15

0 0 0
                                    

All is set. Wala na akong magagawa pa. Ikakasal ako sa taong di ko naman mahal at di ko pa nakikita.

Everything seems perfect pwera lang sa bride kanina pa iyak ng iyak. Naka limang beses nang nagretouch ang make up artist na halatang naiinis na rin. Akala kasi nila masyado lang masaya ang bride sa kanyang big day. Wala silang kaalam alam na ang pakiramdam niya ay para na syang ililibing.

Five minutes na lang at maglalakad na sya sa altar. Sa tagal ng niyang nakakulong sa bahay na yun ni minsan di sya nakarinig ng balita sa mommy nya o kay Justin man lang.

Tumugtog na ang musicians na sya na ring hudyad ng umpisa ng pag lalakad ng entorage sa harap. Huminga sya ng malalim.

Ito na toh, wala na akong magagawa pa... sabi nya sa sarili nya.
Nakalakad na lahat at its time for her to walk down the aisle. Dapat sana masaya sya at ang dream wedding song nya ang tumutugtog pero kabaliktaran ang nararamdaman nya, dahan dahan syang naglakad at tumingin sa harapan nya.

Lahat ng arragements sa church ay tulad ng pinapangarap nya sa wedding, sa flowers, theme, color, at pati ang pari na magkakasal sa kanya at sa misterious groom nya. Bigla syang na curious sino ba ang groom nya. Nakayuko ang lalaki habang hinihintay sya makaabot sa altar, sa tayo at tindig nya para syang si Justin. Pero natawa lang sya sa naisip nya. Papaanap naman magiging si Justin ang groom?!

Nang makalapit sya ay saka pa lang tinaas ng lalaki ang ulo nya at sa unang pag kakataon nakita ni Ian ang groom nya na walang iba kunsi si Justin?!?!

Paano nangyari ito? All these time naloloko ako ni Justin, kitang kita sa mata nya ang pag susumamo at takot. Anģ daming "paano" at "bakit" ang pumasok sa isip nya habang naramdaman nya na unti unti ng dumudilim ang paningin nya...


Sorry .... Just want to let you know that Im still alive. Just having cobwebs of imaginations hehehe...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU'RE SO BLIND TO SEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon