Inikot ko na ang buong kwarto ngunit wala talagang labasan kundi ang pinto na nakalock. Lumapit ako at kinalabog ko ang kahoy na pinto.
"Bukas nyo toh! Pakawalan nyo ako dito!" walang sumasagot. Kinatok ko uli ang pinto ng malakas pero wala talaga.
Halos naubos ko na ata ang boses ko kakasigaw pero walang dumating. Umupo na lang ako sa gilid ng kama. Tinititigan ko ang pictures na nasa wall ko. Yung picture namin ni daddy nung bata pa ako. Picture namin ni lolo nung sumama ako sa anihan ng mangga, ang saya saya pa namin sa picture. At ang kaisa isang picture namin ng mommy ko dito sa bahay na ito. Ano bang nangyari, bakit umabot kami sa ganito. Nag umpisa nanamang tumulo luha ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mang Beth.
"Ian, hija. Kumain ka na at nag malagyan ng laman yang sikmura mo. Heto iniluto ko ang paborito mo." nilapag nya ang tray sa mesa malapit sa kama at lumapit sa akin. Umupo sya at niyakap ako.
"Hija, ano bang nangyayari sa inyo. Bakit kayo nagkakaganitong maglolo?" Hindi ko na napigilan humagolgol at yumakap ng mahigpit sa inang nakagisnan ko.
"Yaya, hindi ko na rin po alam. Hindi ako makapaniwala na nagyayari sa akin toh ngayon." Nung akala ko wala na akong maiiluha nagsimula nanaman umagos ang luha ko.
"Kumain ka na para makaipon ka ng lakas. Kung ano man ang mangyayari dapat kumain ka para may lakas ka." Itinayo nya ako at inalalayan sa pag upo sa kama.
Tama si yaya, kailangan ko ng lakas para makatakas o kundi hindi man para may laban ako sa pwedeng gawin sa akin. Kailangan malaman nila kung nasaan ako.
"Yaya may cellphone ka ba jan? Pahiramin ako. Kailangan matawagan ko si mommy."
"Teka hija," dinukot nya sa bulsa nya ang cellphone. "Oh eto. Itago mo yan. Wag mo ipapakita sa lolo mo yan pareho tayong malalagot nyan."
"Salamat yaya."
"Lalabas na ako baka maghinala na sila sa akin. Ako lang pwede pumasok dito kaya dapat mag ingat tayo ha." Tumango lang ako at yumakap sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na sya.
Kahit wala aking gana pinilit kong kumain. Baka sakaling makatakas ako dito. Hanggang ngayon kuha pa din ni yaya ang lasa ng paborito kong afritada. Pag tapos kong kumain ay pumasok ako ng banyo pero hindi ko masyadong sinara ang pinto para makita ko kung may paparating na tao. Nagdiak agad ako at una kung tinawagan si Justin. Unang rin pa lang sinagot na nya.
"Ian ikaw na yan?" boses ni Justin.
"Oo ako toh, listen carefully Justin. Go call mommy and tell them na dito ako sa hacienda sa Cebu tinago ni lolo. This number is manang Beth's cellphone. Wag na wag kayo tatawag dito at hintayin nyo lang na ako ang unang tumawag."
"Ok. Wait are you all right? Sinaktan ka ba ng lolo mo?" bakas sa boses ni Justin ang pag aalala.
"Ok lang ako. I love you."
"I love you too. Wag kang mag alala pauwi na sila tita. Kukunin ka namin jan ok. Mahal na mahal kita tandaan mo yan."
Gumalaw ang doorknob ng pinto kaya agad kong binaba ang tawag ko at itinago sa ilalim ng lababo ang phone at binukasan ko ang gripo.
Niluwa ng pinto si Don Franko kasama ang isang lalaki ka halos ka-edad din ng lolo nya. Lumingon ito sa pinto kung nasaan ako. Isinara ko ang gripo at lumabas ng bathroom. Naka ngiting binati ako ng lolo ko sabay pakilala sa kasama nyang matanda.
"Hija, this is Don Pedro Hidalgo the owner of Hidalgo group of company. Amigo, this is my granddaughter Marian, the soon to be Mrs. Hidalgo. Your future granddaughter-in-law." nakangiti pang pagpapakilala ni Don Franko sa dalawa.
"Hinding hindi ako magiging Hidalgo kahit pa mamatay ako!" sigaw ni Ian.
"Ano ito Franko. Akala ko ba nagkasundo na tayo?" tanong ni Don Pedro.
"Kumpadre pagod lang ang apo ko. Wag kang mag alala tutupad kamu sa usapan. Mabuti pa siguro bukas na lang tayo mag usap." pigil ang galit niya. "Paki hatid na si Don Pedro."
Pagkalabas na pagkalabas nila Don Pedro at mga alalay nito nakatanggap ng isang malakas na sampal si Ian mula sa lolo nya.
"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Wala kang utang na loob! Matapos kitang pinalaki sa masaganang buhay!" itinulak sya nito na naging dahilan ng pagkatumba nya sa sahig.
"Napaka sama nyo! Sarili nyong apo ipinagkakanuno nyo!" galit na sagot ni Ian habang hawak pa din ang pingi na nasampal.
"Kayong dalawa ng ama mo ay parehong pareho. Matapos ko kayong ampunin! Wala kayong utang na loob!" akmang babastunin na si Ian ngunit naka iwas sya.
"Ampunin?" nagtatakang tanong nya.
"Oo, dahil ang magaling mong ama ay isang hamak na anak ng isang magbubukid na ibenenta sa akin kapalit ng 500 pesos. At ikaw bilang anak nya ay isa ring hamak. Wala kang utang na loob!"
A/N: huwat??? so hindi tunay na Winderfold si Ian? Balak ba syang gawing pambayad utang ng nakagisnan nyang lolo?

BINABASA MO ANG
YOU'RE SO BLIND TO SEE
Teen FictionLooking for something and not knowing it is only on the tip of your nose. That is how our dear Ian so blind searching everywhere except in front of her. this story is published before but in unknown reason got deleted in my create folder making it g...