Chapter 8

4.8K 384 725
                                    

Babaan ang Apoy, Pakuluin ng Dalawang Oras hanggang sa Lumambot ang Karne ng Baka, at Magdagdag ng Tubig kung Kinakailangan


Nakanganga lang ako nang binasa ko 'yon, napatayo, napahiga, at nagtatatalon. Napasigaw ako nang sobrang lakas na pumasok na si Bent at Sir Bruce sa kuwarto. Sinabi kong huwag nila akong intindihin at sobrang saya ko lang.

Nagtatayp ako sa Messenger pero hindi na niya sini-seen. Kinuha ko yung tsinelas ko para tingnan kung nasa dagat pa siya, pero wala na rin. Ayoko namang katukin.

 Ayoko namang katukin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit bitin na bitin yung puso at gusto ko pa siyang makausap, sinubukan kong matulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit bitin na bitin yung puso at gusto ko pa siyang makausap, sinubukan kong matulog. Pagdilat ko naman, makikita at makakausap ko siya.

***

"Wuy, kanina ka pa namin ginigising," sabi ni Bent habang niyuyugyog ako. Nakita ko siyang basa ang buhok, parang kakaligo lang. "Last van tayo. Dapat nga bubuhatin ka na lang namin sa van e. Dali! Magwisik ka na!"

Napabangon ako bigla. Sagot ko agad, "Si Novi?"

"Nasa isang van. Umalis na sila kasi nagmamadali yung iba."

"Pucha, di nga?"

"Dalian mo kasi tayo magbabayad ng pang-extend kung di ka gumalaw!"

Wala ng panahon para mag-check o mag-charge man lang ng phone. Naligo ako kaagad, hindi ko nga masasabing matinong ligo 'yon. Tapos nag-empake na kami ng mga gamit sa van.

Nag-charge ako ng kaunti bago umalis, pero sigurado akong hindi 'to aabot hanggang sa drop-off point.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon