Chapter Three- Make A Wish

87 1 2
                                    

Karylle's POV

The sun's rays pierced through my eyelids, waking me up. For the first time hindi mugto yung mata ko, and I feel so fresh. Pero kahit hindi ako umiyak, hindi ibig sabihin noon nakalimutan ko na lahat ng nangyari. If I could just sleep 'til I forget all the pain, I would.

Hindi na pala ako nakapagpalit, dahil anong oras na rin naman ako dumating. It was nice seeing Vhong last night. I had a chance to catch up, pero siya lang pala nakapag-catch up, hindi ako.

Lumabas ako ng kwarto ko para makapagluto na ng breakfast, at dahil Linggo ngayon,magge-general Cleaning ako. Pagtapak na pagtapak ko sa kitchen ko, di ako makapaniwala sa nakita ko. Ang linis, everything is in order, basta ang organized, ano pa lilinisin ko?

"Good Morning K!" Sabi ni Vhong na may hawak nung coffee para ilagay sa table.

" Ayy palaka! anong ginagawa mo dito?!"

"Kain na muna maya na ako magpaliwanag" and as soon as nalapag na niya yung coffee sa table nilapitan niya ako and pulled a chair out para makaupo ako.

Pagkaupo ko, bumalik siya sa may stove para sandukin yung soup. And I'm sure, creamy macaroni soup yun, amoy garlic eh. Vhong placed a bowl beside me then he used a ladle to fill my bowl.

"Thank You" I said giving him a smile.

" Ano nga ginagawa mo dito?" I added

" Ganito, hinatid kita kagabi dahil you were so drunk, I didn't know you have a high alcohol tolerance pala, nakailang bote ka ng San Mig Light."

" So asan yung kotse ko?"

" I drove you home using your car, pinauwi ko na lang sa driver ko yung kotse ko"

"ahh"

" Any more questions?" Vhong inquired with a bit tune of sarcasm.

"Nuhh" I rolled my eyes at him. aga aga, lakas mangasar.

"Btw K, aalis na rin ako pagkatapos natin kumain, I have an appointment to attend to, I hope you don't mind?"

" Oh sure, no problem." I smiled at him.

So natapos ang conversation namin at kumain na lang kami, di na ako nakipag chikahan pa dahil di ko naman hobby chumika sa hapag-kainan. Pagtapos na pagtapos namin kumain, nagprisinta akong maghugas, ngunit di siya pumayag, kaya't nagpaalam ako para maligo.

"Ui ako na maghuhugas"

"Wag na ako na"

"okay." pagdadabog ko.

"Maliligo na nga lang ako, anyways thank you ulit" Nag nod lang siya, so bumalik na ako sa room ko, at ginawa na ang ritwal.

-----

Third Person's POV

Pumasok si Karylle sa kanyang kwarto upang magayos ng kanyang sarili, amoy alak parin kasi ito at medyo pawisan dahil sa suot nito.

She went inside her bathroom to do her ritwals.

Sa kabilang dako naman, si Vhong ay niliigpit yung mga pinagkainan nila ni Karylle. Habang binibitbit yung plates, saucers at yung bowls ay nagring ang cellphone nito.

" hello?...uhh, opo......hindi ko po alam eh......ah sana po talaga gumana......opo binigay ko na po yung kandila.....sige po" Pagkababa na pagkababa niya nung phone call, itinuloy na niya ang paghuhugas.

//

After ilang minuto, natapos rin si Vhong sa mga hugasin. He took a sticky note mula sa bag niya para sulatan ng message, idinikit niya ito sa isang box ng red velvet cupcakes at iniwan ito sa center table ng living room ni Karylle. At tuluyan ng umalis.

Di rin nagtagal lumabas na ng kwarto si Karylle. Natanaw naman niya ang isang box na nakapatong sa center table ng living room niya. Nilapitan  niya ito,  at bumungad ang sticky note.

" Hi Karylle. :) Sorry I had to leave this early. Thank You for letting me stay. haha. Sa susunod, magbobond na talaga tayo.

PS. Red velvet nga pala. sorry ah. di perfect pero ginawa ko yan para sayo. :)"

Agad naman siyang napangiti sa pagkasweet ng bestfriend niya dahil nageffort itong magbake ng cupcake dahil alam niyang, di naman niya hilig ito. Wala paring nagbabago, Maalagain at sweet parin ito sa kanya.

Binuksan niya yung TV, naghanap ng magandang channel. She sitted comfortably sa couch niya with her right leg up, at kinuha yung box ng cupcakes at simulang kainin ito.

"Bakit biglang pinagpalit

Pagsasamaha'y tila nawaglit

Ang dating walang hanggan

Nagkaroon ng katapusan"

Napatigil naman siya ng marinig ang mga  iyon. Again, tears start to fall from her eyes. Nakatulala nanaman siya and everything starts to flash back. Pinatay naman naniya yung TV to avoid further stab in her heart. Pero wala eh. Ganoon parin. Walang nagbago sa nararamdaman niya. Yung sakit yung poot na nanatili pagkatapos ng araw na iyon.

Di niya nakayanan pumasok siya sa kwarto niya at doon itinuloy ang pagiyak.

"Akala ko ba okay ka na Ana Karylle? Eh ba't ka umiiyak jan?" sabi nito sa sarili.

Ilang minuto rin itong umiiyak, napagod rin ito kayat siya'y palinga-linga na lang sa bawat sulok ng kwarto niya upang aliwin ang  sarili. At duon sa bench sa gilid samay window niya nakita niya yung bag niya. Napabalingkwas ito ng biglang maalala ang ibinigay ni Vhong sakanya kagabi. Dali dali niyang kinalkal ang bag niya, at aha! Natagpuan niya ang bagay na iyon, yung kandila.

"Totoo kaya ito? baka naman pinagtitripan lang ako neto. Malakas mantrip yun eh.. pero wala naman sigurong mawawala diba?"

Bagama't nagdadalawang isip siya kung gagamitin niya ito, nananaig parin sa isipan niyang "Wala namang mawawala pag sinubukan ko ito diba?"

So, she got a lighter from her beside table, at sinindihan ito. She closed her eyes, and after a few seconds, she blew the flame off and rested her back on her bed.

****************

Shalalalala. ;D

another UD. Sorry for keeping you waiting. I had a mountain of requirements to do  plus exams so my sched was hectic that's why I'm having a hard time adding an upadate. :) Btw, Thank you guys  :D hart hart 

vote and share ;)

Love on the other Dimension - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon