Magpakulo ng Mantika sa Isang Kaldero sa Katamtamang Init
Ang init sa umaga, ang init din sa gabi. Yung Meralco bill namin, umaabot na ng limang libo kaka-aircon. Partida sa isang kuwarto na lang kami natutulog para lang masulit yung aircon naming. Siyempre, mas malaki tuloy ang ambag sa bills. Kaya nga ang solusyon ko, tipid-tipid muna sa pagkain. Di naman ako mapili. Basta mainitan ang tiyan, okey na ako.
"Ate, pares," sabi ko.
Tumingin at ngumiti si Ate sa 'kin sabay sabing, "May taba?"
"Siyempre."
"Ngayon ka na lang ulit pumunta."
"Naging busy e."
Suki kasi ako t'wing Lunes, Huwebes, at Sabado—yung mga araw na siya yung naka-tokang magbenta—sa loob ng halos dalawang taon. Hindi naman lagi, pero madalas. Petsa de piligro kasi halos araw-araw dahil sa dami ng gastusin. Nga lang kasi . . .
"Asan yung kasama mo?" sabi ng anak niya na madalas niyang kasa-kasama sa pagtinda. Hindi ko alam ang mga pangalan nila, pero alam nila na suki na nila ako at gusto ko yung pares nila.
Si Lea? "A, wala na 'yon," sagot ko. "Nagmu-move on na ako, Kuya. Wag mo na ibalik ang hapdi ng pag-ibig."
"Pangit naman 'yon," sagot niya. "Maarte pa."
Natawa na lang ako. Hala 'to. Ang ganda kaya ni Lea. Ayaw lang niya kumain sa mga ganito, isip-isip ko. Naalala ko kasi na may carcinogens daw. Naalala ko na inaway pa niya ako nang ang sagot ko, "Lahat naman cancerous na."
Ewan ko ba sa mga babae. Ayaw magpatalo. O siguro hindi naman lahat. Baka si Lea lang.
Tinapos ko yung pares at umuwi na sa bahay. Nagmano ako sa nanay at tatay ko na nanonood ng TV at kinonyotan ko yung kapatid ko. Binalitaan ko lang sila na sa ibang building na ako magtatrabaho simula bukas. Iisang compound lang naman—ibang building nga lang.
Tapos, umakyat na ako.
Humiga ako sa kama ko at binuksan yung electric fan. Ni-lock ko yung pinto, hinubad lahat ng damit ko maliban sa boxers, at humiga sa kama. Nagdesisyon muna ako na buksan yung Twitter ko bago ako mag Mobile Legends.
Nakakita ako ng post na may Lea E. Ortega liked. Ang wirdo lang dahil hindi ko naman fina-follow 'tong taong 'to pero nakita ko pa rin dahil ni-like siya ni Lea.
Curious lang ako kaya tiningnan ko yung profile nitong si dyvonnebeing. Ano ba 'to, pun ba 'to ng divine being? Pilit naman, pero mukha nga.
Doon ko nakita na meron lang naman siyang 17.2K followers sa Twitter na ang pinagpopopost niya ay puro tungkol sa crush niya, mga hugot tweet, mga rant tungkol sa gobyerno, at mga emosyon niya sa mga pinapanood niya. Pero ang pinakamarami ay tungkol sa pag-ibig at ang pagiging "sawi" niya dito. Ganito na talaga ngayon, ano? Mas maraming hugot, mas may audience.
BINABASA MO ANG
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
RomanceAno nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa i...