Ilagay ang Karne ng Baka at Rekaduhan ng Asin at Paminta
Naging close kami ni Novi . . . pero online lang.
Sa akin niya kinukuwento yung mga "moments" nila ni Bentley sa opisina, kahit yung tipong nakita niyang parehas sila ng flavor ng kape na pinili sa pantry at yung nagkasalubong sila sa CR. Madalas, naka-all caps yung mga messages niya sa Messenger tulad nito:
Minsan nahihiwagaan na lang ako kung paanong ang ingay-ingay niya online, pero pag nagkakasalubong kami, nagngingitian lang kami. Yung ngiti na kaming dalawa lang ang may alam dahil nga may sikreto kaming dalawa.
Halos mag-iilang buwan na simula ng nangyari yung insidenteng 'yon. Ako pa rin lang ang may alam na siya si "dyvonnebeing," at ako pa rin lang ang may alam na crush niya si Bentley. Dahil parehas naman kami ng sinasakyan pauwi, t'wing Huwebes, sumasama sa 'kin si Novi para kumain sa pares. Lagi lang niyang sinasabi na natatago ko raw naman kasi yung sikreto niya at tinutupad lang niya yung pangako niya, pero alam ko na sa kaloob-looban ng taste buds niya, nasarapan siya at talagang kabalik-balik yung pares na pinatikim ko.
Pero para namang malapit na rin 'yon matapos. Pakiramdam ko, may kikislap na sa pagitan nila, base sa mga kuwento sa 'kin ni Novi. Hindi ko lang alam kay Bent. Ayoko pakielaman ang diskarte niya.
Basta ako . . .
BINABASA MO ANG
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
RomanceAno nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa i...