Chapter 5

32 3 0
                                    

Bakit antagal naman niyang magising? Ganon ba kalakas ang pagpalo ko parang hindi naman.

Kanina kopa inaantay na magising ang lalaking toh na walang paalam na pumasok sa bahay ko ngunit hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Nakaupo ako sa isang silya habang nakapanga lumbabang nakatitig sakanya.

Kung tutuusin muka siyang anghel pag tulog, hindi rin naman siya mukang masamang tao ngunit pano kaya niya nalaman ang lugar kung nasaan ako. Alam niya kaya ang daan palabas? Kung ganon matutulungan niya Kong makaalis dito.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang gumalaw ang binata.
Kaya naman tumayo ako bigla at kinuha ang sandok na metal sa kusina, mabuti ng may sandata ako baka bigla niya kong saktan dahil tinali ko siya.

" Sino ka? Bakit ka pumasok ng walang pahintulot sa tirahan ko?
Sinira mo pa ang bintana ko ginoo!" sabi ko sakanya habang mariing hinahawakan ang sandok.

"Arghh..my head fuck!" ungol nya habang sapo sapo ang ulong hinampas ko ng vase kagabi.
Mukang napalakas nga ang pagpalo ko,kawawa naman siya.

Nang sandaling maimulat nya ang kanyang mata at magtama ang aming paningin ay parang natigilan siya. Nakatitig lamang siya saakin, may dumi bako sa mukha?

"G-ginoo,..inuulit ko sino ka?" sabi ko ulit.

"Don't you know who I am?. Why the fuck i am tie in this fucking rope! Tanggalin mo toh habang nakakapag-pigil ako" seryoso niyang sabi habang nakatingin saking mga mata.
Ngunit hindi ako natinag at tumitig din ng masama sakanya.

"Aba! Ako pa talaga ang minura mo. Oo,hindi kita kilala kaya nga tinatanong kita diba at hindi kita pakakawalan dyan hangga't dimo sinasabi sakin kung anong pakay mo dito" mahabang tugon ko.

"Fine, im lost in this forrest and I saw this place that's why I decided to spend my night here but unfortunately you heat me with that fucking vase and I fell asleep, INTO A DEEP SLEEP" walang emosyong sabi nya. Hindi pala siya masamang tao kaya agad kong ibinaba ang hawak kong sandok.

"Kung ganon naliligaw ka pala, naku pasensya na ginoo kung nasaktan kita. Ito kasi ang unang beses na may pumasok na ibang tao sa tirahan ko kaya natakot ako." mahabang sabi ko.Habang naaawang nakatingin sa sugat nya sa noo na may natuyong dugo.

" Just untie this rope lady" sabi nya naman.

Kaya agad kong tinanggal ang pagkakatali ng lubid sa katawan niya. Nang makawala siya ay nag unat-unat pa ito , tila nangalay siya sa pwesto niya kagabi.
Nagulat ako ng mahuli niya kong nakatitig sa kanya kaya dali dali akong naglihis ng tingin.

" Your pretty, mukha ka ring mahinhin hindi mo talaga maiisip na kayang mang hampas ng vase ang isang babaeng katulad mo. Incredible." sabi nya sakin habang may maliit na ngiti sa labi.

"Paumanhin sa inasal ko ginoo,sadyang natakot lang ako sayo kagabi. Hayaan mo gagamutin kona lang ang sugat mo." sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sakanyang mata dahil sa kahihiyan.

"Ooh, that will be good. Iba pa naman ako maningil ng utang lalo na kapag mukha ko ang nasaktan" sabi niya sakin.

"Halika nasa aking silid ang mga gamot, sumunod ka sakin"

" This place is quite huge, dimo mapapansin kapag nasa labas ka,.cool." sabi niya habang nililibot ng tingin ang aking tirahan.

Nang makapasok kami sa aking silid agad kong hinanap ang mga panggamot na iniwan sakin ni ate Luna para kung sakaling masugatan ako o magkasakit habang wala siya. Paglingon ko sa binata ay prente itong nakahiga sa kama ko. Nakapikit ang mga mata nito kaya agad nakong lumapit bago pa ito makatulog, feel at home huh tss.

"Maupo ka, gagamutin kona ang sugat mo" alam kong narinig nya ko ngunit hindi parin siya tumayo.

"Ginoo, gagamutin na kita kaya maupo kana" wala parin.
Kaya lumapit nako at sinilip ang kanyang mukha. Nakapikit ito, nakatulog agad siya?

Ang tangos ng kanyang ilong, mahabang pilik mata at.....at mapupulang labi. Jusko po mapapagapitan ako ni ate Luna sa inaasal ko ngayon, wala naman ito sa mga itinuro nya.
Lalayo ko na sana ang mukha ko ng biglang hilahin ng lalaking ito ang batok ko at nagmulat ng mata. Nagka-titigan kami ng ilang minuto, ilang dangkal na lang at maglalapat na ang aming mga labi kaya naman napakalakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa kaba.

" I like your eyes, your eyes are different but gorgeous" sabi niya habang nakatitig saking mga mata. Tila natutop ako dahil sa posisyon namin kaya hindi agad ako nakapag salita.

" I forgot to introduce my name." sabi niya ulit sakin.

" I'm Cristan, ikaw anong pangalan mo binibini?"

To be continued.

------------------------------------------------------

So hi guys, after several months nakapag update ulit ako. Honestly diko na talaga dapat itutuloy itong story ko but since may nagno notif sakin na mag update daw ako ulit and meron pa lang akong mga readers na nagbabasa parin.

Eh nag update ako since ECQ naman, boring sa bahay kaya sinipag ako😂

Btw thank you to those readers na nagco comment at nagsasabing ituloy kopa, you cheer me up guys kaya siguro makakapag update na ulit ako.
Keep safe everyone 💗

Golden EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon