CHAPTER 1

15.7K 116 21
                                    

BIANCA, nandito na si Charlotte .”

Nakasunod lang si Charlotte kay Trace habang paakyat sila sa ikalawang palapag ng mala-palasyong bahay ng mga ito. Pinilit niyang ngumiti nang umalis sa harap niya si Trace at balingan siya ni Bianca.

Naging kaklase niya ito noon sa college kaya lang ay nagkahiwalay din sila nang magpasya itong magtungo sa Amerika upang doon tapusin ang pag-a-aral. Nang makauwi naman ito ay doon na sila sa village nila nagkita. Hindi naman naputol ang bond nila bagkus ay lalo pa iyong pinagtibay ng panahon.

Hindi na nga lang nila ito masyadong nakasama nang mga panahong iyon dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Ipinagbubuntis na kasi nito nang mga panahong iyon ang pinakamalalang virus ng mundo, ang panganay na anak nitong sa kamalas-malasan ay inaanak pa niya—si Hero.

“Charlotte!” mabilis na lumapit sa kanya ang kabigan saka siya niyakap ng mahigpit. “My God, Cha, tulungan mo si Hero.” Naiiyak nang wika nito.

Parang naririnig niya ang pagngangalit ng mga ipin niya kasabay ng pangingilo ng mga iyon nang marinig ang pangalang binanggit nito.

“Bakit? Ano na naman bang problema ng kutong-lupang iyon?”

Noong nakaraan kasi, ipina-pasta ito ng ama nitong si Trace sa kanya. At sa sobrang ka-epal-an nito, kinailangan pa nilang pahawakan ito sa tatlong katao para lamang matapos na ang problema nito at matahimik na rin ang kanyang mundo.

Siya ang opisyal na dentista ng pamilya ng mag-asawa. Sa loob ng halos pitong taon na niya sa propesyong iyon, ang mga ito ang ilan sa mga pioneer patients niya.

“Kagabi pa siya nagkukulong sa kuwarto niya. Hindi pa siya kumakain at maghapon na rin siyang hindi lumalabas. At wala na rin siyang ginawa kundi sampalin ang sarili niya.” Paliwanag ni Bianca.

Parang gusto niyang tumawa. At kung hindi nga lang niya nakikita ang labis na pag-aalala sa mukha ng kaibigan ay talagang hahagalpak siya ng tawa.

Tingnan mo nga naman… Ang kutung-lupang iyon, hah! Lagot ka sa akin ngayon…

“Yesterday morning, he asked for twenty pancakes,” iiling-iling na wika ni Trace habang nasa harap ng pinto ng kuwarto ni Hero. “Kung hindi ba naman kasi malala ang sayad ng batang iyon, papakin ba naman iyong isang bote ng pancake syrup.” Napakunot-noo ito nang tila may maalala.  “Hero, open up. Nandito si Miss Charlotte para tingnan iyang ngipin mo.” Anito sa labas ng pinto. “Hero.” Ulit nito nang walang sumasagot sa loob.

Lumapit na rin si Bianca sa may pinto at nakikatok. “Hero, hindi gagaling iyang ngipin mo kung hindi mo ipapatingin kay Charlotte .”

“Ayoko!” ganting-sigaw nito. “Masakit,” narinig niyang pumipiyok ang boses nito kasabay ng paghikbi.

Voila! Umiiyak din pala ang mga katulad nitong bacteria!

Napangisi siya nang maisip ang hitsura nito ngayon. Pihadong tumutulo na ang mga uhog nito habang nakayukyok sa isang tabi. Hindi naman siya sadista kaya lang, talagang isang napakalaking tinik sa buhay niya at katahimikan ang batang iyon. Palagi na lang siya nitong ginagawan ng kalokohan.

Katulad na lang noong isang araw, pinaglaruan nito ang hand drill niya, pinagbubutas nito ang lahat ng bagay na naabot nito. Kabilang na roon ang dentist’s chair, mga file ng pasyente niya pati na rin ang mga pinakamamahal niyang Questor Magazine na nananahimik lang naman sa ibabaw ng mesa niya. Kamuntik na niyang ibigti ito nang makita niyang ala-fishnet na ang mga gamit at anik-anik niya sa opisina.

“Hero,” untag muli ni Bianca.
Nahabag naman siya sa nakikitang pag-aalala sa mukha nito.

Lumapit na rin siya sa pinto at kumatok. Tumabi naman muna ang mag-asawa. “Henry James,” tawag niya sa buong pangalan nito. “Open this door. Now.” May babala na sa kanyang tinig.

“Go away!” sigaw ng bata mula sa loob.

“C’mon, cry baby. Lumalaki na ang bill ninyo. Mahalaga ang bawat segundo ng oras ko. Open up or I’ll bust this door down.” Tinadyakan pa niya ang pinto nito para mas ma-emphasize ang sinabi niya.

Hindi na ito muli pang sumagot kaya mas lalo pa niyang binayo ang pinto. Handa na talaga siyang gibain ang lintik na pinto kung hindi lang siya pinigilan ni Trace. May hawak itong mga susi. Iyon marahil ang mga susi sa lahat ng kuwarto roon.

“Akala ko pa naman, madadaan sa matinong usapan ang batang iyan.” Anito bago sinuksok sa keyhole ang susi.

“Kailan ba nakuha sa pakiusapan ang tiyanak na iyon?” bulong niya.

Pagpasok nila sa loob ng silid nito ay nakita niyang nakaupo lang ito sa isang sulok ng silid nito habang sapo ang pisnging pulang-pula na. Sa ka-kasampal marahil nito sa sarili nito.

“Hero, what are you doing down there?” usisa ng ama nito.

“It hurts,” suminghot ito. “Masakit…ang…ipin ko… Daddy…”

Parang gusto na niyang mahabag dito. Parang gusto nang mabagbag ng damdamin niya. Parang gusto nang lumambot ng puso niya. Kalunus-lunos naman kasi talaga ang hitsura nito habang umiiyak ito sa isang tabi. Kung hindi nga lang ito isang malaking hantik sa buhay niya, baka naging close pa sila. Ang hilig pa naman niya sa mga batang cute na katulad nito. Mukha itong anghel.

“Daddy, ayoko sa witch na iyan. Pangit siya.”

Ano na nga ulit iyong sinabi niya?

“Hero, don’t say that to your Ninang Cha,” saway ng ina nito saka kinarga ang anak. “Ninang Cha will make the pain go away.”

“Baka iluto niya ako.” Sumiksik pa itong lalo sa ina nito.

Parang naririnig na niya ang isa-isang pagputok ng mga ugat sa ulo niya.

Pasalamat ka’t mahal ko ang nanay mo, kung hindi lang, nakuuuu—!

“Be a man, Henry James.” Wika ng ama nito. “Igagapos kita kung kailangan.”

Maya-maya pa’y naihiga na nila ito upang matingnan na niya ng maayos.

“Kailangan na nating bunutin iyang ipin mo,” aniya habang ibinababa ang facial mask. “Hindi na iyan makukuha sa pasta lang. Hindi pa naman iyan permanent kaya tutubuan pa.”

“Okay, ikaw na ang bahala sa kanya, Cha.” Paalam ni Bianca sa kanya.

Inilabas na niya ang baon niyang heringgilya mula sa kanyang portable dental kit. “Are you sure pwede nating iwang mag-isa si Charlotte?” wika ni Trace.

“Okay lang ako, Trace. Kaya ko na ito.” Aniya saka nakangiting kinawayan ang mga ito. Sasaksakan ko ng muriatic acid sa leeg ang kutong-lupang ito. “Ako nang bahala kay Hero.”

Tinungo na ng mga ito ang pinto.

“Mommy, Daddy, saan kayo pupunta?” pasigaw na tanong ni Hero sa mga ito saka akmang babangon. Pinigilan na lang niya ito saka binigyan ng kanyang signature killer look. “Mommy, don’t leave!”

Subalit tuluyan nang lumabas ang mga magulang nito.

“Okay, now, open wide.” Aniyang hawak ang heringgilya at muling ibinalik sa kanyang bibig ang mask. “Say, ‘ah’.”

“Ahhhhhh!”
 
