Part 2

7.2K 163 7
                                    


****UNEDITED****


"SO, WHAT happened to you this time, huh?" Itinaktak ni Fara sa tiled sink ang pang-ahit na puro na kulapol ng shaving cream saka muling inahitan si Haru. Nakaupo ito sa ibabaw ng tiled sink ng bathroom nito. "Dati ay puro mga galos at gasgas lang ang natatamo mo sa bawat assignments na napupuntahan mo. Ngayon, halos mabaldado ka na."

"Ito ba?" tukoy nito sa nakabendang binti. "Tinamaan lang ng mga shrapnel nang may bombang sumabog malapit sa akin. Pero wala iyan. Mabababaw na sugat lang iyan."

"Alam mo, Horacio, kung gusto mong magpakamatay e magbigti ka na lang. Tutulungan pa kita. hindi ganyang kung saan-saang sulok ka pa ng mundo nakakarating para lang sa paghahanap ng magiging kamatayan mo. Pahihirapan mo lang kami sa paghahanap sa mga piraso ng katawan mo kung sakaling matuluyan ka sa ibang bansa."

"Bakit ba lagi mong iniisip na gusto kong magpakamatay?"

"O, bakit? Hindi ba?"

"Parte na ito ng trabaho ko."

"Oo nga, gusto mo na ngang magpakamatay."

Idinampi nito ang dulo ng daliri sa shaving cream sa mukha nito at inilagay iyon sa tungki ng ilong niya. "You're so cute, Fara. Lalo na kapag ganyang ipinapakita mo kung gaano kang nag-aalala sa akin."

"Horacio Esteban, baka nakakalimutan mong hawak ko pa ngayon ang shaver mo. Puwedeng-puwede kitang kalbuhin kapag naasar na talaga ako sa iyo."

Tumawa lang ito. "Cute...really cute."

"Hindi ako cute!" giit niya. "At huwag ka ng mambola riyan. Okay, fine. So I was concerned about you. Natural lang iyon dahil kababata kita at kinakapatid. Isa pa, nag-aalala rin sa iyo si Nanay. Lagi mo na lang kasing sinusugod ang mga mapanganib na lugar. O, sino ang hindi mag-aalala sa iyo niyon? Kung buhay lang ngayon ang nanay at tatay mo, sigurado ring—"

"Ipagmamalaki nila ako." Inayos nito ang ginamit na shaving cream sa tabi nito. "Lagi nilang sinasabi noon sa akin na kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, dapat ay gawin ko iyon nang buong puso ko. At ito ang gusto kong gawin, Fara. Pangarap kong maging reporter kahit noon pa man. Alam mo iyan. Hindi nga ba't sinuportahan mo pa ako noong maka-graduate ako ng Journalism? Niyakap mo pa nga ako nun at hinalikan bilang pagbati."

Hindi siya nakaimik. He was right. She had always known his dreams of becoming a well-known reporter. Napakunot ang kanyang noo. Naalala pa nito ang araw na iyon nang magtapos ito sa kolehiyo? At ang mga ginawa niya? Itinapat niya sa gripo ang shaver at muling itinuloy ang pag-aahit dito.

"Ewan ko ba," aniya. "Minsan gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit sinulsulan pa kita noon na i-pursue ang pagiging journalist mo. I mean, you're good at what you do and I'm proud of you. Still..."

"You can't stop worrying about me," pagtatapos nito sa sinasabi niya. His eyes were smiling at her as he looked down at her.

Hindi tuloy niya maiwasang pagmasdan ito nang matagal-tagal. He was really handsome, with twinkling brown eyes and charming smile. And when he was looking at her like that, she just couldn't stop herself from thinking that he was...somewhat...found her pretty. Which was silly. Napaka-ordinaryo nga naman ng mukha niya para magustuhan ng isang hearthrob na tulad nito.

I mean, come on. Ang daming napakagagandang babaeng nagkakandarapa sa kanya. Hindi ang tulad ni Haru ang magkakagusto sa isang tulad ko.

Napasimangot na lang siya nang mapansing kinakausap na niya ang sarili.

"O, anong problema mo?" asar niyang tanong nang ituloy ang pag-aahit dito. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Wala akong pera."

Calle Pogi 5: HARU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon