Sampung taon na ang nakalilipas simula ng iwan kami ni ina at sampung taon ko na rin sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay niya,kung sana hindi ako naging mahina noong mga panahon nayon,edi sana buhay parin Ang aking ina.Matapos ang pangyayaring yon napagdisisyunan ni amang Hari at maging ng aking mga kapatid na itago ako upang hindi na magbadya ang panganib sa aking buhay.Dahil alam ni Ama na mainit parin ang mga mata sakin ng mga kalaban.Hangga't alam nilang buhay pako hindi sila titigil hanggat hindi nila ko nakukuha,...at dahil isa pa lang akong musmos noong mga panahon nayon wala silang pagpipilian kundi ang itago ako...
Dito sa isang tagong gubat kung saan nakatayo ang malaking tore na kaugnay ng aming palasyo.Nasa pusod ito ng gubat kung kayat walang sinuman ang nakakaalam nito maliban sa mga royalties at matataas ang katungkulan sa palasyo.Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may tunog ng plawta akong narinig sa ibaba ng tore.Agad akong tumayo at sumilip sa malaking bintana at nang makita ko ang aking kapatid,agad kong hinila pababa ang mahabang hagdan na gawa sa matibay na ugat ng mga puno,sa bawat gilid ng hagdan ay may mga mumunting bulaklak ang tumutubo,dahil sa totoo lang buhay parin ang mga ugat na ito kahit pa hindi nakatanim sa lupa.
Agad ko itong hinagis pababa upang makaakyat ang aking kapatid na may bitbit na mga gamit at pagkain.Ganito palagi ang nangyayari sa umaga, dadating ang aking ate upang bigyan ako ng aking mga pangangailangan,makikipag-kwentuhan kung ano ang ginawa ko maghapon pagkatapos niyang maghatid nung nakaraang araw,tinuturuan nya din ako kung paano kumilos ng Tama ang isang prinsesa.Sa makatuwid siya ang nagsisilbi kong guro.Tinuturuan nya kong magtahi,magpinta,gumawa ng pabango at kandila,maging ang tamang pustura at pagtayo,kung paano magluto,maglagay ng kolorete sa mukha,ewan koba kung bakit kailangan payon eh hindi rin naman ako aalis sa toreng ito,pero ang palagi niyang sinasabi ay....
"Hindi ka nga aalis ng toreng ito ngunit kailangan mo itong matutunan dahil isa kang prinsesa.Alam ko namang maganda kana ngunit kailangan mo pa rin ito dahil nagdadalaga kana"biro pa nito.
Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at hayaan na lang siya sa gusto nya.Makalipas ang ilang minuto ay natapos nadin siya.
"Oh.hayan,tapos na,talagang napakaganda ng aking bunsong kapatid,tiyak akong pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan sa labas at loob ng kaharian"sambit niya at nakangiti akong pinagmamasdan.
"Ate Luna kailan ba ako makakapasok muli ng kaharian?"tanong ko habang nakayuko,natatakot kasi ako sa isasagot niya.
"Serephina alam mo kung gaano kapanganib kung sakaling lalabas ka,maaari ka nilang saktan"
"Ngunit andyan naman si kuya Zen,maaari niya akong turuan kung paano makipaglaban,para maprotektahan ko na ang sarili ko!"giit ko naman.
"Serephina sa tingin mo mahihina lang ang makakalaban mo sa labas?Hindi dahil malalakas sila,ayaw naming masaktan ka"sabi naman nito.
"Ngunit ang sabi mo ako ang babaeng nakatakda,ang babaeng pinakamalakas sa lahat."
Minsan niya nang naikwento ang bagay na iyon ng bumisita rin siya.
Napabuntong hininga na lamang si Luna,alam niyang matigas ang ulo ng kapatid niyang ito kaya mahihirapan siyang paliwanagan ito.Umupo ito sa tabi ni Serephina at hinawakan ang isang kamay nito."Makinig ka Serephina,..oo totoo ang sinabi ko sayo noon ikaw ang nagtataglay ng kapangyarihang iyon, ngunit lalabas lamang iyon pagdating ng iyong hustong gulang dahil hindi kakayanin ng katawan mo kung lalabas iyon.Sa ngayon ang unang palatandaan pa lang na ikaw nga talaga ang nagtataglay ng kapangyarihang iyon ay dahil sa iyong mga gintong mata.Kaya pakiusap kapatid ko,makinig ka samin...alam namin ang makabubuti sayo lalong lalo na si Ama,kaya mabuti pa magpahinga kana bukas na lang kita tuturuan ng paggamit ng mga instrumento pagpunta ko ulit dito."sabi nito at hinalikan nako sa aking noo bago lumabas ng aking silid.Humiga na ko sa aking kama at pinagmasdan ang aking kisame kung saan may mga pininta akong iba't ibang klase ng bulaklak.
Kung ganon kapag sumapit na ang aking ika-labingwalong kaarawan ay lalabas na rin ang aking kapangyarihan.At.....
TULUYAN NA AKONG MAKAKALABAS SA TORENG ITO.

BINABASA MO ANG
Golden Eyes
FantasiaMagulo,Patayan,Maingay,Walang Katapusang Labanan yan ang nakakabit sa pagkatao ni Serephina Belle Smith. Isang Pinagkaitang Prinsesa na ikinulong sa napakataas na tore....ngunit paano kung may isang nilalang ang makikilala nya,matutulungan nya kaya...