PAMBIHIRA, pinahirapan na naman ako ng batang iyon.” Sentimiyento ni Charlotte habang pabalik na siya sa klinika niyang nasa loob lang din ng subdibisyong iyon.

Halos isang oras ding natulig ang tenga niya sa kakasigaw ni Hero kanina. Iniwan niya itong natutulog. Mukhang naubusan na ito ng lakas kaya bigla na lamang itong nakatulog pagkakita sa nabunot na ngipin nito.

“Sinong hindi mauubusan ng lakas sa pagsigaw ng walang katapusan, aber? Aba, kahit ako namang nakikinig lang sa kanya, napagod.” Iginalaw-galaw niya ang kanyang kanang braso saka hinilot ang kanyang balikat. ”May stiff neck pa yata ako.”

Biglang lumapad ang kanyang ngiti nang mahagip ng kanyang tingin ang paborito niyang crush sa subdivision nilang iyon. Ang resident vet nila—Seishiro Linares.

Seishiro was standing beside the glass wall of his clinic while giving his pet parrot some bird food. He was really handsome in his white gown, baby blue polo tucked inside his black slack pants.

Naglakad siya palapit sa salamin ng klinika nito. Mukhang masyado itong engrossed sa pakikipag-usap sa alaga nitong ibon kaya hindi siya nito napapansin. Tumayo siya sa mismong harap nito saka ito pinagmasdan.

He looked so immaculately handsome. He had slightly long, brownish hair, thick brows, an aristocratic nose, perfect jaw, and naturally pinkish lips. Pinakatitigan niyang mabuti ang paborito niyang asset nito. His eyes. Light brown ang kulay ng mga mata nitong lalong nagpapaamo sa napakaguwapong mukha nito.

Nang mapagsawa ang mga mata sa kakisigan nito ay kinatok niya ng bahagya ang salamin. Kaagad naman itong napalingon sa kanya saka ngumiti.

Ahh… bawi na naman ako ngayong araw na ito.

Sinenyasan siya nitong pumasok sa loob ng klinika nito. Ngunit mas gusto na muna niyang panoorin ang napakagandang ngiti nito. Kaya naman nang hindi pa siya kumilos ay ito na ang lumapit sa pinto at lumabas doon.

“Hi,” bati nito sa kanya. “Ba’t hindi ka pumasok?”

She gave him her sweetest smile. “Napadaan lang naman ako. Galing kasi ako kina Bianca diyan sa kabilang block.”

“Binisita mo na naman pala ang paboritong pasyente mo.” Nangingiting wika nito saka kinuha sa kanya ang dala niyang bag. “Pasok ka muna. Wala pa namang pasyente.”

“Hindi na, baka makaabala pa ako sa iyo.” Siyempre, magpapakipot na muna siya ng kaunti.

“Wala naman akong pasyente. Halos lunch time na rin naman. Late na rin kung ngayon ka pa magbubukas ng clinic mo.” Nagpatiuna na ito sa pagpasok.
Pinipigilan nito sa pagsara ang pinto habang hinihintay siyang makapasok.

Ahhh… napaka-sweet talaga ng irog ko. Sinong hindi mapa-praning sa iyo?

Iginiya siya nito sa isang sofa sa isang gilid ng klinika nito. Inalalayan pa siya nitong maupo.

“What do you want to have?” tanong nito habang naghahalungkat sa ref.

You, mabilis na tugon ng isip niya. “Kahit ano.”

“Juice lang ang meron sa ref ko, ayos na ba ito?” he was holding two canned pineapple drinks .
Kahit ikaw lang, ayos na, “Oo, basta ‘wag mo akong sisingilin mamaya para dito.”

Tumawa lang ito saka sumandal sa gilid ng mesa nito paharap sa kanya.

Iniikot niya ang paningin sa paligid ng klinika nito. Napaka-cozy ng paligid nito. Walang masyadong hayop na naroon maliban sa isang parrot, sari-saring mga isda na matatagpuan sa isang malaking aquarium,  at isang Siamese cat na nakabaluktot sa paso ng palmera na naroon malapit sa pinto. Naalala niyang nasa isang silid nga pala roon ang mga pasyente nitong ipinapa-confine roon.

“Wala ka yatang masayadong pasyente ngayon?” aniya saka lumagok ng juice.

“Kaaalis lang ni Liz,” isa rin sa mga kapitbahay nila sa village na iyon ang tinutukoy nito. “Dinala niya rito si Hidden.”

“Si Hidden?” isang husky si Hidden na iniuwi pa ni Liz mula sa California. “Bakit? Namamahay ba ang asong iyon?”

Umiling ito. “Mukhang napapabayaan niya si Hidden nitong mga nakaraang araw. Hindi rin maganda ang pangangatawan nito. Mukhang hindi niya napapakain ng maayos. Nasa loob na si Hidden.” Itinuro nito ang silid kung saan naka-confine ang mga hayop na dinadala rito.

“Ah,” aniyang tumatangu-tango pa.

“Nag-lunch ka na?”

“Hindi pa,” paano siyang makakapag-lunch? Parang may naririnig pa siyang mga alingawngaw sa tenga niya dala ng walang habas na pagsigaw ni Hero.

Sinipat nito ang relong pambisig saka nilamukos ang lata ng pineapple juice bago iyon inihagis sa basurahan sa ilalim ng mesa nito.

“Nagluto ako kanina bago ako umalis ng bahay,” anitong may kinukutingting na kung ano sa ilalim ng mesa nito. “Pang-isahan lang ito kaya…” he looked at her and smiled shyly. “Share na lang tayo, kung okay lang sa iyo.”

Anak ng patis! Ang cute-cute! Kinilig ang lahat ng mga ugat niya sa katawan sa ka-sweet-an nito.

“Oo naman. Ano ba iyan, pagkain mo pala iyan, makiki-epal pa ako.” Ibinaba niya ang pineapple juice sa side table sa tabi niya saka umayos ng upo nang tabihan siya nito sa couch. “Ano bang baon mo?”

Sinilip niya ang laman ng lunch box. Kamukha iyon ng mga lunch boxes ng mga characters sa mga anime na napapanood niya.

“Rice balls, sushi…” itinuro nito ang ilan sa mga laman ng malaking lunch box. “This one’s sashimi,” dinampot niya ang chopsticks saka kinuha ang isang piraso ng hipon. “That one’s tempura prawn.” Anito saka kinuha ang hipon sa chopstick niya at diretsong isinubo iyon. “One of my favorites.”

“Japanese foods pala ang drama natin ngayon?” natatawang wika niya.

“I’m not that good at cooking kaya pagtiyagaan mo na lang ang mga iyan.” Inililis nito ang manggas ng polo nito saka dumampot ng isang piraso ng sushi. “Kamusta naman si Hero?”

“’Ayun, natigil din sa wakas sa pag-ngawa. Isang oras din akong pinasakitan ng kutong-lupang iyon.” Tinikman niya ang tempura prawn saka dinampot ang canned juice niya. “This is good,” aniya habang ngumunguya.  “Kinailangan na kasing bunutin iyong ngipin niya dahil malaki na ang crater. Hindi na kakayanin iyon ng pasta.”
Napakunot-noo siya nang may maalala. “Isa nga palang malaking cavity ang batang iyon. No wonder.”

Tumangu-tango ito saka iniumang sa kanyang bibig ang dinampot nitong sushi. Hindi naman siya nagpakipot at tinanggap iyon.

Napapangiti na lang siya. Kapag may nakakita sa kanila, tiyak na iisipin ng mga iyon na magkasintahan sila. Aba, hindi naman ito dehado. Maganda naman siya at matalino.

“Seishiro,” tawag niya rito habang nginunguya ang isinubo nitong sushi.

“Hmmm?”

“Why do you wear eyeglasses?”

“Oh, these,” hinawakan nito ang salamin nito. “I don’t know. Suporta siguro.”

“Suporta?”

“Sa init ng araw, sa polusyon, sa alikbok—“

“Sa virus, sa bacteria, sa amoeba…” natatawang tinanggal niya ang salamin nito. “Sabi ko na nga ba, props lang ito. Wala kasi akong nakikitang grado.” Binugahan niya iyon ng hininga saka pinunasan gamit ang laylayan ng suot niyang t-shirt. “But you look good in them.” Dahan-dahan niyang ibinalik sa mga mata nito ang salamin.

