimutan ng magulang ko. Gamit ko pa rin ang apelyido ng Dad ko kahit di sila kasal.

Ang papa ko may company sa America, DWood's Precious Inc. Si mommy ko naman ay President ng DWood Resto Bar dito sa Pilipinas. Tagamana ako ng company nilang dalawa. Pero parang ayaw ko na ako ang magmana nun, ayaw ko ng masyadong maraming aasikasuhin, yung si bunso na lang. Ibang klaseng company ang gagawin ko.

Kung makakahanap ako ng true love, baka mahirapan ako, mahiyain kasi ako sa mga babae, kunwari lang na hindi ako nahihiya sa kanila. Pa-simple lang ang ginagawa ko, yung mga pangyayaring parang aksidente lang. Sa tingin ko magiging torpe ako.


Year: 2015


------------------------


Lorde - Royals

Wala lang, trip ko lang na 'yan yung ilagay na video.

Miss Pakipot & Mister Torpe [[DISCONTINUED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon