Igisa ang Luya, Bawang, at Sibuyas sa Loob ng Dalawang Minuto Hanggang sa Lumambot
Pero pagkatapos ng araw na 'yon, naglalagay lang siya ng pera sa mesa ko kinabukasan na may note sa isang bond paper, double-spaced, Times New Roman 36 ata:
Wow, rhyming. Nag-effort ba siya gumawa ng tula para sa 'kin? Kalahating natuwa ako dahil doon, pero kahalahating dismayado ako dahil, ano bang tingin niya? Mukha akong pera?
Hindi ko tuloy matiis na gumanti. Dito talaga ako magaling e. Para saan pa yung "Sa Sustansiya't Lasa, Wala Pa Ring Tatalo Sa Kanya: Alaska-dor Award" ko noong high school?
Naglakad ako papunta sa kanya. Napatingin siya sa 'kin dahil sa gulat. Ngumiti ako at nilagay sa mesa niya yung ginawa ko.
Hindi ko mapigilan tumawa hanggang sa makabalik ako sa mesa. Hindi ko na tiningnan yung reaksiyon niya. Nakatanggap na lang ako ng message sa kanya sa Messenger.
Hindi na siya nag-reply pagkatapos, at dumaan nang tahimik ang buong araw. Pagdating ng lunch, pumunta sa 'kin si Bent at niyaya niya akong kumain.
"Ayain mo si Novi," sabi ko.
Tumingin siya nang masama sa 'kin. "Naks, pre. Ano, gusto mo 'no?"
Natatawa ako sa likod ng utak ko. Kung alam lang niya. "Sabi mo nga, single siya, at single ka."
BINABASA MO ANG
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
RomanceAno nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa i...