𝗢𝗧𝗪 𝗡𝗜𝗡𝗘𝗧𝗘𝗘𝗡

79 19 0
                                    

After ng dramahan uwian na kaya naman naglakad na 'ko pauwi. Habang naglalakad ako pauwi naisapan ko na si David.

Tutal naman nagsorry na 'ko sa dalawa lubusin ko na rin pati kay David para naman super sad ko ngayon atleast isang bagsakan na sakit.

Naglakad na 'ko papunta sa kanila ng makarinig ako ng isang busina dahilan para tumigil ako sa paglalakad at tumabi.

"Hatid na kita kung saan ka pupunta Linya." Boses ni David kaya naman humarap ako sa kaniya.

"Gagi pupuntahan kita. Kakausapin sana kita." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko na bumaba siya at tinabi sa gilid ang motor niya.

"Halatang galing ka sa pag iyak. Ano na naman ba yung iniyakan mo o sino na naman ba ang iniyakan mo." Sabi niya pa sabay hawak sa mukha para makita ang mata ko na namumula. Aminado naman ako na namumula kasi galing ako sa iyak.

"Nevermind that thing. Basta tara mag usap tayo. Mahalaga ang pag uusapan natin kaya dapat na tayong umalis." Sabi ko pa sa kaniya

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumakay ulit sa motor niya sumakay na rin ako at humawak sa kaniya.

"Humawak ka para kapag nahulog ka hindi ka masasaktan kasi nakahawak ka sa 'kin." Sabi pa niya.

"Puro ka na lang hugot." Sagot ko sa kaniya

Pinaandar na niya ang motor kaya naman humawak ako ng maayos sa kaniya.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa kanila kaya naman agad agad ako bumaba at pumasok kasi nakabukas na yung gate.

Wala akong naabutan sa loob kaya naman pumasok na 'ko ng tuluyan at umupo.

"Feel at home masyado Linya." Sabi niya kakapasok lang niya.

"Pake." Pataray na sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ano ba yung mahalagang importante na sasabihin mo." Sabi niya sa akin.

"Nag usap kami ni Sebastian at Christhalyn naisapan ko na rin na kausapin ka since I already forget, forgive and moving forward. Kaya naisipan na rin kita kausapin para pag iyak ko if ever isang sakitan na lang." Sabi ko pa

"Ahh." Sabi niya habang tumatango pa.

"Wala naman na dapat tayong pag usapan pa. We're both okay right? Nag usap na tayo and you and I are officially settled. Let's be happy and both free to choose." Sabi niya pa sa akin.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Nakikita ko na sa mga mata mo magiging okay ka rin, matatag ka e. Nahuhulahan ko na agad." Sabi niya pa.

Kaya naman natawa ako bigla sa kaniya yung itsura kasi niya.

"Siraulo ka talaga. Tara na hatid mo na 'ko at hinahanap na ako sa amin." Sabi ko pa sa kaniya

Tumayo na 'ko at balak na lumabas ng hawakan niya 'ko sa kamay at hilain palapit sa kaniya sabay yakap sa 'kin.

"Mag iingat ka palagi. Wag mo hahayaan na masaktan ka muli. I'm always be here for you." Sabi niya pa sa akin sabay halik sa noo ko.

𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗔𝗬✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon