****UNEDITED*****
"HARU, KUMPADRE, pasensiya na. Wala kaming regalo sa iyo. Hindi naman kasi namin alam na ngayon ka magsi-celebrate ng birthday mo."
"Mali. Ang totoo, hindi namin alam na nagbi-birthday ka pa pala."
"Oo nga. Akala namin nagbago ka na ng relihiyon kaya hindi ka na nagdiriwang ng kaarawan mo."
"Lian, ang lalim ng Tagalog mo, ah. Hindi ba't Math teacher ka?"
"Wala, eh. Ganyan talaga ang mga guwapong tulad ko. Nakakapag-adjust sa kahit na anong lahi. Tsing tsang tsu?"
"'lol. Kausapin mo'ng sarili mo."
Sumabog ang malakas na tawanan mula sa grupo nina Haru. Napailing na lang si Fara habang inaasikaso ang mga pagkain sa mesa kasama ng mga kasintahan ibang kaibigan ng binata. Ang ibang bisita ni Haru ay naroon sa sala kasama ng mga ito.
"Praning talaga ang mga iyan, ano?" komento ni Mags, ang girlfriend ni Lian. "Ang bababaw ng kaligayahan."
"Hayaan mo na sila," wika ni Kelly, ang kasintahan naman ni Buwi. "Walang magawa, eh."
"Speaking of walang magawa," singit ng girlfriend ni Waki na si Jazzy. "Fara, bakit mo naman inimbitahan ang mga ex at kung sino-sinong hindi tao rito sa birthday celebration ni Haru? Dapat ay private event ito, hindi ba?"
"Okay lang iyon," wika ni Jean April, Makisig's girlfriend. "Kanina ko pa pinapanood ang mga 'the others' dito, eh. Tensyonado, mga mare. Siguradong anomang oras ngayon, may magaganap ng magandang eksena."
"Ikaw talaga, Jean April. Parang ikatutuwa mo pa kung sakaling magkagulo nga ngayon ang mga dating kasintahan ni Haru." Dumikit si Mags dito upang makiusyoso sa hawak na video camera ng bestfriend nito. "Patingin nga. Ano na ba ang mga nakuhaan mong eksena?"
"Wala pa ngang magandang pangyayari, eh. So far, itong mga pang-aakit pa lang ng mga bruha kay Haru ang nakuhaan ko."
"Inaakit si Haru?" tanong ni Natalya. "Patingin nga."
Nagkanya-kanya na ng lapit ang mga ito kay Jean April upang makiusyoso na rin. Liban sa kanya na inabala na lang ang sarili sa pagkain. Maaasahan talaga si Sage pagdating sa pagkain. Lalo pa niyang ikinatuwa nang hindi lang siya nito bigyan ng discount kundi inilibre na mismo ang mga kinuha niya ritong cake at pastries para sa birthday ni Haru.
"Haru, heto nga pala ang listahan ng mga kinuha ni Fara sa bakeshop ko." Boses iyon ni Sage mula sa grupo uli ng mga magkukumpadre. "Balak ko sanang ibigay na nga iyon ng libre. Kaso hinayaan mo namang si Fara na lang ang magdala ng mga in-order niya kaya buo ang presyo niyon."
"Pero hindi ko alam—"
"Ignorance of the law is not an excuse."
Kahit siya ay napangiwi nang marinig ang dakilang negosyante ng Calle Pogi. Dapat talaga ay naniwala na siya sa sinabi ni Jazzy tungkol sa 'kabaitan' ni Sage.
"Ignorance ka riyan," si Haru iyon. "Hampasin kaya kita nitong saklay ko?"
"Sige, instead of a ten percent discount since its your birthday, gagawin ko na lang na two percent. Para fair."
"Ano ang fair dun?"
"Fair iyon. Itanong mo pa kay Ryu."
"Huwag ninyo akong idamay sa kabaliwan ninyo. Haru, wala bang beer?"
"Meron. Nandoon sa Mars."
"Saan banda iyon dito sa bahay mo?"
"Sa kusina."
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
RomanceUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...