Akihiro Karasa logged in.
Akihiro's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa kung anong dahilan!
Hanggang ngayon ay nagkakagulo ang lahat ng players sa loob ng boss room dahil sa pagsabog na nangyari kanina. May mga namatay, pero kailangan naming ipagpatuloy ito. Ngunit mukhang hindi ko kakayanin.
Baguhin niya man ang kulay ng buhok niya, o kulay ng mata niya, hinding-hindi ko makakalimutan ang taong sumira ng buhay ko. Nakasama ko na siya sa isang game. At hindi ako nagkakamali, siya nga 'yan.
"Yatamuriii!!!!!" sigaw ko rito para mabaling ang atensiyon niya sa akin. Tumigil siya sa pagatake kay Yumi at tumalon papunta sa akin. Hinanda ko ang shield ko at sinalag ang atake niya.
"Hmmmm, may mga matino rin akong nakita, gotta fetch you later." aniya at agad nawala sa paningin ko. Hindi niya ba ako naaalala?
Dali-dali kong pinuntahan si Yumi na nakaupo sa isang gilid. Agad ko siyang tinulungang tumayo at nakita ang ilang galos sa mga braso niya.
"Are you okay? Kaya mo bang maglakad?!" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.
"Y-yung y-yung b-boss.." nauutal niyang sambit.
"Anong meron sa boss? Okay ka lang ba talag-"
Bigla kaming tumalsik sa pader dahil sa lakas ng pagsabog na nangyari sa may gilid namin! Agad kaming tumayo at nagkalat ang mga pixels sa paligid!
No... No!!! Sina Seiko!!!!!!! Doon sila nakapwesto!!
Mas lalong nahirapang tumayo si Yumi kaya agad ko siyang pinaupo sa pader. Damn you, Yatamuri.
Punong-puno ng usok at alikabok ang paligid, how come he can make explosions? Blader lang siya katulad ni Yumi!
Nawala ang usok sa ibabang bahagi at wala na akong mga taong nakita. No. No!!!
After all of this? Mauuwi lang ang lahat sa wala? Ni isang tao, wala akong makita ni isang nakatayo!
Hindi ko alam kung kakayanin ba namin ni Yumi na kaming dalawa lang ang lalaban sa halimaw na 'yan.
"Aki, we're done." napatigil ako sa pagiisip at naramdaman kong tumutulo ang luha ko. Yumi gaved-up already.
She just smiled at me, a smile that shows no worries. Full of happiness, as her tears continued to fall.
Isang pagsabog muli ang nangyari sa may di kalayuan. Napapikit na lang ako at niyakap si Yumi. For this moment, let me cherish this. If you won't fight, bakit pa ako lalaban?
"Aki!!! Yumi!!"
Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Minato sa itaas!
Tumingin ako sa itaas at nakita ang ginintuang protection skill at mga nakalutang na tao.
Levitation spell and protection skill.
Tumingin ako kay Yumi at punong-puno ito ng kasiyahan. No. Hindi dapat kami sumuko. Lalaban kami, hanggang sa huli.
Agad silang bumaba, mas kaunti na ang bilang namin ngayon. Isang sanctuary skill ang nagappear sa sahig at nakita ko si Kaori na nakangiti at si Seiko na nakapeace sign.
Hindi ko maiwasan ang luha ko na patuloy na pumapatak. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan 'yon. Lumalaban sila, they're doing their best. We should too.
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid, tumingin kami sa gitna ng boss room at nakatayo doon si Minato at Yatamuri!
"Rei-chan-sama! Ako 'to! Si Minato!!" sigaw niya kay Yatamuri. Hindi siya nito pinansin at patuloy lang na umatake.
BINABASA MO ANG
Death Game: Techno-Life (Completed)
Bilim KurguIn The Year 2068, the biggest company in the world named PYTRO, invented the first virtual reality game ever called, "Techno-Life", where you can live happily in a virtual world of technology. Experiencing the life full of it sounds fun. It followed...