***UNEDITED***
"DARN!" IYON na lang ang nasambit ni Haru nang muling marinig ang sunod-sunod na putukan ng mga baril. "This really isn't a good day."
Tatlong araw na silang stranded sa gusaling iyon sa compound ng isang Afghan prison. Doon siya ipinadala ng tv station kung saan siya nagtatrabaho bilang news correspondence. Isang documentary lang sana ang gagawin niya tungkol sa pagkakahuli ng mga Taliban rebels nang biglang sumiklab ang kaguluhan sa loob mismo ng naturang prison compound. Nakubkob ng mga nag-aklas na rebelde ang armory building ng Afghan forces. Ngayon ay isa ng war zone ang naturang prison compound. There were dead bodies everywhere and gunshots fired nonstop. Tatlo silang mga foreign journalists, kasama ng kanilang cameramen, ang naipit sa kaguluhang iyon. Hindi sila makaalis dahil kung lalabas sila sa pinagtataguan nila ay siguradong mapapatay sila nang wala sa oras. Kung mananatili naman sila roon, siguradong mamamatay din sila.
"Haru!" turo ni Bert sa may bintana ng gusaling pinagkakanlungan nila. "May paparating!"
Agad naman niyang tiningnan iyon. "Kuhaan mo lang." Binalingan niya ang mga kapwa journalist. "Someone's coming. We have to get ready."
"Aw, man!" reklamo ng Brit journalist na si Martel. "I haven't eaten my breakfast yet!"
Nagtawanan lamang sila ngunit mahahalata pa rin ang tensyon habang naghahanda sila sa pagdating ng 'bisita' nila. They were ready to pound their man to death to defend themselves when it spoke.
"I'm American."
Nakahinga sila ng maluwag. Pero agad din niya itong tinanong nang mahalatang medyo disoriented pa ito. Marahil dala ng kaguluhang pinanggalingan nito. And from what he had heard from him, mukhang CIA agent ito na nag-infiltrate sa mga Taliban rebels. At nabuko.
"Are there any other Americans like you back there?"
"Yes." May kinuha itong tila maliit na box sa bulsa ng pantalon nito. A communication gadget. Pero mukhang hindi iyon gumagana. "Do you have any phone working? I need to call someone."
Nagkatinginan silang mga journalist. It's a major rule among them that in situations like these, a journalist shouldn't extend any help on either camp. Pero nang makarinig sila ng sunod-sunod na malalakas na pagsabog ay nataranta yata ang American journalist na kasama nila at ibinigay nito ang cellphone. Hindi na sila tumutol. They wanted to live as much as they wanted to get the news.
Pero mukhang nagkamali sila ng ginawa. Dahil ilang sandali pa, pagkatapos tumawag ng backup ng CIA agent, nagsagawa na ng airstrike ang northern alliance sa nag-iisang gusali roon na pinagtaguan ng mga Taliban rebels. Isa, dalawa, tatlong pagsabog. Damang-dama nila ang pag-alog ng gusaling kinaroroonan nila.
"Nakuha mo ba, Bert?"
"Oo," nanginginig na rin ito. "Haru, ayoko pang mamatay. Dalawa pa ang pamilyang naghihiintay sa akin sa Pinas."
"Dalawa?"
"O, sige na. Tatlo. Kaya hindi pa ako puwedeng mamatay ngayon."
"Kuwarenta ka na, nakadale ka pa ng tatlong babae? Ang tindi mo rin, ha?" Nakita niya ang isang sugatang Afghan soldier na may saklay at naglalakad sa gitna ng kaguluhang iyon patungong gilid ng fortress na iyon. Ilang sandali pa ay nakatawid na ito at nawala na sa kanilang paningin.
Binalingan niya ang mga kasamahang journalist. "Let's get out of here. That airstrike won't be the last one."
"We could get killed out there!"
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
RomanceUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...