Someone's Pov.
I ran fastly as I can, dahil kung hindi ay mahuhuli ako ng mga kawal ng Akresha. Nasa may kakahuyan na ako ng may makita akong kweba na tinutubuan ng maraming baging,pwede na siguro na dito ako magtago dahil hindi naman kapansin pansin ang bahaging ito na maraming halaman.
"Lintek asan na yun?!" sigaw ng isang kawal.
"Anak ng, maghiwalay tayo baka tayo pa ang malintikan kay Kapitan dahil hindi natin nahuli ang Prinsipeng yon!" sigaw ng mukang nakakataas na gwardiya.
"Tsk,such an idiots" bulong ko.
Nang masigurado kong nakalayo na sila ay tumayo nako.Aalis na sana ko ng may makita kong ipit na palamuti sa buhok.Teka mga maharlika lang ang nakakabili ng ganitong klaseng pang-ipit.
Kanino kaya ito?Dito na muna siguro ko magpapalipas ng gabi dahil siguradong hinahanap pa ko ng mga bobong kawal na yun.
Nagdire-diretso ako say loob ng kweba, medyo di ako pamilyar dito dahil sa tinagal ko dito sa lugar na ito ay ngayon lang ako napadpad sa lugar na toh.
Habang patuloy ako sa paglalakad ay nagulat ako ng makita ang kabuuan ng lugar.
May parang lawa sa loob,marami ring puno at halaman at higit sa lahat ay may napaka laking tore.Kung sinuswerte ka nga naman,mukang may tutulugan ako ngayong gabi.
Hindi nako nag-aksaya ng oras at pumunta na don at dahil magaling naman ako sa pag-akyat ay naging madali lang ang lahat pero fuck bat naka lock ang bintana nito?!"I need to destroy this fucking window cause I'm fucking sleepy and tired".
-------------------------*---------------*----------
Serephina Pov.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng makarinig ako ng kalabog kaya agad akong napabalikwas ng upo.
Sino yon?Ang pagkaka alala ko ay ini-lock ko ang bintana ko.
Tumayo ako at dahan dahang kinuha ang malapit na vase sakin.Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at sumilip....
"La-lalaki?" bulong ko sa sarili ko .
Nakatalikod siya sakin at nakasuot ng purong itim.
Kahit kinakabahan ako ay inihanda ko ang sarili ko para sa gagawing pag-atake.Hindi pako pwedeng mamatay ngayon,lalabas muna ko ng toreng ito bago mangyari yon.
Gamit ang buong pwersa ko ay inihampas ko ang vase sa ulo niya.
"Aghh"sigaw niya bago napahiga at nawalan ng malay.
Iniharap ko siya sakin at nasapo ko ang labi ko dahil sa itsura ng estrangherong ito.
Napaka-gwapo niya,ngayon lang ako nakakita ng lalaki na gwapo bukod sa aking kuya Zen at kay Amang Hari.Ngunit kahit gaano pa siya ka-gwapo at kakisig Kung balak niya naman akong saktan ay di bale na Lang.
Hinila ko ang katawan niya at itinali ko siya sa malapit na upuan.Siguro bukas pa siya magigising kaya bukas kona siya kakausapin.
------*----------*--------*-------*---------*-----
Sorry guys Kung ngayon lang ako naka update medyo busy Kasi sa school eh.
Hope you like this chapter.
Two chapters per week for this story guys
Thanks for waiting. Kindly vote and comment guys.thank you
BINABASA MO ANG
Golden Eyes
FantasyMagulo,Patayan,Maingay,Walang Katapusang Labanan yan ang nakakabit sa pagkatao ni Serephina Belle Smith. Isang Pinagkaitang Prinsesa na ikinulong sa napakataas na tore....ngunit paano kung may isang nilalang ang makikilala nya,matutulungan nya kaya...