Chapter 9

11 0 0
                                    

Cristan Pov.

" Wow, tingnan mo ang linis ng tubig dito sa ilog Cristan! " sigaw ni Serephina habang naghihilamos sa nadaanan naming ilog.

Pumayag na siyang magpanggap bilang pekeng kasintahan ko kaya bago pa man pumutok ang araw ay nag umpisa na kaming maglakbay papunta sa palasyo namin. Paniguradong hinahanap nako ni Ama dahil magta-tatlong araw nakong wala.

" Bilisan mo na dyan Serephina, malayo pa ang lalakbayin natin wag ka nang maglaro! " sigaw ko naman pabalik habang hindi parin siya tinitignan dahil abala ako sa pag-aayos ng gamit namin.

" Sandali lang toh ginoo! Halika dito uminom kana rin bilis, masarap din ang tubig dito at sobrang linis pa! " pangungulit niya ulit kaya wala na akong nagawa kundi tingnan kung ano ba ang ginagawa niya.

Bigla akong napahinto sa nakita ko. Damn...s-she's so b-beautiful!

Wait...what?? Siya maganda no way!

Bakit mo tinatanggi maganda naman talaga siya sa umpisa palang (Sabi ng boses sa utak ko)!

She's splashing the water on her face even on her long brown hair. She's freaking hot in that part shit!

Tumayo ako at nilapitan siya.
Umupo ako sa pampang at tinitigan ang ginagawa niya.

" Ano? Uminom kana bilis, bakit mo ba ko tinititigan huh! " sabi niya.

Uminom nako at tumayo rin agad.

" Ayan tapos na, let's go kailangan na nating bilisan darling. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. " Sabi ko naman bago siya tuluyang talikuran.

Sumunod naman agad siya sakin.
Inabutan ko rin siya ng telang pampunas sa mukha at buhok niya. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.

" Huwag kang humiwalay sakin Serephina, hindi natin alam kung anong meron sa kagabutan na ito. " paalala ko sakanya.

" Huh..bakit, masasama ba sila? " tanong naman niya.

" Hindi ko alam pero mas mabuting maging alerto tayo. " Sabi ko.

Baka makasagupa namin ang mga Winx sa aming paglalakbay.
Sila ang mga nilalang na nakatira sa mga liblib na kweba. Malalaki sila at kulay puti ang balat at buhok, mahahaba rin ang kuko at pangil. Ibig sabihin mapanganib sila.

" Magpahinga muna tayo dito. Bukas nalang tayo magpatuloy dahil madalim na. " sabi ko sakanya.

" Gagawa ako ng apoy, dito ka lang huh! Wag kang aalis maliwanag? "sabi ko ulit.

Nilingon ko siya dahil mukang wala siyang balak sumagot.
Nakita ko siyang nakaupo sa damuhan habang nakatitig sa kalangitan kaya nilapitan ko siya.

" Darling..." sabi ko para subukan sanang asarin ulit siya.

" Masaya ako ngayon, alam mo ba kung bakit? " bigla niyang sabi sabay tingin sakin.

" Why? " sabi ko.

" Kasi dahil sayo nakalabas nako sa toreng yon. Marami akong bagong naranasan at mararanasan pa. Kung hindi ka siguro napadpad sa toreng iyon siguro hanggang ngayon nandon parin ako....salamat Cristan " sabi niya pagkatapos ay nginitian ako ng sobrang tamis.

Umupo ako sa tabi niya, tanging ang buwan lamang ang nagsisilbing ilaw namin sa madilim na gabi. Tumingin ulit siya sa langit kaya tumingin din ako doon.

" Ang ganda nila noh, kumikinang at napakaliwanag nila " sabi pa niya ulit habang nakangiti. Tinitigan ko siya at ramdam kong sobrang saya niya nga ngayon. Gaano katagal na kaya siyang nakakulong sa tore na yon?

" Oo napakaganda.. " sabi ko naman habang nakatingin parin sakanya.

Lumingon siya sakin at ngumiti.

" Mula ngayon magkaibigan na tayo huh! " sabi niya.

Napatigil naman ako bigla.
Kaibigan.....?

" ayoko. " sabi ko naman sabay iwas ng tingin.

" Huh..b-bakit naman? Ayaw mo ba sakin Cristan? " tanong niya naman.

" Nope, I just don't like it. " mabilis kong tugon.

Napabuntong hininga naman siya.

" Bahala ka basta para sakin magkaibigan na tayo. " sabi niya sabay nguso.

cute..

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko.

" Aalis lang ako saglit, mangako kang hindi ka aalis dito naiintindihan mo! " sabi ko.

" Pangako, bilisan mo huh. Inaantok na rin ako eh " sabi niya naman pagkatapos ay tumayo narin.

" Sandali lang ako, kukuha lang ako ng mga kahoy para makagawa tayo ng apoy. " sabi ko pagkatapos ay nagsimula ng maglakad sa masukal na parte ng kagubatan. Nilingon ko pa siya ulit na nakasandal na ngayon sa may puno bago magpatuloy muli.

Serephina's Pov.

Ilang oras nakong nag-aantay kay Cristan pero wala parin siya, ang sabi niya kanina saglit lang siya eh. Inaantok nako...

Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan. Pinakiramdaman ko ang paligid at bakit parang maraming nakamasid sakin?

Tumayo ako at kinuha ang kawaling dinala ko pa galing sa tore.

" S-sino yan?! Lumabas ka, hindi ako natatakot sayo! " matapang na sigaw ko kahit ang totoo ay nagsisimula nakong kabahan.

Nakarinig muli ako ng mga kaluskos maging sa likod kaya napalingon ako agad dito.

" Sino sabi yan?! " sigaw ko ulit.

Lilingon na sana ako sa aking harapan ng biglang may malakas na humampas sa ulo ko. Napahiga ako at unti-unting nandidilim ang aking paningin.

Malalaki ang katawan at kulay puti sila....yun ang napansin ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Cristan's Pov.

Napatagal ako sa pagkuha dahil naghanap pa ako ng bukal na pwedeng pagkuhanan ng tubig. Naubos na kasi ang dala namin at kailangan pa namin ito bukas.
Paniguradong tulog na si Serephina ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maaninag ko na ang puno at mga gamit namin pero... Wala don si Serephina.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad at wala akong naabutang Serephina doon.

" Serephina nasaan ka?! " sigaw ko.

Walang sumagot kaya lumakad ako sa madilim na parte at napatigil ako ng may maapakang kawali, mas lalo tuloy akong kinabahan. Alam kong hindi aalis si Serephina dahil nagbilin ako, ibig sabihin lang non ay...dinukot siya!

May naaninag ako ng mga bakas ng malalaking paa.

" Fuck those Winx, they mess up with my fucking girl. " tiim bagang na sabi ko.

To be continued...




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Golden EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon