After one year hindi ko inakala na dadating pa ang araw na to. Lahat ng nangyari last year ay para lang palang isang magandang panaginip.
"Nafinalized mo na ba ang list? Who's going to be your first and your last dance"? tanong sa akin ni Justin habang nakayakap sya sa likod ko.
"Hmmmmm, may mga few adjustments pa akong binabago. Si tito Rhalf ang first dance ko at syempre," humarap ako sa kanya at kinikiss ko sya ng mabilis sabay sabi, "ikaw ang last dance ko."
"Good. Akala ko need ko pang ipaalala sayo na ako ang last dance mo eh." Kinikiliti nya ako at para makatakas kinagat ko braso na at ng makatakas ako sa kanya tumakbo naman ako at hinabol nya ako. Naghabulan kami at nahuli nya ako. Pareho kaming pagod at humihingal. Humiga kami sa kama natatawa pa din ako ng napansin kong seryosong nakatitig sa akin si Justin.
"Matutunaw na ako nyan." sabi ko sabay kurot sa ilong nyang ubod nga tangos.
"Ian. Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan, okay?" seryosong sabi ni Justin.
"Opo. Mahal na mahal din kita." Magkikiss na sana kami ng biglang lumalabog ang pinto sa baba.
"Anu yun? Diba wala namang tao sa buong bahay?" nagtatakang tanong ni Justin.
"Di ko alam. Naka off yung dalawa naming maid at sana grocery naman si Manang kasama yung driver so wala talagang tao." nakakunot noo ko. Possible kayang may magnanakaw.
Tatayo na sana ako nang pinigilan ako ni Justin.
"Stay right here. Ako na ang titingin wag kang lalabas okay?" tumango na lang ako. Baka si Manang lang yun may nakalimutan siguro.
Lumabas si Justin nag dahandahan habang umupo naman ako sa table ko paa ituloy ang pagrerevise ng list ko. Nang biglang...
"Nandito ako para kunin ang apo ko!" isang tao lang ang agad na pasok sa isip ko. Si lolo!
After a year and half bigla n lang darating ang araw na akala ko hindi na dadating sa buhay ko. Nasa plane na ako ngayon papuntangang Cebu pabalik sa kulungan tinakasan ko noon kasama ang mala-Edi Garcia kong lolo.
"I will come for you Ian, trust me." naalala ko ang sigaw ni Justin habang kinakadkad ako ng mga tauhan ng lolo ko pasakay ng kotse habang sya naman ay pinipigilan ng mga bodyguards ni lolo.
Wala akong nagawa kundi umiyak. Wala si mommy para pigilan ang lolo ko sa mga balak nya.
"Justin!" sigaw at pag iyak na lang ang nagawa ko habang ipinapasok ako sa van.
Busy kaming nagpaplano na birthday party ko for next month, nasa America sila mommy para magsettle ng business before clearing their schedules in preparation for that party at si Caleb naman eh nasa Baguio for some school trip. Kasalukuyan kaming nagla-line up ng music para sa 18 roses dance nang bigla na lang dumating sila lolo.
Agad umalis ang van pagsakay namin at dumiretso ito sa isang maliit na airport sa Subic kung saan naghihintay ang isang private jet para sa amin. Kahit anong palag ko wala n akong nagawa kundi sumakay na lang.
"Akala mo ba hindi ako seryoso Ian," nakangisi pang sabi ng lolo ko habang tinitignan ko sya ng masama.
"Kalapastanganan ang ugaling ipinakita mo mahal kong apo. Pero sinabi ko naman sayo hindi ba? Kahit anong gawin mo hindi mo ako matatakasan," hinawakan nya ang mukha ko pero pumalag ako.
"Napakasama nyo. Talagang ipagpapalit nyo kahit ano para lang sa kayamanan. Kahit pa sarili nyong kadugo." Hindi ko na napigilan pa ang galit ko at itinulak ko sya. Pero bago pa man ako nakalapit sa kanya napigilan na ako ng mga guards nya.
"Bastos kang bata ka. Sasaktan mo pa ako matapos kong ibigay sayo lahat. Manang mana ka talaga sa tatay mong walang utang na loob!" at simanpal nya ako ng napakalakas na dahilan na mawalan ako ng malay.
Nasa kwarto na ako nang nagising ako. Walang nagbago sa ayus nito noong iniwan ko ito almost 2years ago. Nasa mesa ko pa rin ang sulat na iniwan ko para sa lolo ko yun nga lang punit punit na ito. Ang nabago lang ngayon wala nang telepono sa kwarto ko. Nakalock ang pinto at may rehas na ang mga bintana ko. Ang pinaka masaklap pa pag dungaw ko may tatlong bantay sa tapat ng bintana ko.
"Ano nang gagawin ko ngayon?" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin ang hinihipo ang ngayon eh maga ko ng pisngi kung saan ako sinampal ng lolo ko.
I hate this chapter. Nakakainis si Don Franko. Tell me what you think. May gusto bang maging character sa susunod kung Story? Comment and vote. ^_^
BINABASA MO ANG
YOU'RE SO BLIND TO SEE
Teen FictionLooking for something and not knowing it is only on the tip of your nose. That is how our dear Ian so blind searching everywhere except in front of her. this story is published before but in unknown reason got deleted in my create folder making it g...