Lutuin Hanggang sa Bahagyang Matusta
Naghahanda na ang lahat para sa outing ng department dahil anniversary ng buong kumpanya. Mas naging busy pa nga kami sa dance presentation dahil tumatagingting na 20,000 pesos in cash and premyo. Isa siguro 'to sa mga gusto ko sa kumpanya dahil tatlong beses sa isang taon kami gumigimik lang at hindi nagtatrabaho: birthday ng kumpanya, pasko, at isang araw sa summer.
Ang plano, La Union naman daw. Sakto raw dahil October ang buwan kung kailan magaganda ang alon.
Nagkita-kita kami ng alas-kuwatro ng umaga. Tulog lang naman ang lahat sa van kaya nagulat ang lahat nang nasa La Union na kami ng tanghali. Tirik ang araw kaya sobrang init. Iba na talaga ang panahon ngayon.
Naghanda ang lahat para sa mga laro. Siyempre, palaban ako. Wala naman akong magagawa dahil vinoluntir lang naman nila akong lahat.
"Si Novi," sabi ni Bent, "wala pa siyang sasalihan."
"H-hindi," sagot niya, halos bulong. "Okey na ako sa sulok. Cheer na lang ako. Cheeeeer."
Napangiti ako pagkasabi niya ng "cheer" dahil sobrang liit at hinhin ng boses niya.
"Go na, Novi!" pagpilit ni Amy. "Hindi ka na nga sumali sa dance presentation e."
"Oo nga," sabi ng isang tao sa likod na hindi ko sigurado kung sino. "Para malaman nila na may secret weapon tayo!"
"Baka bigla silang magulat na may Novi pala tayo," dagdag ni Bent.
Nagtawanan ang lahat. Gets ko naman sila, at parang ang pinapalabas nila ay para makita naman ng iba ang "potential" ni Novi. Pero nakita ko yung pag-aatubuli niya kahit nakangiti siya. Nagbuntonghininga ako.
"Wag niyo na pilitin si Novi," sabi ko. "May asthma 'yan kaya bawal siya sa pagtatatakbo." Hindi ko alam kung may asthma talaga siya, pero sinabi ko lang 'yon para tumigil sila sa pagpupumilit sa kanya.
"Meron kang asthma?" tanong ni Bent. Tumango naman si Novi.
"Ako na lang isalang niyo sa lahat ng laro na gusto niyo ipasok si Novi," dagdag ko. "Secret weapon din ako."
"Grabe talaga 'tong si Tau o!" sigaw ni Ma'am Janelle. "Handang mamatay alang-alang kay Novi!"
"H-ha? H-hindi—"
Pero wala na, naghiwayan na silang lahat. Ewan ko ba sa mga 'to. Gusto yata nilang bumalik sa high school at puro sila tuksuhan at match-making.
Tiningnan ko lang si Novi tapos umalis na ako para magbihis ng panligo. Bago ako lumabas, sumilip muna ako sa Messenger ko.
BINABASA MO ANG
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
RomanceAno nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa i...