Chapter 8

23 4 0
                                    

Serephina's Pov.

Natulala ako sa mga sinabe ni Cristan sakin kanina. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwa sa kundisyon na gusto niyang gawin ko.

Magpapanggap lang naman akong kasintahan niya...pero pano kung kailangan naming maghawak ng kamay, pano kung kailangan niya kong yakapin at...p-paano kung halikan niya ko?! jusko po baka hindi lang vase ang mabasag ko sa ulo niya aish!!

Nasa kwarto ako ngayon habang siya naman ay nasa kusina kumakain, sinabi niyang pag-isipan ko daw muna ang alok niya. Kailangan ko ng makabalik sa palasyo sa lalong madaling panahon dahil alam kong kailangan nila ko doon kahit hindi pa sabihin ni ate Luna.

Isa pa iniisip ko si Amang Hari may edad na siya para mamuno ng mag-isa sa kaharian wala na si Ina na pwede niyang maging katuwang.

Hindi namin siguro ako haharasin o gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan si Cristan kung sakaling maging PEKENG KASINTAHAN niya ko.

Natigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong nabasag kaya agad akong lumabas ng kwarto.

" What the f*ck your so f*cking gross! you f*cking frog, get out on the table!" sigaw ni Cristan habang pilit na hinahampas ng walis tambo yung palaka.

"Cristan! Ano bang ginagawa mo?" sigaw ko sakanya dahil mukhang hindi niya naramdaman ang presensya ko sa likod niya dahil nakatuon ang atensyon niya don sa palaka.

" Shit Serina paalisin mo yung palaka sa lamesa " Sabi niya naman sakin habang nakatago sa likod ko.

Agad kong hinuli ang palaka at inilagay sa isang lalagyanang garapon.

" Seryoso takot ka sa palaka?" tanong ko sakanya habang pinipigilang tumawa.

" H-hindi ako takot ahh! Nagulat lang ako nung bigla siyang tumalon sa lamesa habang nakain ako " sabi niya naman sakin habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

" Asus sa palaka ka lang pala titiklop pft " sabi ko naman habang nakangisi sakanya.

" I said I'm not scared on that fucking ugly frog " sabi niya sakin sa seryosong tono, pero hindi ako natinag at inasar pa siya lalo.

" Natakot ka sa palaka eh magkamukha lang naman kayong dalawa " sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

Halos hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Kung malulusaw lang ako sa tingin niya ngayon ay siguradong patay nako .

" What did you say! " sabi ni Cristan habang tiim bagang na nakatitig sakin.

" Kamuka mo yung palaka, ayon ang Sabi ko ginoo " sabi ko habang nakangising nakatingin sakanya.

" Ahh ganon pala ahh " sabi niya sakin at biglang ngumisi.

Unti-unti siyang lumapit sakin at grabe makatitig, kaya naman napaatras ako sa gulat. Mukang mali ata na inasar ko siya ahh.

" Anong gagawin mo, lumayo ka sakin wag kang lumapit ! " sabi ko habang di pinapahalatang kinakabahan nako.

Nagpatuloy lamang siya sa paglapit hanggang sa ma korner niya ko sa sulok, wala nakong maaatrasan shit.

Kinulong niya ko sa pagitan ng mga braso niya at tumitig nanaman sakin.

" L-lumayo ka nga s-sakin " sabi ko hindi kona napigilang mauta nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.

" Parang gusto kona atang mag-dessert " sabi niya sakin habang nakatitig parin sa mga labi ko.

" M-may mga p-prutas ako dyan, b-baka gusto mo " sabi ko ulit.

" Nah, I'm craving for something more. I think mas matamis yon " sabi niya sabay binasa ang labi niya gamit ng sariling dila. Kaya naman diko na napigilang mapalunok.

Unti-unti niyang nilapit any mukha niya sakin kaya naman halos magtama na ang ilong naming dalawa.

Sobrang lapit niya kaya napapikit na lang ako. Ayokong makita kung ano mang gagawin niya sakin, hindi pako handa jusko po..!!!

Nag antay ako ng ilang minuto pa at nanatiling nakapikit. Napadilat nalang ako ng biglang tumawa ng malakas si Cristan.

" What the hell Serina, do you think I will really kiss you? Shit sobrang pula ng mo mas mapula ka pa ata sa mansanas na ino-offer mo sakin " sabi niya sakin sabay tawa ulit ng malakas.

Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang tuhod niya.

" Pinagti-tripan mo lang pala ko!" Sabi ko habang masamang nakatingin sakanya.

Nasaktan siya sa pagsipa ko pero patuloy parin siya pagtawa nakakainis.

" Why? hindi ko ba nagawa yung expectations mo?...well pwede naman nating ulitin if you want " sabi niya sakin habang nakangisi kaya mas lalo pakong namula, hindi sa kilig kundi sa galit sa lalaking ito.

" Ewan ko sayo, muka ka talagang palaka bwiset! " Sabi ko habang padabog na umalis sa harapan niya.

" Oh common, don't tell me nagtatampo ka dahil hindi ko tinuloy ?. Kailangan na ba kitang suyuin niyan darling " sabi niya habang nakangisi parin.

Dapat ako ang nang-aasar sakanya pero mukang nabaliktad at aish!

" Mukha mo! " sigaw ko nama.

" Gwapo " sabi niya.

" Huh, ang kapal mo talaga " sabi ko ulit habang nakakunot ang noo.

Gwapo naman talaga siya kaso masama....teka! HINDI PANGET SIYA! ANO BA TONG INIISIP KO, PANGET SIYA!PANGET!

"Hey about my offer what's your decision? " nagulat ako ng tanungin niya nanaman ang bagay na iyon.

Siguro ito nalang ang paraan para makaalis ako sa lugar na ito. Kailangan ko lamang siyang pakisamahan kahit hilig niya kong pikunin.

Kailangan ko siya para makabalik ako sa palasyo. Ayoko ng sayangin ang pagkakataong ito kaya...

" Oo pumapayag nako, pumapayag nakong maging kasintahan mo Cristan " sabi ko sakanya habang nakangiti.

Kailangan kita para makabalik ako Cristan..

------------------------------------------------------

To be continued...

Hi guys super duper sorry sa late update sa Golden Eyes.

So ano kayang mangyayari sa fake relationship nila Serephina and Cristan? Magkaka- developan kaya sila or still enemies parin. Abangan...

By the way im planning to make another story guys. Na publish kona siya yung "PLUVIOPHILE"  you can check my list of works if you want to read it. But hindi kopa siya nasisimulan kasi balak ko munang tapusin itong Golden Eyes before yon.

So sana suportahan nyo rin po.
Keep voting and supporting my story guys. Iloveyouuu!♡︎

Golden EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon