𝗢𝗧𝗪 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗘𝗘𝗡

73 19 0
                                    

After namin mamili nauna sa taas si Lucky dahil napagod samantalang ako heto sa may sala at nagpapahinga. Hinihintay ko rin ang pagdating ni mommy at daddy kailangan ko sila makausap. Habang naghihintay sa kanila naisipan ko na muna ang umalis sa bahay at pumunta muna sandali kay David semi malapit siya rito kaso sasakay na lang ako ng tricycle kasi delikado at masyadong gabi. Kaso.. naalala ko wala pa siya sa kanila kasi nasa bahay siya ng nililigawan niya wala rin pala yung pagpunta ko. Kaya sa huli naisipan ko na lang na manatili rito sa bahay at magcellphone.

Umakyat ako sa taas at doon ay kinuha ang laptop at nagbasa ng mga post ng tao.

April:Kapag mahal mo ipaglaban mo.

Hindi sa lahat ng pagkakataon lalaban ka kasi minsan ikaw na lang ng lumalaban samantalang yung pinaglalaban mo bumitaw na wala rin sense ang paglaban mo.

Anna: Relationship is a cycle.

Same introduction to different person. Parehong nag uumpisa sa ligaw at nagtatapos sa masakit na paalam.

Sunshine: Anong mas masakit mahal mo o mahal ka.

Both kasi one sided love lang rin pareho yung dalawa.

Paula: Hindi lahat ng darating sa atin may chance na mananatili. Yung iba dadaan lang sa buhay natin pero walang balak magstay.

It is because people come and go. Let's people go and people come.

Dahil sa puro naman mga kadramahan ang nababasa ko naisipan ko magpost.

Lynne: Stop posting rant. You have to solve your own problem or get some advice to have an idea. People come because of the choice we take and people go because of decision we made. So.. stop begging person to stay. You hurt yourself to much.

Pinost ko na 'to at nag out na rin. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil narinig ko na ang pagbusina sa kotse kaya naman bumaba na 'ko.

Dali dali ako bumaba at doon naabutan ko si papa at mama na nag uusap.

"Anak ba't gising ka pa? Kumain ka na ba?" Tanong ni mama.

Pasado alas onse na ngayon.

"Opo, gusto ko po sana kayo kausapin ni papa." Sabi ko sa kaniya.

"Tungkol ba saan?" Seryosong tanong ni papa.

"Basta po. Mamaya na po after niyo kumain. Dito po muna ako sa sala hihintayin kayo." Sabi ko pa

"Sige anak." Sabi ni mama.

Lumapit 'to sa akin at hinalikan ako sa pisnge si papa naman ay sa noo. Sabay sila nag lakad paakyat kaya naman umupo na muna ako rito sa may sala habang hinihintay sila matapos.

-

Nandito kami nila mommy at daddy sa may sala.

"Ano ba anak ang pag uusapan natin parang masyadong seryoso." Sabi ni mama.

Seryoso po talaga.

"Hmm. Gusto ko lang po malaman paano po magtatagal ang isang relasyon?" Tanong ko.

Nakita ko na humarap sa akin si papa.

"Depende naman sa inyo. If gusto niyo na kayo talaga sa huli gagawa kayo ng paraan na mas maging matatag kayong pareho. Kami kasi ng mama mo nanalangin kami, inisip namin si God sa mga panahon na kami at hindi pa kinasal kaya siguro 30 years na kami na walang hiwalayan na naganap." Sabi ni papa

𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗔𝗬✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon