Goodbye Mother...
Serephina's Pov.
Nagising akong habol ang aking hininga at pawisan rin ang aking noo.
Napanaginipan ko nanaman,ang araw na yon kung kailan tuluyan na kong iniwan ni ina,ang araw na nilusob ang aming empreyo ng kalabang kaharian,ang Mudelior.Kahit sampung taon na ang nakalilipas hanggang ngayon sariwa parin sakin ang lahat.Ang araw na yon ang unang beses kong makasaksi ng pagpaslang.
•FLASHBACK~
Sa kalagitnaan ng pagtulog ng batang si Serephina ay bigla siyang nakarinig ng mga sigawan sa labas ng kanyang silid kaya agad itong napabangon at nagsimula nang matakot,bawat sigawan na kanyang naririnig ay sya ring pagpatak ng kanyang mga luha.
Nais man niyang lumabas para hanapin ang kanyang ina at mga kapatid ay hindi nya magawa dahil wala siyang lakas ng loob.
Takot at pangamba ang namamayani sa buong sistema ng prinsesa habang patuloy na lumuluha ang kanyang gintong mata.Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang panganay na kapatid na si Zen. Agad sya nitong dinaluhan at niyakap,habang inaalo sya ng kanyang kuya ay nakita nya ang hawak nitong espada na puro dugo kaya dahil sa pagkasindak ng batang si Serephina ay agad itong bumitaw at nagsimula nanamang matakot.
"K-kuya Zen,b-bakit may d-dugo ang iyong e-espada?"tanong nito kay Zen habang patuloy na dumadaloy ang mainit nitong luha sa kanyang namumulang pisngi.
"Serephina huwag kang matakot dahil poprotektahan kita ano mang mangyari.Makinig kang mabuti kapatid kailangan na nating umalis ngayon din at dadalhin kita sa ligtas na lugar dahil nanganganib ka dito."sabi nito kay Serephina habang inaalalayan ang kapatid na makababa sa kama.
"Halika na, bilis habang hinaharang pa sila ng ating mga kawal."sabi ni Zen habang tinatahak nila ang mahabang pasilyo ng palasyo.
Nang malapit na sila sa tarangkahan kung saan sa loob non ay ang nakatagong lagusan ay biglang may humarang sakanilang sampung nakaitim na mga lalaki,alam ni Serephina na mga kalaban ito dahil sa mga itsura nito na ngayon nya pa lang nakita.
Ang mga mata nila ay puro itim na lang ang makikita maging ang kanilang mga labi ay nangingitim din habang ang mga balat nila ay napaka-putla.
"Siya na pala ang bunsong prinsesa.Tama nga ang sabi nila,walang katulad ang kagandahan ng iyong mga mata."sabi ng isa sakanila habang nakangising nakatingin sa batang prinsesa.
Agad tinago ni Zen ang nakababatang kapatid sakanyang likod at masamang tinitigan ang mga kalaban
"Fuck off assholes,or else you'll die" sabi ni Zen at itinutok ang kanyang espada sa mga ito.
"Kung kaya mo"sabi ng nagsalitang lalaki kanina at nagsimula na ang mga itong sumugod.
Sa isang iglap ay nailayo na ni Zen si Serephina at sumugod na din sa mga kalaban.Nabalot ang buong sistema ni Serephina ng takot habang nakikita niyang lumalaban ang kanyang kuya para lamang mailigtas sya.
Bawat pagtama ng kanilang mga espada sa isa't isa ay nagbibigay ng matinding ingay,lima na ang napapatay ni Zen sa mga ito ng biglang sabay sabay sumugod ang apat na lalaki kay Zen habang ang isa naman ay pumunta sa kinatatayuan ng nangangatog na prinsesa.
Mabilis ang mga kilos nito at hindi nya namalayan na nasa harap nya na ito.Itinaas na nito ang kanyang espada at handa na siyang patayin kaya napapikit na lang ang prinsesa sa takot.Naghintay sya ng sakit ngunit wala siyang naramdaman at nang imulat nya na ang kanyang gintong mata ay sumalubong sakanya ang nakangiting mukha ng kanyang Inang Reyna.
Bakas sa mukha nito ang matinding sakit habang nakayakap sa bunsong anak.
Sunod sunod ang pagtulo ng luha ni Serephina habang nakatingin sa espadang nakatarak sa puso ng kanyang pinakamamahal na ina."Noooo!Mother!...Fuck isa kang hangal,papatayin ko kayang lahat!" malakas na sigaw ng prinsepe kasabay ng pagsaksak nito sa huling natitirang kalaban.
"I-ina...h-huwag nyo po a-akong i-iwan"sabi ng prinsesa sa Ina habang yakap ito ng mahigpit.
Nakarinig sila ng mga yabag at nakita niyang humahangos papunta sakanila ang isa pa niyang kapatid na si prinsesa Luna kasama ang mga kawal.
Natigilan ito sa pagtakbo ng makita ang sinapit ng kanilang butihing Inang Reyna.Ang babaeng nag-aruga at nagmahal sakanila ng buong puso ay ngayoy nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo."Ina... i-ina...Zen anong nangyari!!?"malakas na sigaw nito kay Zen habang dinadaluhan nito ang kanyang naghihingalong ina.
"Ano pang tinatayo nyo dyan!?Call the priestess now!! "sigaw ni Zen sa mga kawal habang walang tigil na rin ang pagtulo ng mga luha nito.
"M-mga anak...m-mangako k-kayo sakin.H-huwag niyong p-pababayaan si S-serephina...,i-ipagtanggol nyo siya maging ang ating k-kaharian "nahihirapang sabi ng Kamilah ina habang nakangiting nakitingin sa kanyang mga anak
"I-ina lumaban po kayo... parating na ang mga babaylan..
huwag nyo po kaming iiwan"nagmamakaawang sabi ni Luna sakanyang ina habang patuloy ang paglandas ng mainit na luha sakanilang mga mukha."M-mahal na m-mahal kayo ni I-inang Reyna.."sambit nito,ang huling salitang narinig nila mula sakanilang reyna..
ITUTULOY...

BINABASA MO ANG
Golden Eyes
FantasiMagulo,Patayan,Maingay,Walang Katapusang Labanan yan ang nakakabit sa pagkatao ni Serephina Belle Smith. Isang Pinagkaitang Prinsesa na ikinulong sa napakataas na tore....ngunit paano kung may isang nilalang ang makikilala nya,matutulungan nya kaya...