“Thank you.” Nakangiting tugon nito.

Kasabay ng tila paghinto ng kanyang paghinga ay ang pag-arangkada ng tibok ng puso niya. Parang biglang huminto ang pag-inog ng mundo niya at wala nang ibang naroon kundi si Seishiro at siya.

As she looked into his eyes, parang lalo siyang nahihigop ng kung anong magneto patungo rito. Parang anumang oras ay malulunod na siya. Ano bang nagyayari sa kanya? Imahinasyon lang ba niya o talagang unti-unti na niyang inilalapit ang sarili rito? Hindi naman ito tumitinag o nagsasalita ngunit nawala na ang ngiti sa mga labi nito. Still, there was amusement in his eyes.

Their faces were only a few centimeters away, that she was sure of dahil nararamdaman na niya ang hininga nito sa kanyang mukha. Kaunting galaw pa niya, maglalapat nang tiyak ang mga labi nila. Pero bakit ayaw papigil ng katawan niya? Bakit ayaw papigil ng puso niya sa pag-ariba?

“Excuse me.”

Kamuntik na siyang sumubsob sa sahig nang bigla na lamang hatakin ng kung sino si Seishiro patayo. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa sandalan ng sofa.

“Charlotte, are you okay?” narinig niyang tanong ni Seishiro.

Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nakalingkis na kay Seishiro si Hedi, ang malditang kapit-bahay din nila sa village na iyon. Handa na sana siyang sibatin ang hitad kung hindi lang biglang umeksena ang lintik na pusang alaga ni Seishiro.

“Not now Pat,” she hissed at the cat.

Ngunit lalo lamang sumiksik sa kanya ang pusa.

“Seishiro, ipapatingin ko sana si Peter,” malanding sabi nito habang hinihimas ang dibdib ni Seishiro. “Para kasi siyang nilalagnat.”

Ang akala niya ay uunahin siya ni Seishiro, kaya naman umusok ng husto ang bumbunan niya nang patulan pa nito ang halata namang pagdadrama lang ni Hedi. Sa inis, dinampot niya ang bag niya saka nagsimulang nag-martsa papunta sa pinto. Ngunit napabalik din kaagad siya nang biglang may maalala.

Dinampot niya si Pat saka binulungan.

“Pat, asar ako sa malditang iyon. Kagatin mo, dali!” bulong niya sa pusa. Buddy-buddy naman sila nito kaya igaganti naman siguro siya nito kahit papano.

Ibinaba niya si Pat sa may bandang paanan ng visitor’s chair sa harap ng mesa ni Seishiro kung saan natitiyak niyang uupo ang impaktitang umistorbo sa kanila. Sensitive na pusa si Pat. Ayaw na ayaw nitong matatapakan o masasagi man lang ang buntot nito. Kaya naman ipinuwesto pa talaga niya ang tamad na pusa na matatapakan ang buntot nito ng sino mang uupo.

Pasensiya ka na, Pat. Kailangan muna nating gawing pain iyang pinakaiingat-ingatan mong buntot. Para naman sa kabutihan ito.

Minsan pa niyang sinulyapan si Seishiro na inuurirat ang “nilalagnat” daw na aso ng bruhang si Hedi. Napapailing na lang siya habang pinagmamasdan ang sobrang pag-aalala sa mukha ng binatang beterinaryo. Pagdating talaga sa mga hayop, napakabait nito. Kahit halata namang gusto lang maka-tsansing ng may-ari ng hayop, pinatulan pa rin nito.
Inirapan pa siya ni Hedi nang mapalingon ito sa kanya. Binelatan lang niya ito saka sinulyapang muli si Pat na tahimik ng natutulog. Tamang-tama ang posisyon nito.

Perfect.

Tahimik na siyang lumabas ng klinika ng binata nang hindi na nililingon pa ang mga ito. Nakakailang hakbang pa lang siya palayo sa klinika nito ay narinig na niya ang malakas na pagtili ni Hedi. Iwinasiwas niya ang kanyang buhok sa hangin saka malapad na napangiti.

Loving The Charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon