CHAPTER 5

13.9K 288 10
                                    

"Taraaaa! Doon tayo, dali!" yaya ni Eugene at tinuro ang malalim na part ng pool.

Nanlaki ang mata ko at umiling-iling.

"Ayoko! Di ako marunong lumangoy," naka-ngusong sabi ko.

"Psh! Bahala ka, pupunta kami dun." ani Eugene at nag-simulang lumangoy papuntang malalim kasama si Suzy.

Ngumuso na lamang ako at sumandal sa wall ng pool. Nasa 3ft. lang ako. Hindi ko kaya sa malalim dahil hindi ako marunong lumangoy.

"Buntis! May baby bump ka na! Pwede hawakan?" tanong ni Edward.

Tumango lang ako at ngumiti. Hahawakan na sana niya ng may humablot sa kamay niya, si Zander.

"Kuya Pinsan naman! Hahawakan ko lang yung tiyan ni Buntis eh," naka-ngusong sabi nito.

Ang cute hihi.

"Tsk," singhal ni Zander at hinila ako.

Nanlaki ang mata ko ng makitang papunta kami sa malalim.

"H-hala! Hindi ako marunong lumangoy," ani ko at nagpumiglas.

"Ride at my back," malamig na sabi nito.

Sumampa ako sa likod niya at nangunyapit sa kaniyang leeg.  Nagsimula na siyang lumangoy kaya ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg, natatakot ako baka malunod kami eh.

Nang marating namin ang dulo ng pool inilagay niya ako sa gilid at pina-upo ako roon. Siya naman ay nasa pagitan ng hita ko.

"Oy Buntis! Pabebe ka pa," nanunuksong sabi ni Eugene.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Kaltukan ko siya eh, psh!

"Anong pabebe? Baka gusto mo ng kaltok?" inis na sabi ko.

"Naaaay!" sabi nito.

"Edward! Si Eugene may crush sayo!" sigaw ko.

Tumingin ako sa Bestfriend ko na ang sama ng tingin sakin. If looks can kill malamang patay na ako, inismidan ko lang siya.

"My labs! May crush ka pala sa akin ha?" ani Edward at lumapit kay Eugene.

Napa-iling na lang ako at bumaling sa harap ko.

"What?" takang-tanong ko kay Zander.

Ngumiti ito at binaon ang mukha saaking leeg. Ngumiti pala si- - - - WHAT?! Ngumiti siya? Omygod!

"Ngu-ngumiti ka ba?" nauutal na tanong ko.

"No, your just imagining," sabi nito.

Ramdam ko ang kaniyang mainit na hiniga saaking leeg.

Nagiimagine ba ako? Hindi naman diba? Baliw ata si Zander eh?

"Are you crazy?" takang-tanong ko.

Nag-angat ito ng tingin saakin at kitang-kita ang iritasyon sa kaniyang mukha. Anong nagawa ko?

"What the fvck?!" singhal nito saakin.

Magkasalubong ang mga kilay nito at namumula ang buong mukha. Kamukha niya yung sa Angry Bird, yung kulay black na sumasabog hihi.

"Ate Sunny! Kuya Zander, kakain na daw." tawag ni Suzy.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango, si Zander naman ay lumangoy na papuntang mababaw. Tumayo na ako at nag-lakad sa sides ng pool at pumunta sa upuan kung nasaan ang bath robe ko. Kinuha ko na ang bath robe ko at sinuot yun.

"Ate Sunny! Let's go," ani Suzy.

Inangkla niya ang braso sa aking braso tsaka kami nag-lakad papunta kela Tita Francine.

"Oh, hija. Kain na," aya ni Tita Francine.

Nakalagay ang kanin sa dahon ng saging.May barbecue, pritong isda, talong at kung ano ano pa. Nakakagutom!

Naghugas muna kami ng kamay bago kumain. Si Eugene ay katabi si Edward kaya naka-kunot ang noo ng aking bestfriend. Sinong pabebe sa aming dalawa? Psh!

"Ate Sunny! Can you please pick that one?" ani Suzy at itinuro ang talong.

Kinuha ko naman iyon at iniabot sa kaniya. Sinubo niya iyon at may papikit-pikit pa.

Napa-iling na lamang ako at kumain uli.

"What's that?" takang-tanong ni Zander at tinuro ang talong.

"Talong," sagot ko at kinuha iyon tsaka sinalpak sa bibig ni Zander.

Oops! My bad, hihihi.

"It's delicious right?" ani ko.

Sinamaan ako nito ng tingin kaya tinawanan ko lang siya at binelatan.

Isusubo ko na sana ang kanin na nasa aking kamay ng may pumasak sa bibig ko. What the hell?

Kamatis? Dinura ko iyon at tinignan ng masama si Zander.

"What?" inosenteng tanong nito.

Inirapan ko lang siya at nag-patuloy kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagsi-akyatan na kami sa kuwarto at nag-banlaw.

Nakahiga ako sa kama habang nasa mukha ko ang T-shirt ni Zander, ang bango eh! Inamoy-amoy ko lang iyon hanggang sa makatulog na ako.

"Wake up sleepyhead! It's already 7 in the evening," ani Zander habang niyuyogyog ako.

Nagtalukbong lang ako ng unan at natulog uli.

"Wake up," sabi niya.

Yamot akong bumangon at tinignan siya ng masama. Inaantok pa ako eh!

Billionaire's Twins (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon