Part 4

6.6K 154 0
                                    

***UNEDITED****

IrU_kArA: I don't think magugustuhan din niya ako. I mean, he's such a dreamboat and I'm just...an ordinary girl.

braTat: there's nothing ordinary in this world. lahat extra-ordinary. Iba-iba lang ng packaging.

SkYeGirL: ginawa mo pa kaming balikbayan box. IrU_kArA, bakit hindi ka gumawa ng paraan? Kung gusto mo talagang mapansin ng lalaking gusto mo, then do something about it.

IrU_kArA: pero anong gagawin ko? masyado akong mahiyain. Kapag kaharap ko siya, ni hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanya.

SkYeGirL: e di pumikit ka. Tska mo siya gahasain!

Napailing na lang si Fara habang binabasa ang usapan sa Planet Indigo, isang chatroom iyon sa Internet na kinabibilangan niya. Kapag ganitong kuntento ang mga customers niya sa harap ng computer sa computer shop na iyon na pag-aari niya roon sa Calle Pogi. Mahigit isang taon na rin ang computer shop niyang iyon. Naisipan kasi niyang mag-resign na sa kanyang trabaho bilang accountant ng isang investing company dahil kung hindi ay baka masaksak na niya ang kanyang supervisor sa sobrang yamot niya roon. Naging favorite past time na kasi nito na pag-initan siya kahit nananahimik lang siya sa isang tabi. Kaya nang ma-aprubahan ang bank loan niya ay agad siyang nag-alsa balutan at nagtayo na lang ng sarili niyang negosyo. So far, so good. Wala ng mga buwisit na taong bumubuliglig sa kanya, siya pa ang amo at hawak niya ang kanyang oras. At sa loob lang ng kalahating taon ay nabawi na niya ang lahat ng kanyang nagastos. Ganon kalakas ang computer shop niya palibhasa ay siya lang ang may ganong negosyo sa kanilang barangay kaya sa kanya ang puntahan ng mga gustong mag-Internet at mag-online games.

bing_0t28: sige! Masaya yan! Nasa likod mo kami, IrU_kArA!

BenjPogi: yan ang Bing sweetheart ko!

lakeplacid: tama si SkYeGirL. Sa panahon natin ngayon, dapat ay gumawa na ang laht ng paraan. You can't just sit around and wait for Mr. Destiny to come along.

SoFra: nasa Pinas tayo at isang Pinay si IrU_kArA. Unless im wrong, its ok for her to just wait since its her priviledged to be pursued by a guy.

lakeplacid: o sige, iru. Maghintay ka sa pagputi ng uwak. Wakeup, people! Nasa bagong milenyo na tayo! Hindi na uso ang maria clara ngayon!

mayamanako: I still believe in the Maria Clara-type

lakeplacid: Maria Clara nga, bokya naman ang lovelife.

"Miss!"

Nilingon ni Fara ang nag-ingay. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Haru na nakatunghay sa kanya mula sa counter. Muntik na siyang mapasinghap sa pagkagulat. Pero ang puso niya, nauna ng umarangkada. Her heart just couldn't stop beating fast now.

"Ano ka ba, Horacio? Huwag ka ngang manggugulat. Sapakin kita dyan, eh."

"Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo riyan at ni hindi mo man lang ako napansin? Kanina pa ako rito."

"Wala." Umurong siya palayo rito upang makahinga siya ng maluwag. Lintik na puso ito! "Ano ba ang kailangan mo?"

"Ang sungit mo yata ngayon."

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Ang sungit mo yata ngayon."

Sinimangutan lang niya ito. But he was smiling like that, nakakalimutan na niya ang pagkaasar niya sa mundo.

"Pa-cute ka na naman diyan," aniya. Itinuro niya ang kasalukuyang usapang sa screen ng kanyang monitor. "May pinagkakaabalahan na namang pag-trip-an ang mga tao sa paborito kong chatroom, eh. Tinitingnan ko lang kung ano ang susunod na mangyayari, kung susundin ba nung pobre ang mga payong kabayo ng mga tao roon o hindi."

Calle Pogi 5: HARU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon