Chapter 7

4.4K 458 734
                                    

Magdagdag ng Asukal at Star Anis


Tinapos ko lahat ng trabaho ko dahil paparating na ulit ang summer outing. Ayaw ko namang maiwan sa opisina at "hahabol" na lang. Naalala ko, noong nakaraang taon, noong nasa kabilang building pa kami, hindi na lang natuloy at nagbigay na lang ticket para sa laser tag. Na-enjoy rin naman namin 'yon.

Ngayon, tuloy na tuloy na raw. Sa isang beach sa Zambales yung outing namin. May team building at iba't iba pang mga activities tulad ng dati. Ang mas espesyal kasi ngayon, makakasama ko yung babaeng gusto ko.

Dalawang beses ko na siya nakakasama, pero ngayon, mas malinaw na yung nararamdaman ko para sa kanya.

Ang totoo niyan, iniisip ko na kung paano ko sasabihin. May bilihan ba ng rosas doon? Yayayain ko ba siya tapos sasabihin ko? Pero siguro, ang pinakamagandang timing ay yung kapag magpapares kaming dalawa tutal, doon naman nag-umpisa kung ano mang meron kami. Bahala na kung mabasted. Bahala na kung sasabihin niya kung hindi niya ako gusto at si Bent talaga o kung sino man.

Bahala na.

***

Magkahiwalay kami ni Novi ng van kaya wala rin kami masyadong interaction noong umaga. Pagkalapag namin, hindi ko rin siya kaagad nakita. Kaya naman nang nakita ko siya noong lunch, hindi ko mapigilang ngumiti.

"Ay puta," sabi niya nang nalaglag niya yung hipon na kukunin niya sana. Pagkarinig ko ng boses niya, lalo akong . . . ewan. Nakita ko pang tinakpan niya yung bibig niya dahil sa nasabi niya.

Sobrang cute, peste, sabi ng utak ko habang nakatingin sa kanya. Di ko napigilan.

"Titig na titig!" tukso ni Bent sa 'kin nang makita niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Titig na titig!" tukso ni Bent sa 'kin nang makita niya ako.

"Gago ka," sabi ko. "Di pa tayo okey."

"Nagsorry na nga ako, e," sagot niya. "E di sana nilinaw mo na ikaw magbibigay."

"Di pa ba malinaw 'yon?"

Umiling si Bent. "Kaya nga sorry na. Manhid na ako, okey? Sorry na. Tulungan na lang kita, okey?"

"Hindi na," sabi ko.

"Anong hindi na? Sumusuko ka na?"

"Susuko lang ako kung sinabi niyang wala akong tiyansa," paglilinaw ko. "Ang ibig ko sabihin, wag mo na ako tulungan. Di nagpapatulong ang mga toro. Sumusugod lang kami."

Natawa si Bent. "Ge, kaw bahala. Nasa likod lang ako kung kailangan mo."

"Noted."

Hindi kami nagkausap ni Novi noong mga games. Tapos bandang alas-singko, nawala na rin siya sa paningin ko. Pinili kasi niya sa "kitchen group" para maghanda ng kakainin para sa dinner. Ewan ko ba, mas excited tuloy ako kumain.

Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon