Chapter 7

25 4 0
                                    

Serephina Pov.

Nagluluto si Ate Luna sa kusina habang ako naman ay inaayos ang hapag. Masyado akong nataranta ng dumating siya, hindi nya dapat makita ang may saltik na lalaking yon dahil alam kong siya lang ang makakatulong sakin na makalabas dito,kailangan ko pa siya.

Nang matapos si ate sakanyang niluto ay naghain na agad ako para makapag tanghalian na kami, kailangan nya nang makaalis agad para makakain naman ang lalaking yon hindi pa pala siya nag-aagahan kawawa naman tss..

"Serephina anong gusto mong matanggap na regalo?" biglang tanong ni ate Luna sakin kaya napatigil ako sa pagkain.

"Huh?..anong meron ate?" medyo nalilito kong tanong sakanya.

"Wag mong sabihing nakalimutan mo na sa susunod na tatlong buwan ay kaarawan mona." sabi nya sakin.

Malapit na nga pala akong tumuntong sa tamang edad, ibig sabihin rin ba non maaari nakong lumabas..

"Ate Luna isa lang naman ang gusto kong regalo ayon ang makalabas na sa toreng ito at makabalik sa palasyo." sabi niya sakin. Matagal kaming nagtitigan bago niya ko sagutin ulit.

"Ahh..kasi wala pang sinasabe ang amang hari tungkol sa bagay na yan kapatid, ngunit sa tingin ko ay makakabuting dito kana lang muna. Maraming pagsasanay pa ang kailangan mong gawin para ma-protektahan mo ang sarili mo."

"Pero ate Sabi mo sakin makakalabas nako dito pag nasa wastong gulang nako, sinabi mong lalabas na ang kapangyarihang nagtatago sa katawan ko sakaling mag labing walong taong gulang nako. Gustong gusto kona kayong makasama nila kuya Zen, ni amang Hari..gusto ko nang makaalis dito ate." mahabang litanya ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi kona napigilang maiyak dahil sa pagkasabik na makakasama ko sila.

Tatlong buwan nalang makakalabas nako. Tatlong buwan nalang ang kailangan kong tiisin para makaalis sa lugar natoh at makabalik kung saan ang totoong tahanan ko.

Nabalik ang tingin ko kay ate Luna ng pahirin nya ang luha ko.

"Serephina makinig ka, wala pang desisyon si ama at lagi mong tatandaan na kabutihan mo lamang ang iniisip namin kaya wag ka nang umiyak kapatid, kumain kana dahil lumalamig na ang pagkain mo" sabi niya sakin habang nakangiti.

Matapos naming mag tanghalian at maglinis ay inihatid kona si ate Luna.

"Bibisita ulit ako rito pagtapos ng isang  linggo, mag-iingat ka Seperhina wag mong kakalimutan ang mga bilin ko at ang sinabe ko sayo na kapakanan mo lamang ang iniisip namin, sana ay wala ng bumabagabag sayo kapatid. Dadalhan ulit kita sa susunod ng mga bagong palamuti pagbalik ko"

Mabigat parin ang kalooban ko hanggang sa umalis si ate. Hindi ko alam kung bakit ngunit pakiramdam ko hindi nila ko pagbibigyan kahit tumuntong ako sa wastong edad.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa mga sinabe ni ate Luna kanina pero malakas ang kutob ko na may nangyayaring iba sa palasyo kaya ayaw pa nila kong pabalikin.

Nang makaalis na si ate Luna ay naalala ko si Cristan. Hindi pa pala kumakain ang isang yon. Kaya dali dali akong pumasok sa aking silid at natagpuan ko siyang nagbabasa ng diary ko.

" Bakit mo pina-pakielaman ang gamit na hindi sayo" sabi ko sakanya at agad na kinuha ang diary sakanyang kamay.

" So gusto mo palang makalabas sa lugar natoh Serina " sabi niya sakin habang nakangisi.

" Napaka pakielamero mo Cristan " sabi ko habang matalas na nakatingin sakanya.

" I can help you " sabi niya na agad nakapukaw ng atensyon ko.

' but in one condition ' pagpapatuloy niya.

" Ano namang kondisyon? " tanong ko.

"Sigurado kabang gagawin mo ang lahat para lang makaalis sa lugar na toh binibini?" tanong niya ulit. Napapitlag ako ng tumayo siya sa kama at unti unting lumapit sakin.

" I have my ways to help you escape in this fucking place, di kita masisisi cause this place is quite boring. I can't imagine you settle down here for almost ten years" sabi niya habang lumalapit parin sa direksyon ko.

" Gagawin ko ang lahat para makaalis na sa lugar na ito. Sabihin mo Cristan anong kundisyon ang gusto mo? " tanong ko naman habang matiim na nakikipag titigan sakanya.

" I will help you....
     papalapit na siya sakin habang ako naman ay umuurong..

" escape..
        ang lapit niya.

" in one condition.
   wala nakong maaatrasan.

"A-ano yon?" sabi ko habang iniiwasan ang mga titig niya.

Tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko para hindi ako makawala. Sobrang lapit niya masyado sakin konting galaw nalang ay mahahalikan niya nako jusko...

" Be my fake girlfriend darling "
sabi niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

A-ano daw??!!

------------------------------------------------------
𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒊𝒏𝒖𝒆𝒅...

Golden EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon