***UNEDITED***
"NINANG!"
Nakangiting kinawayan lang ni Fara ang limang taong gulang na inaanak na naglalambitin sa monkey bar. Nakatambay siya ngayon sa isa sa mga benches sa park na iyon na parte ng Brgy. Calle Pogi. Maganda ang sikat ng araw nang hapong iyon. Naisipan na niyang kumuha ng katulong sa pagbabantay sa kanyang computer shop para kung sakaling may pupuntahan siya ay hindi na niya kailangang magsara. Wala naman siyang pupuntahan ngayon ngunit kinatatamaran niyang magbantay sa shop kaya naisipan niyang magpalipas na muna ng oras sa parke.
Its been three days since Haru left the country for his next assignement. Its been three days since she had her heart broken for the first time. Hanggang ngayon, sa tuwing maiisip niya ang eksenang iyon sa pagitan nila ng binata ay hindi pa rin niya maiwasang maluha. Gusto niyang magsisi sa tuluyang paglayo nito sa kanya dahil sa mga ipinagtapat niya. Kaya lang, ayaw din naman niyang magsinungaling sa kanyang sarili.
"Nice day at the park, huh."
"Bucho."
Nasa likuran niya ang kanilang barangay captain. Tulad niya ay nakatunghay din ito sa mga batang naglalaro roon habang nakatukod sa sandalan ng bench na kinauupuan niya ang mga kamay nito.
"'Mabuti naman at naisipan mo na ring lumabas shop mo. Akala ko balak mo na talagang magpakalunod sa radiation ng computers mo."
"Paano mong nalaman..."
"Na nagkakampo ka sa computer shop mo? Fara, hindi ako magiging barangay captain kung hindi ko malalaman lahat ng tungkol sa lupaing sakop ko."
"Sa lahat ng government official na kilala ko, ikaw ang pinakamarami ang alam."
"I'll take that as a compliment." Iyon lang at nagpaalam na ito.
Ngunit bago ito makalayo ay muli niya itong tinawag. "M-may...balita ka ba kay Haru?"
"Wherever he is, I'm sure he's doing fine dodging off those bullets and granade shrapnels. And exchanging jokes with the world's terrorists. And—"
"Bucho!"
"You want to call him? I have his number."
Bago pa siya makasagot ay iniabot na nito sa kanya ang cellphone nito. Ngunit hindi niya iyon tinanggap.
"Thanks, but no thanks." Muli niyang ibinaling sa mga naglalarong bata ang kanyang atensyon. "Gusto ko lang namang malaman kung okay pa ba siya."
"O kung maghahanda na ba tayo rito ng paglalamayan niya?"
"Alam mo, Bucho, kung hindi lang malaki ang paggalang ko sa iyo bilang chairman ng Calle Pogi, hinati na kita sa dalawa."
"Mas marami kang magiging kalaban nun."
"Oo nga."
Nagpamaywang ito nang muli siyang harapin. Kahit saang anggulo talaga tingnan ang lalaking ito, malayo talagang isipin na isa lang itong simpleng kapitan ng maliit na barangay na iyon ng Calle Pogi. Unusual kasi makakita ng barangay captain na mukhang pinaghalong artista at modelo. Kunsabagay, karamihan naman ng residente sa kanilang barangay, lalo na ang mga kalalakihan, ay unusual ang karakter. Ewan nga ba niya kung bakit nagsisisiksikan ang mga ito sa kanilang barangay.
Because of the name. Calle Pogi.
"Fara," untag ni Bucho. Seryoso man ang ekspresyon nito ay maaliwalas pa rin ang bukas ng guwapo nitong mukha. "Bakit hinayaan mong makaalis si Haru?"
"Hindi ko siya hinayaang umalis." Pinagmasdan niya ang suot niyang tsinelas na goma. "Sinubukan ko rin siyang pigilan kahit alam kong wala naman akong karapatang gawin iyon dahil magkaibigan lang kami. Pero...umalis pa rin siya."
BINABASA MO ANG
Calle Pogi 5: HARU (Completed)
RomanceUmuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na...