Nagising ako dahil nararamdaman ko ang lamig sa paa ko. Pag tingin ko si Lucky pala at hinahawakan ang paa ko.
"Ano ba yun Lucky?" Tanong ko sa kaniya.
"Hinahanap ka po ni kuya David nasa baba." Tanong niya pa.
Luh? Agad agad.
"Sige na baba na 'ko." Sabi ko pa tapos inayos ang aking sarili.
Naglakad na siya palabas habang inaayos ko ang aking sarili.
Pagkababa ko naabutan ko siya na kausap si mommy.
"Anak may pupuntahan pala kayo. Nakita ko kasi siya kanina kaya pinapunta ko na siya. Sakto pala na aalis kayo." Sabi ni Mom
"Opo sige po mag aasikaso na po muna 'ko." Sabi ko
"Sige anak." Sabi ni mommy.
Kaya naman bumalik ako sa taas at nag umpisa na maligo.
Aga masyado hindi naman ako na inform. Tarantado talaga kahit kailan.
Pumasok na 'ko sa banyo at nag umpisa na maligo.
-
Habang nasa kotse panay ang pag uusap namin na dalawa.
"Di ba ikaw rin writer nung palabas nila Sebastian?" Bigla niyang tanong.
"Yup." Tipid na sagot ko.
"Kailan papalabas yun?"
"Next week na ata. Kasama rin ako sa cast. Kaso namatay rin ako roon opss spoiler." Natatawang sabi ko.
"Manonood ako panonoorin ko ba't ka roon namatay. Wag mo na ako ispoil utang na loob." Sabi niya pa kaya naman natawa 'ko.
Kung ikuwento ko na lang ng buo para hindi ka na talaga manood.
"Kumusta naman kayo ni Sebastian?" Bigla niyang tanong. Dahilan para mapatingin ako sa kaniya na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Ayos lang din. Same lang sa atin." Sabi ko pa
"Ano itong nabalitaan ko na nag confess siya sa'yo. Ni reject mo na naman siguro." Sabi niya pa
Bumuntong hininga muna 'ko.
"I'm not accepting his confession and also I'm not rejecting him. I'm just explaining my side. May masasaktan kasi ako kapag nagkataon. Naalala ko na kapag sino yung tao na mahal ko at mahal ko siya na talaga yung para sa akin kaso.. ba't ang hirap parang hindi pa rin kami ang nakatadhana. Mahirap kasi na magmahal ka na alam mo naman pagtatagpuin kayo pero hindi nakatadhana." Sagot ko pa sabay iling iling.
Mahirap na masaktan ulit.
"Madaya talaga ang love. Mahal mo pero hindi ka mahal, mahal ka pero hindi mo mahal at lalong pinagtatagpo pero hindi para sa isa't isa. Mahal niyo ang isa't isa pero may mga balakid dahilan para hindi maging kayo." Sabi niya pa.
"Definitely right." Sang ayon ko.
"Basta nandito lang ako as always. Hindi reason na iwan kita dahil nasaktan mo 'ko. I already moving forward and forget kaya support kita." Sabi pa niya ng nakangiti.
"Thank you." Sagot ko
Ang suwerte ko pa rin talaga sa kaniya. Sa kabila ng pananakit ko nakuha niya pa rin manatili sa tabi ko at samahan ako sa paglalakbay ko mahanap ang on the way para sa 'kin.
-
Pagdating sa set pinapunta agad ako ni David sa director.
"Hi Lynne na check ko na ang feedback regarding sa'yo and sa mga workks mo and I amazed sa galing mo. Na approved na and ikaw na ang script writer dito sa palabas. Magsisimula ka magsulat sa sabado kasama ka rin sa taping okay lang ba sa'yo?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗔𝗬✔️
Teen FictionLet's witness the story of Lynne Blythe Layugan, a girl who wait for he's man. Let's witness if the man of he's life is on the way.