𝗢𝗧𝗪 𝗧𝗘𝗡

71 17 0
                                    

Naisipan ko na muna magpunta sa Robinson kaya heto ako at naglilibot. Tamang window shopping lang muna habang wala pa naman akong magawa.

Habang naglilibot nakita ko ang isang matanda na naka upo sa may gilid ng KFC nilapitan ko siya wala lang gusto ko lang naman siya makausap.

"Hello po." Bati ko sa kaniya

"Magpapahula ka iha." Sabi niya sa akin.

Totoo ba ang hula.

"Manghuhula po kayo? Mahuhulahan niyo po ba ang mga ganap sa akin sa susunod na araw kahit clue ganern." Sabi ko sa kaniya.

"Sige iha akin na ang kamay mo."

Iniabot ko sa kaniya ang aking kamay.

"Darating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mo mamili. Mag iingat ka kasi sa desisyon na gagawin mo dalawa lang ang mangyayari magsisi ka o may masasaktan ka." Seryosong sabi niya.

Wag naman sana mangyari.

"Ahh okay po." Sabi ko sa kaniya

Syempre ayoko na masundan yun mamaya iba na sabihin ang creepy kaya.

"Tara po kain tayo. Bayad ko sa hula na ginawa niyo."

Tinulungan ko siya sa kaniyang mga dala. Naisip ko  na sa KFC na lang kami kakain kasi nandito na naman kami lalayo pa ba kami.

-

Nandito ako sa labas ng bahay ng tunay kung mga magulang. Dito ako dinala ng mga paa ko kaya naman tinuloy 'ko na lang.

Nag doorbell na 'ko at isang beses lang ako nag doorbell. Ilang minuto lang din ay nakita ko na si Lucky na binuksan ang gate.

"Ateeee!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Namiss kita sobra. Akala ko hindi ka na ulit babalik." Sabi niya pa sa akin.

Bumitaw siya sa pagkakayap.

"Pasok muna tayo." Tipid na sagot ko.

"Sige po."

Pumasok kami at doon ay nag usap kami.

"May problema ka ba ate? Hindi ka naman ganyan last time na magkausap tayo." Sabi niya sa akin.

"Okay lang ako Lucky, kuwentuhan mo naman ako ng mga karanasan gusto ko lang talaga makinig ng kuwento." Sabi ko sa kaniya

"Nung iniwan ka ni mama sobrang na depressed siya last time pa naging baliw siya kaya may record siya nung nasa mental siya pero ayos naman na rin." Sabi niya sa akin.

"Nung nabalitaan niya na maayos ang paglaki mo natuwa siya kasi hindi raw mali ang naging desisyon niya para ipaalaga ka ng pansamantala. Pero I swear to God malaki na ang pagsisi ni mama kaya patawarin mo siya." Sabi niya pa.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Matagal ko na siya pinatawad kahit hindi pa siya humihingi ng tawad napatawad ko na siya." Sagot ko

"Maayos ka po talaga pinalaki." Sabi niya pa.

"Haist, tara magluto muna tayo."

"Sige po. Mamaya rin po uuwi na sila mama." Sabi niya sa akin.

Pumunta kami sa may kusina para magluto. Siguro panahon na para maging masaya na 'ko.

-

Kakauwi ko pa lang ngayon sa bahay nagulat ako ng makita ko ang kotse ni David pamilyar sa akin ang kotse niya kaya nagmadali ako sa pagpasok.

𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗔𝗬✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon