Ilagay ang Toyo at Sarsa ng Talaba at Haluin at Lutuin ng Dalawa hanggang Tatlong Minuto
Kumpirmado ko naman na yung nararamdaman ko para kay Novi, pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Sasabihin ko ba na gusto ko siya sa text? Kung nag-tweet o nag-post lang ako sa social media, baka lalo lang hindi umabot sa kanya. Na-i-imagine ko na si Bent lang magla-like ng post ko, at habambuhay na malilimot ang feelings ko.
Paano ko ba 'to gagawin ng tama nang hindi siya matatakot?
Iniisip ko tuloy kung paano yung nangyari sa 'min ni Lea. Biglaan na lang e. Hinahatid ko siya sa bahay nila tapos tinanong niya ako kung ano ba talaga kami. At no'ng sinabi ko na may nararamdaman ako para sa kanya, iyon na.
E paano naman kay Novi? Ilang beses ko na rin siya hinahatid sa may kanila, pero par-zoned ako.
Active pa rin siya sa Twitter, at active pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit nga noong nagkaroon siya ng field work—at buwisit lang dahil magkasama sila ni Bent—kami yung magkachat.
Anong irereply ko sa "haha" niya? Pero totoo naman yung reply ko, hindi ko lang alam kung tinotoo niya. Wala man lang siyang follow-up kung ano yung mga pinagsasasabi ko. Baka sa dulo, mapahiya lang ako.
BINABASA MO ANG
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
RomanceAno nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa i...