𝗢𝗧𝗪 𝗧𝗪𝗢

111 21 0
                                    

KATATAPOS lang namin manood kaya naman nakaupo kaming lima rito habang hinihintay kung sino ang unang magsasalita after namin mapanood ang palabas na kapupulutan ng aral at the same time na-a-apply sa buhay.

"Ang galing ng director. Imagine kapupulutan ng aral, true to life halos lahat. From the simple to worst like oh my." Sabi ni Ivy.

"Siguro kung ikaw Blythe ang nagsulat ng script mas maganda lalo kasi kahit ikaw alam na yung flow." Sabi pa ni Christhalyn.

"Very well said ate Chris. Ate Lynne is really good in writing. Sa tingin ko mas makikilala siya kasi she's good a very good rather." Nakangiting sabi ni Kyline dahilan para kiligin ako sa sinabi niya.

"Okay, magaling na talaga si Blythe and masaya ako kasi isa ako sa fans niya. Anyway tara kain tayo sa baba habang nag uusap." Pang aaya ni Ivy. Kanina ko pa napapansin na puring puri ako ni Ivy masyadong na lumalaki ang ulo ko sa kaniya nakalimutan ko na siya may kasalanan ng hiwalayan namin ni Kyle. Anyway move on na kasi 5 years na ang nakalipas.

"Tara." Sabi ni Kyle sabay hawak sa kamay ni Ivy at nauna na sila sa paglalakad.

Nakasunod lang kami sa kanila papunta sa may kusina. Pagbaba ay bumungad siMommy Kyla na kinagulat ko and yes Mommy pa rin tawag ko sa kaniya kasi ayaw niya tawagin ko siyang tita.

"Mommy ate Lynne is here po." Sabi niya dahilan para hinahan ni Mommy ang apoy at humarap sa akin at yakapin ako kaya naman niyakap ko rin siya, pagkatapos ng ilang minuto ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"I miss you Lynne. By the way I want you to meet Ivy Salvador girlfriend ni Kyle and Ivy this is Lynne ex ni Kyle." Masayang sabi ni tita nagulat na lang si Ivy at Kyle pero ako ganoon pa rin ang expression.

"Siya." Turo sa akin ni Ivy.

"Siya pala ang ex mo na niloko mo. Kaya pala nung nakausap ko siya inisip ko na agad na connected kayo sa isa't isa." Sabi pa ni Ivy

"Okay Ivy calm down. Mabait si Lynne at never nakipag away itong bata na 'to." Depensa pa sa akin ni Mommy.

"Kailangan natin mag usap Kyle." Sabi ni Ivy at naglakad na paalis ng kusina. Napailing na lang si Kyle at naglakad na palabas.

"You mean hindi alam ni Ivy na ex ni Kyle si Blythe." Sabi ni Christhalyn

"Ewan ko po, pero ang alam ko hindi niya alam kasi ba't ganoon magiging reaksyon ni ate Ivy kung alam niya." Sabi pa ni Kyline

"Ako na bahala mamaya. Kumain muna kayo ng niluto ko." Sabi ni Mommy kaya naman tinigil na namin ang pag uusap at tumulong sa paghahanda ng kakainin.

Wag ko muna isipin ang problema ng iba ang probleamahin ko paano ako mabubusog char.

-

Kakarating ko lang sa bahay ng abutan ko sa sala si Mama kasama si Kuya.

"Lynne Blythe Layugan ano itong nabalitaan ko." Sabi ni kuya

"Malay ko sa nabalitaan mo." Pilosopong sagot ko.

"Mag usap tayo." Seryosong sabi ni Kuya at naglakad na siya paakyat. Pag alis niya ay tiningnan lang ako ni mama.

"Wag ka mag alala hindi yung magagalit sa'yo puntahan mo na siya sa taas." Sabi ni mama naglakad na rin siya papunta sa kusina.

No choice ako kung hindi ang maglakad na rin paakyat kasi alam ko naman may nagawa na naman akong hindi maganda kung ano yun malay ko rin. Pagdating sa taas naabutan ko si kuya na nakaupo sa may kuwarto niya at nakaupo sa kama niya kaya naman pumasok ako at umupo sa tabi niya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗔𝗬✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon